PAGKAKAISA : Ang Tunay na Diwa ng EDSA (Talumpati ni Joseph Estrada)

(Speech of President JOSEPH EJERCITO ESTRADA on the occasion of the 13th Anniversary Celebration of the EDSA Revolution at the EDSA Shrine, Quezon City, at 3:30 p.m. of February 22, 1999.)

TAOS-puso akong bumabati sa lahat ng ating mga kababayan sa makasaysayang okasyong ito, and ika-labintatlong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Isang malaking karangalan para sa akin ang makasama sa pagkakataong ito ang mga bayani ng EDSA na nagpamalas sa mundo na kaya ng sambayanang Pilipinong ibalik ang demokrasya sa mapayapang paraan.


Kung hindi dahil sa kanila, hindi magiging, makabuluhan ang pagdiriwang natin ng ikasandaang taon ng ating kalayaan noong nakaraang taon, bale-wala rin sana ang pagsapit ng sentenaryo ng ating pagka-bansa noong nakaraang Enero, dahil ano ang silbi ng paggunita natin sa unang Republika ng Pilipinas kung hindi naman tayo malaya?

Kung hindi dahil sa kanila, wala rin marahil Pangulo ngayon na Joseph Ejercito Estrada. Kaya't sa araw na ito, muli nating pasalamatan ng lubos ang kanilang kagitingan at dakilang pagmamahal sa ating bayan.

Si Pangulong Cory Aquino ang siyang naging simbolo ng pagbabalik ng demokrasya sa ating bansa, ipinamana niya sa ating lahat ang isang matatag na demokrasya.

Si Pangulong Fidel V. Ramos naman ay muling pinatatag ang ating pamahalaan at binuhay ang ating pambansang ekonomiya. Walang pagod niyang pinagtibay ang kapayapaan, na siya namang naging pundasyon ng mga reporma para palakasin ang ating bansa.

Ang minamahal nating Jaime Cardinal Sin ay wala ring pagod na binabantayan ang ating demokrasya. Dahil sa kanya, ang simbahan ay nanatiling isang malakas na puwersa para maging tapat ang mga pulitiko na magsilbi sa bayan.

Ipinakita rin ng iba pa nating mga Bayani ng EDSA na hindi nagtapos sa pagbabalik ng ating demokrasya ang kanilang paglilingkod sa bayan, si dating Defense Secretary Juan Ponce Enrile ay kung ilang beses nang naging senador. Si Butz Aquino ng August twenty-One Movement, o ATOM, ay naging senador din at ngayon naman ay Congressman ng Makati City. At si Col. Gringo Honasan ay Senador na rin.

Diyan natin makikita na ang ating tinatamasang demokrasya ngayon ay hindi lamang nila ipinaglaban noon sa EDSA. Ipinaglalaban pa rin nila ito ngayon - sa senado, sa kongreso, sa simbahan, maging sa lansangan. At sa kaso ng dalawa nating dating Pangulo, higit pa nila itong pinalakas sa Malakanyang.

Pitong taon na ang nakaraan, nagkaroon ng mapayapang pagsalin ng kapangyarihan mula kay Pangulong Aquino kay Pangulong Ramos. At noong nakaraang Hunyo naman ng taong nakalipas ay mapayapa ring isinalin sa akin ni Pangulong Ramos ang pagiging Pangulo. Ito ay nagpapatunay ng katatagan ng ating kaayusang pampulitika.

The Legacy of EDSA

I stand before you today fortunate and proud to have succeeded two worthy leaders who not only kept the legacy of EDSA alive but also enhanced its spirit.

Today, Filipinos live in the glory of democracy and by ways of freedom. This restored democracy and freedom we all owe to that momentous event when Filipinos from all walks of life came out with one heart, one soul, one voice to prove that tanks could be powerless against rosaries and guns could be silenced by prayers.

EDSA was, by and large, a reawakening. It was when people subordinated personal interests to the national good. It was when Filipinos became truly Filipinos - deserving of the sacrifices of our heroes and that of man who believed they were worth dying for.

Naririto tayo ngayon upang sariwain ang bahagi ng ating kasaysayan nagpakilala sa kagitingan ng ating lahi sa buong mundo. Ang EDSA revolution ay labis na hinangaan at di naglaon ay pinamarisan ng iba pang mga sumisibol na demokrasya. Sa Germany, sa Hungary, Sa Korea, sa Rusya, maging sa Tsina at Myanmar, naging inspirasyon nila ang kabayanihang ipinamalas ng sambayanang Pilipino mula ika-22 hangang ika-25 ng Pebrero noong taong 1986.

Standing by the ways of freedom

Nang dahil sa EDSA, ang inyong abang lingkod ay naging Pangulo ng sambayanang may kalayaan pumili at maghalal kaya naman tungkulin kong ipagpatuloy ang simulaing nagbalik sa ating karapatang mamuhay nang malaya.

Alam ng marami na ako po ay natanggal sa puwesto bilang Mayor ng San Juan pagkatapos ng EDSA tinanggap ko 'yon bilang paraan upang maipatupad ang malawakang reporma. Kung hindi sa pangyayaring iyon, baka hindi ako naging Senador, Bise-Presidente, at ngayon, inyong Pangulo.

There is truth to the saying that when God closes a window, he opens a bigger door. When the Filipinos went through great sufferings before EDSA, they were just being prepared for something bigger.

Kung pinatatag ni Pangulong Aquino ang ating demokrasya at binuhay naman ni Pangulong Ramos ang ating ekonomiya, ano pa ang aking pwedeng gawin para mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino? Ano ang kailangan kong gawin para manatiling buhay ang diwa ng EDSA?


The fight continues

Mga minamahal kong kababayan, di pa tapos ang laban ng EDSA. Hindi magiging ganap ang ating kalayaan kung ang masang Pilipino ay nabubuhay pa rin sa kahirapan.

More than one hundred years ago, the masses pinned their hopes for a better life on the attainment of independence. They fought for what they believed to be the broader goals of the revolution - a brotherhood among Filipinos, equal opportunities for the rich and the poor, and the eradication of poverty.

Hindi pa nating nakakamit ang mga hangaring yan kaya't ito ang ating ipinaglalaban ngayon - ang ma-ahon ang ating mga kababayan sa kahirapan, mabigyan sila ng katarungan. Mabawi ang kanilang dignidad at mabuhay nang mapayapa at masagana.

Nariyan pa rin ang maraming hamon na dapat nating harapin tulad ng kakulangan sa pagkain, disenteng tirahan at mahusay na edukasyon ng ating mga maliliit na kababayan. Patuloy nating nilalabanan ang anomalya sa Gobyerno, ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, at pagsasamantala sa kapuwa. Susugpuin natin ang kriminalidad at paglaganap ng mga bawal na gamot puputulin din natin ang pag-aabuso ng iilan sa ating kalikasan.

Today we are waging new battles against the tyranny of poverty, against graft and corruption against criminality, against drug abuse and trafficking, against the degradation of the environment.

Dito natin kailangan ang diwa ng EDSA - ang ating pagkakaisa, at pagtutulungan. At ako'y handang mamuno sa labang ito. Ang tanging hangad ko ngayon ay maalaala bilang Pangulong naging kampeon ng mahihirap, at sisiguraduhin kong mangyari ito sa natitira pang 1,955 araw ng aking panunungkulan.

The need for unity and solidarity today

Mas malaki, mas malawak at mas malalim ang hamon na naghinintay sa mga Pilipino ngayon hindi pa tapos ang pakikibaka natin laban sa mga kaaway ng tunay na kalayaan - ang kalayaang mamuhay ng marangal at sapat sa mga pangunahing pangangailangan.

Kung tayong lahat aymagtutulungan tulad nang ginawa natin noon sa EDSA, kaya nating labanan ang hamon na 'yan at mas malayo pa ang ating mararating kung ang mga taga-Maynila, Baguio, Cebu, Davao, Cotabato at iba pang sulok ng Pilipinas ay nagkaisa noong 1986, bakit hindi tayo pwedeng magkaisa ngayon? Kung nagsama-sama tayo noon - bata man o matanda, may-kaya o wala, kristiyano at Muslim, bakit hindi tayo magsama-samang muli?

Sa halip na tayo ay maghatakan pababa, tayo ay magkapit-bisig, imbes na mag-iringan, tayo ay mag-usap ng mahinahon. Imbes na pintasan ang iba, tayo ay kumilos na lamang at gumawa ng aksiyon.

Tanging ang ating pagkakaisa ang makasasagip sa ating kalagayan ngayon. Ito rin ang dahilan kung bakit, isang daang taon mula nang makamit natin ang kalayaan at labing-tatlong taon matapos mabalik ang ating demokrasya, tayo ay hindi umunlad ng husto at napag-iwanan ng ating mga karatig-bansa.

Si Pangulong Aguinaldo, sa pagbubukas ng Kongreso sa Barasoain na siyang nagtatag sa ating Republika ay nagbigay ng ganitong payo sa ating mga kababayan: "Mag-isang loob tayo, sa pagka't walang ibang magkakapatid kundi tayo-tayo rin" bilang Pangulo sa simula ng pangalawang Daang taon ng ating pagka-bansa ito pa rin ang aking hinihiling nang sabihin kong "Walang tutulong sa Pilipino kundi kapwa Pilipino."

Closing

Let us achieve reconcilation based on justice. Let us attain unity and solidarity so we can move our country forward faster. Isantabi natin ang mga personal na interes at pamumulitika para sa kapakanan ng nakrarami. This should be the way of freedom and democracy, this is the only way to go for Filipinos.

Magiging makabuluhan lamang ang ating pagdiriwang na ito kung ang pagkakaisang pinanindigan ng mga Pilipino sa EDSA noong 1986 ay muli nating bubuhayin sa kasalukuyang panahon.

To ensure that the legacy of EDSA lives on, I here today issuing an executive order creating an EDSA People Power Commission to perpetuate and propagate the spirit of EDSA. Among its functions will be to initiate activities that will expand awareness of the principles and values that the EDSA people revolution stands for and plan, organize and implement the yearly commemoration of the February 22-25, 1986 EDSA revolution.

The commission shall have 25 members, to be chaired by a cabinet member and cochaired by a private sector, representative. Lifetime honorary membership to the commission shall be given to former President Corazon C. Aquino, former President Fidel V. Ramos, and Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Tulad nga po ng aking sinabi sa "Ulat sa Bayan" sa simula ng atong ito: Sa ating pagkakaisa at pagtutulungan tayo ay sabaysabay na babangon bilang isang bansa, bilang isang lipunan, bilang isang lahi.

Maraming salamat at mabuhay ang sambayanang Pilipino!



PAGKAKAISA : Ang Tunay na Diwa ng EDSA 
(Talumpati ni Joseph Estrada)




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento