Mga Bahagi ng Pahayagan

Ang PAHAYAGAN ang babasahing naglalaman ng pinakabagong impormasyong nagaganap sa iyong paligid.

Ang mga sumusunod ay ang walong bahagi nga Pahayagan:


1)  Pang-unang Pahina o Ulo ng Balita - Sa bahaging ito makikita ang pamagat at petsa ng pahayagan. Dito rin makikita ang mga pangunahing balita o pinakamahalagang balita para sa araw ng isyu o labas.





2) Editoryal - Dito mo makikitaang kuro-kuro o opinyon ng patnugot at iba pang manunulat.



3) Balitang Lokal - Ang mga balitang nangyayarisa ating bansa ay mababasa sa pahinang ito.



4) Balitang Isports o Pampalakasan - Makikita sa bahaging ito ang mga balita tungkol sa palakasan o isports.



5) Panlibangan at Katatawanan - sa bahaging ito makikita ang balita tungkol sa mga artista at ang mga pelikulang itatanghal para sa linggong iyon. Minsanay may mga pahayagang may palaisipan, o iba pang laro hinggil sa titik upang malibang ang mambabasa.



6) Anunsyo o Patalastas - Sa pahinang ito makikita ang mgapatalastas at pagkakataon sa paghahanap ng trabaho, pagbebenta at pagbili ng mga bahay, serbisyo at iba pa.




7) Balitang Pandaigdig - Sa bahaging ito makikita ang mga balitang nagaganap sa daigdig o ang mga balita sa labas ng bansa.



8) Balitang Pangkomersiyo at Pangkalakalan - Ito ay pahinasa mga balita tungkol sa kalakalan, industriya, komersiyo, palitan ng piso, at pera ng dayuhan.




10 komento:

  1. nice..nakakatulong talaga.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat naman Zel at natulungan ka nito'ng maliit kong website.

      ...balik ka ha...

      Burahin
  2. good tama ang sagot ng anak ko

    TumugonBurahin
  3. pinag hirapan ko ito salamat tama rin ang sagot ko thank you very much

    TumugonBurahin
  4. salamat sa web na ito.. nakatulong sa pagtuturo ko

    TumugonBurahin
  5. salamat babalik talaga ako d2 nakatulong talaga thanks

    TumugonBurahin
  6. marami pong salamat sa gumawa n2 nka2long po tlga skin

    TumugonBurahin