Talambuhay ni Lapu-Lapu

Ang mga magulang ni Lapu Lapu ayon sa kwento ay sinasabing sina Kusgano at Inday Puti. Siya ay may nakatatandang kapatid, si Mingming. Ang pangalang Mactan ay sinasabing nagmula sa kanyang lola, si Matang Mantaunas, na sinasabing isang makapangyarihang reyna sa kanyang kapanahunan. Si Lapu Lapu ay isang pinaka-iginagalang na Bagani, isang matandang salita para sa mandirigma, kilala dahil sa kanyang katapangan at kakayahan ng pakikidigma. Sinasabi rin na si Lapu Lapu ay ikinasal sa isang magandang Prinsesa, si Bulakna, na anak ni Datu Sabtano, at nagsilang kay Sawili na lumaking isang matapang na mandirigma gaya ng kanyang ama.

Talambuhay ng mga Bayani Talambuhay ni Lapu-Lapu Bayani ng Pilipinas Balagtasan Tula Alamat Pabula Maikling Kwento Katutubong AwitSi Lapu-Lapu ay sinasabing isang di-pangkaraniwang tao na iginagalang na pinuno. Sa panahon ng tanyag na Labanan sa Mactan na nagpakilala kay Lapu-Lapu bilang unang matagumpay na tagapagtanggol ng kalayaan ng ating bayan, sinasabing siya ay nasa kasukdulan ng kanyang pisikal na lakas sa pagiging isang lalaki. Maging ang mananalaysay na Portuges na si Gaspar Correa na kumausap sa nakaligtas na tauhan ni Magellan sa India ay humanga sa pamamagitan ng nabuhay na saksi na nagsabing si Lapu-Lapu ay isang hari na nakitungo ng maayos at "nagpapalakas ng loob sa kanyang mga tauhan at nakidigma sa mga mas makapangyarihang mga tribo." (Lendas de India por Gaspar Correa, v.2, p. 630).


Gayunman, si Lapu-Lapu ay isa nang makapangyarihang pinuno ng isang alyansa o kompederasyon ng pitong tribo sa isla ng Mactan nang dumating si Magellan para sakupin ang isla para sa korona ng Espanya. Ang katanyagan ni Lapu-Lapu bilang mandirigma ay kilala na kung kaya't si Sebastian de Elcano, ang humalili kay Magellan nang ito'y mapatay, ay inilarawan si Lapu-Lapu sa mga salitang ito:

"Mayroong islang malapit na tinatawag na Manthan (i.e. Mactan), ang hari nito ay higit na iginagalang bilang isang mahusay na lalaki sa sining ng pakikidigma at itinuturing na mas makapangyarihan sa lahat ng kanyang kapitnayon..." (sinipi sa Gonzalo de Oviedo y Valdez, Segunda Parte de la Natural y General Historia de las Indias Yslas y Tierra Firme de Mar Oceano, Villadolid, 1552 fol. Viii, verso).


Ang mga kastilang manunulat, bagaman may kinikilingan, ay nagtala at naglarawan ng makasaysayang kultura bago dumating ang mga mananakop at sibilisasyon na kanilang napagmasdan sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa mga naninirahan sa ating mga isla. Si Francisco Alcina, sa kanyang Historia de las Islas y Indios de Bisaya (MS 1668), ay naglarawan na kahit na ang pag-inom ng alak sa komunidad nina Lapu-Lapu ay isang seryosong gawain. " Sa pagdating ng mga bagay, maging pampulitikong proyekto, utos mula sa hari o sa kanyang mga opisyales, o kahit anong trabaho at kanilang tinatalakay ang pinakamabuti, pinakamabilis at pinaka madaling paraan upang maihatid ito, at kung sila'y nagkikita ng malungkot at walang kaunting alak upang bigyang buhay ang kanilang interes, sila'y nag-uusap muna nang mahinahon. Subalit, matapos ang inuman, sila na nagmungkahi ay gagawin ito ng may kahusayan at ang mga tumugon ng may malayang pagpapasiya, lahat ng nagpasya na may pagkakapantay-pantay."


Talambuhay ni Lapu-Lapu


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento