Alamat ng Gagamba

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Ang kanilang anak ay tinawag nilang Amba.

Alamat ng Gagamba Alamat ng Pilipinas Bugtong ng Pilipinas Epiko ng PilipinasAng mag-asawa ay may hanapbuhay na paghahabi ng mga tela. Parehas na galing sa angkan ng mga mahuhusay humabi ang mag-asawa. Kaya’t tama lamang na ito rin ay kanyang ipapamana sa nag-iisang anak.

Habang maliit pa ang bata ay itinuro na ng mag-asawa kung paano ang humabi. At habang lumalaki na nga ang bata ay unti-unti itong naging bihasa sa paghahabi ng mga tela. Maging ang mga mahihirap na disenyo ay kaya ng gawin ng bata sa murang edad. Nahigitan na nito ang kakayanan ng kanyang ama at ina.

Alamat ng Dahlia

Noong unang panahon, may isang babaeng naging tanyag dahil sa kanyang angking kagandahan. Ang dalagang ito ay nag ngangalang Dahlia.

Sa buong sulok ng bayan at maging sa mga ibayong dako ay rinig ang tungkol sa kagandahan ng dalaga. Si Dahlia ay may mapupungay na mga mata, mahaba at itimang buhok, mapupulang mga labi at makinis na kutis. Dahil sa kanyang angking kagandahan, maraming mga binata ang naglalayong makuha ang kamay ng dalaga upang mapangasawa.

Ang Pagong at ang Matsing

Isang araw, nagpasyal ang magkaibigang pagong at matsing. May nakita silang punong saging.
Pagong at Matsing Pagong at Unggoy Pagong at Tsonggo Pabula ng Pilipinas Alamat

"Akin ito," sabi ng matsing at hinila ang parte ng puno na may dahon.

"Hindi, akin ito," sabi ng pagong at hinila ang may ugat na parte ng puno.

Habang naghihilahan sila, sinabi ng pagong, "Bakit hindi natin hatiin ang puno? Kunin mo ang parteng gusto mo at kukunin ko ang bahaging gusto ko."

Talambuhay ni Melchora Aquino

Bata ka man o matanda, makatutulong ka rin sa iyong bansa.  Iyan ang paniniwala ni Melchora Aquino-Ramos o Tandang Sora na sa gulang na 84 ay buong pusong tumulong at naging inspirasyon ng mga katipunero sa pakikidigma sa mga Kastila.

Si Tandang Sora ay ipinanganak sa Banlat, Caloocan sa National Capital Region. Si Juan Aquino ang ama niya at si Valentina de Aquino naman ang kaniyang ina.

Alamat ng Kasoy

alamat ng Kasoy Cashew Legend Mga Alamat ng Pilipinas Philippine LegendsNasaan ang buto ng mga prutas? Nasa loob di ba? Ngunit ang kasoy ay kakaiba. Ang buto ay nasa labas. Alam ba ninyo kung bakit? Alamin natin sa sumusunod na kuwento.

Noong unang panahon sa loob ng kagubatan ay may kasayahang nagaganap. Lahat ng uri ng mga hayop ay naroroon. Sila`y masayang nagkakantahanan at nagsasayawan. Sa di naman kalayuan ay may isang bagay na nakikinig at inggit na inggit sa kasayahang naririnig. Ito`y walang iba kungdi si Kasoy.

Talambuhay ni Juan Luna

Spolarium by Juan Luna Talambuhay ni Juan Luna Bayani ng Pilipinas Sikat Pinoy Pintor Filipino Hero
Si Juan Luna y Novicio (23 Oktubre 1857-7 Disyembre 1899) ay isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.

Matalino ang Matsing

Siya ay malayang nagpapalipat-lipat sa mga punong naroroon. Malaya siyang nakamimitas ng mga prutas na naroon. At ang pinakapaborito niya sa lahat ay saging.

Sa pusod ng ilog ay may kaharian. Doon naninirahan ang lahat ng mga nilalang sa tubig. Mayroon silang hari at ito`y mahal na mahal nila. Ang paggalang nila ay nakikita sa mabilis na pagsunod sa kanyang utos.

Talambuhay ni Marcelo H. del Pilar

Marcel H Del Pilar Bayani Talambuhay ni Marcelo H Del Pilar Philippine Hero BiographySi Marcelo H. del Pilar ay isinilang sa Kupang , San Nicolas, Bulacan noong Agosto 30, 1850,. Siya ang pinabata o bunso sa mayaman na pamilya. Ang kanyang mga magulang ay sina Julian H. Marcelo na isang gobernadorcillo" at Blasa Gatmaitan.

Siya ay nag-aral ng kolehiyosa paaralan ni Gng. Herminigilda Flores, pagkaraa'y lumipat siya sa San Jose College at kalaunan ay lumipat din siya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtapos siya ng abogasya noong 1890.

Alamat ng Pinya

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Alamat ng Lansones

Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, kinakatakutan na ang lansones. Walang nangahas kumain nito.

Bakit Mahaba ang Ilong ng Elepante

Noong unang panahon ang ilong ng elepante ay di katulad sa ngayon. Ang kanilang ilong ay bilog na kasinlaki lamang ng botas.

May isang batang elepante na laging nagtatanong ng Sino?, Bakit?, Saan?. Paano?. Ano?. Ang kanyang tatay, nanay, ate, kuya, tiya at tiyo ay galit na sa kanya at binigyan siya ng isang malakas na sampal.

Talambuhay ni Andres Bonifacio

Andres Bonifaction Talambuhay Biography Bayani ng Pilipinas Sikat Pinoy
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan.

Pangalang nga mga Bagyo sa Pilipinas (2011)

Lingid sa kaalaman ng karimihan, ang mga bagyong pumapasok sa Pilipinas ay may mga pangalan na bago pa man sila mabuo. Ang PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ay may sariling paraan ng pagbigay ng pangalan ng isang bagyo.

Bagyo sa Pilipinas Pangalan ng Bagyo sa Pilipinas
Ang unang bagyo ng taon ay nagsisimula sa letrang "A" (halimbawa: Auring). Ang susunod na pangalan ng bagyo ay nagsisimula sa letrang "B".  At susundan ito nga bagyong ang pangalan ay nagsisimula sa letrang "C".  Alam nyo na siguro kung sa anong letra magsisimula ng kasunod nito.

Heto ang Listahan nga mga Bagyo sa Pilipinas sa taong 2012.

DAPAT ba o HINDI DAPAT na payagan ang diborsyo sa Pilipinas?

Mula sa panulat nina:
GONIE T. MEJIA — nagtanggol sa panig ng DAPAT
ELVIE V. ESPIRITU — nagtanggol sa panig ng HINDI DAPAT
RAFAEL A. PULMANO —namagitan bilang LAKANDIWA


LAKANDIWA (Pagbubukas)

Marubdob na pagbati po ang nais kong iparating
Sa lahat ng nakikinig dito sa Pag-usapan Natin
Narito po kaming muli upang kayo ay aliwin
Sa buwanang Balagtasang labanan ng magagaling.

Maniningil (by Genoveva Edroza-Matute)

Kung may makita kayong isang lalaking hangos sa paglakad, may kipkip na karterang katad na halos magputok sa mga lamang resibo at kung anu-anong papel, siyamnapu’t siyam sa isang daan, ang taong yaon ay isang kubrador o maniningil ng mga pautang. Kung siya’y kinakatawan ng isang malaking bahay-kalakal, ang ayos niya’y maaaring may-kakinisan at nag-aanyaya sa isang tunay na pagpipitagan. Kung, sa kabilang dako, siya naman ay tagapaningil ng isang tindahan, malamang na ang ayos niya’y gusgusin, pawisan, at parang wala nang kapana-panahong mapakag-ayos ng sariling katawan. Iyan ang maniningil; laman ng lansangan, kilabot ng mangungutang, panauhing pinagtataguan, dalaw na kinamumuhian.

GREGORIO Y. ZARA - Pinoy Imbentor

Gregorio Zara Pinoy Inventor 2-way tv phone alcohol airplane engine zara effect Dr. Gregorio Y. Zala Philippine Inventor
Si Gregorio Zara naman ang nagimbento ng two-way television telephone, at ang makina ng eroplanong gumagamit ng alchohol sa halip na gasolina. Siya rin ang nakatuklas ng electrical kinetic resistance na kinilala sa tawag na Zara effect, at ang paraan sa pagkuha at paggamit ng enerhiya mula sa araw na tinawag na solar energy.

Mga Pangkat Etniko or Tribu sa Pilipinas

Ang Pilipinas ay binubuo ng higit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Matatagpuan ito sa rehiyong tropikal ng daigdig sa may kanluran ng Karagatang Pasipiko. Kabilang sa lupalop o kontinente ng Asya ang bansang Pilipinas. Ang ating bansa ay may kabuuang sukat ng lupa na 300,000 km². Ang mga isla ay karaniwang nahahati sa tatlong grupo: Luzon, Visayas, at Mindanao. Iba-ibang isla, iba-ibang pangkat etniko.

Narito ang mga Pangkat Etniko sa Pilipinas:

FE DEL MUNDO - Pinoy Imbentor

Pinoy Inventor Pinoy Imbentor Pilipino Fe Del Mundo Incubator Imbetor PilipinasInimbento ni Fe del Mundo ang Incubator. Ang mga sanggol na ipinangak ng premature ay inilalagay sa incubator. Siya ay ang unang asyano na nakapasok sa Harvard University's School of Medicine. Noong 1980, siya ang unang Filipina National Scientist. Isa rin siyang pediatrician – isang doctor na gumagamot ng mga bata.

Bokabularyong Pinoy... na may katatawanan

Sa palengke, sa bangketa o sa kalye, marahil ay nakarinig na kayo nga mga salitang di n'yo pa narining ni minsan.  At para sa ikamulat ng iyong kaalam, akin po'ng binuo ang Bokabularyong Pinoy na ito.   Karamihan sa mga salitang ito ay may halong katatawanan.  Ang iba naman ay nakaka-ewwwww! kung basahin.  Pasensya na po.  Pero gaya nang sinabi ko, itoý dagdag kaalaman lamang at para hindi naman tayo magmukhang ignorante kung sakaling marining nating ang mga salitang ito.

Ang mga sumusunod nga impormasyon ay may halong salitang pangmatanda.   
Sa pababasa nito, ang patnubay ng mga magulang ay kinakailangan.  
He-he-he!  Seryoso po ako.


Alpombra
Kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo. Ang alpombra ay may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas.  Mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki. Available in blue, red, green, etc.  Buy na!  Ha-ha-ha!

Talambuhay ni Benigno "Noynoy" Aquino III

Si Simeon Benigno "Noynoy" Cojuangco Aquino III (ipinanganak Pebrero 8, 1960) ay isang senador ng Pilipinas at ang isang kandidato para sa Pangulo ng Pilipinas sa halalan ng 2010, na nagbabalak na kumakatawan sa Liberal Party. Siya ay ang tanging anak na lalaki ng dating Pangulong Corazon Aquino at dating senador Benigno Aquino, Jr.

JAGUAR (ni Jose F. Lacaba at Ricky Lee)

Dula : JAGUAR - ni Jose F. Lacaba at Ricky Lee

INT. GASTON PUBLISHING LOBBY. HAPON


Oras ng labasan. Nagba-bundy clock ang mga papalabas na MANGGAGAWA. Nasa tabi ng desk ng security guard ang bundy clock.


Nakauniporme si POLDO, nakaupo sa gilid ng desk. May kasama siyang GUWARDIYANG BABAE. Iniiksamin nilang dalawa ang mga bag ng mga trabahador. Ang mga lalaki’y kinakapkapan ni Poldo.



Dadaan si SONNY, may bitbit na attaché case. Sasalubungin siya ni Poldo. Itataas ni Poldo ang palad sa harap ng mga nakapilang manggagawa, parang pulis na nagpapatigil ng trapik . Ang ekspresyon sa mukha ni Poldo ay parang nagsasabing: Relaks lang muna kayo riyan; boss ito at dapat unahin.

Sa Bagong Paraiso (by Efren R. Abueg)

Sinasabing masarap ang bawal. Kung alin ang bawal ang siyang nagugustuhan nating Gawin. ‘At iniutos ng Panginoong Diyos sa lalaki, na sinabi. Sa lahat ng punungkahoy, halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapwa’t sa kahoy na pagkakilala nang mabuti at masama ay huwag kang kakain, sapagkat sa araw na ikaw ay kumain niyan ay walang pagsalang mamamatay ka.’    Genesis 3: 16-17

Sa simula’y mga bata silang walong taong gulang – isang lalaki at isang babae. At ang kanilang daigdig ay isang malawak na loobang kinatitirikan ng dalawang tabla’t yerong bahay, na ang isa’y nasa Silangan at isa’y nasa Kanluran; at sa pagitan niyon ay walang bakod na nakapagitan.

Isda sa Gata na May Sarsa

Sangkap
1 tasang hinimay na isda
2 tasang gata ng niyog
4 na kutsarang ginadgad na keso
1 kurot na paminta
1 tasang kanin
3 itlog
1 kutsarang asin
2 kutsaritang mantikilya

Efren R. Abueg

Si Efren A. Abueg ay ipinanganak noong ika-3 nga Marso 1937 sa Tanza, Cavite. Marami na siyang natanggap na awards at recognitions. Isa na rito ang Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas at apat na Liwayway Literary Prizes para sa mga nobelang naisulat niya. Ang nobelang “Merah Tua” ay kasalukuyang inilathala sa Liwayway.


Ang mga kathang Nobela ni Efren Abueg:

Muling Maging Dakila (Talumpati ni Ferdinand Marcos)

Sa araw na ito, animnapu't siyam na taon na ang nakalipas, namatay ang isang batang bayani at propeta ng ating lipi sa kanyang minamahal na lupain. Isang bala ng diktador ang pumaslang sa kanya, at mula sa pagdaloy ng dugo ng martir ay tumubo ang isang bagong bansa.