Roberto L. del Rosario isang sikat na Pinoy Imbentor ng Sing Along System na nakilala bilang Minus-One na kabilang sa Karaoke. Pinaglaban ni Roberto sa Kongreso ng Pilipinas ang panukala para sa insentibong mg imbensyon ng mga Pilipino na ngayon ay naging batas RA 7459 0 Inventors and Invention Incentives Act noong Abril 28, 1992. Siya ay napili bilang miyembro ng Executive Board ng International Federation of Inventors Accociation (IFIA).
Si Roberto del Rosario ay ginawaran ng World Intellectual Property Organization (WIPO) Gintong Medalya sa kanyang mga natatanging imbensyon noong 1985.
Naimbento niya ang Sing Along System na binubuo ng isang mikropono at amplifier noong 1974 at ito ay sumikat sa pangalang Minus One sa Pilipinas. Sikat ang Pinoy na si Roberto del Rosario dahil sa kanyang natatanging imbensyon na hangang ngayon ay patuloy na ginagamit.
Mga Imbensyon ni Roberto L. del Rosario
♦ Piano Tuner’s Guide
♦ Piano Keyboard Stressing Device
♦ Copper Wire String Winding Machine
♦ One-Man Band (OMB)
♦ Voice Color Tapes
♦ Sing-Along System (SAS)
♦ Method of Determining a Singer’s Voice Range
ROBERTO L. DEL ROSARIO
Pinoy Imbentor
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento