Noong unang panahon ang ilong ng elepante ay di katulad sa ngayon. Ang kanilang ilong ay bilog na kasinlaki lamang ng botas.
May isang batang elepante na laging nagtatanong ng Sino?, Bakit?, Saan?. Paano?. Ano?. Ang kanyang tatay, nanay, ate, kuya, tiya at tiyo ay galit na sa kanya at binigyan siya ng isang malakas na sampal.
Isang araw ang batang elepante ay may bagong tanong. "Nanay, ano ang hapunan ng buwaya"?, tanong niya sa ina."Pumunta ka sa ilog at tanungin mo siya," sagot ng ina at sinampal siya para suwertihin.
Dali-daling nagtungo sa ilog ang batang elepante. Nang dumating siya sa ilog, ay may nakita siyang nakalutang na troso.
Bumuka ang isang mata ng troso at kinindatan siya nito. (Ito pala`y hindi troso). Gulat na gulat ang batang elepante. "Mawalang galang po!, Ano po ang hapunan ng buwaya?, tanong ng batang elepante. "Lumapit ka at ibubulong ko sa iyo", sabi ng buwaya.
Lumapit ng malapit na malapit ang batang elepante. Bigla siyang kinagat ng buwaya sa ilong. Ibig kumawala ang elepante at sila`y naghilahan nang naghilahan hanggang sa makaalpas ang batang elepante. Nabinat nang husto ang kanyang ilong at ito`y hindi na bumalik sa dati. Ang batang elepante ay may mahaba ng ilong.
Nang siya`y umuwi, sinampal niya ang kanyang tatay, nanay, kapatid, tiyo at tiya ng kanyang mahabang ilong.
Sila naman ngayon ang nagtanong- ng nagtanong. "Saan mo kinuha ang iyong magandang ilong?" tanong nila. Nang ikuwento ng batang elepante ang ginawa ng buwaya, lahat sila`y nagtungo sa ilog at ipinakagat ang kanilang ilong.

Bakit Mahaba ang Ilong ng Elepante
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento