Mga Tanong na Walang Kasagutan

Sa mga bagay-bagay sa ating paligid, umusad ang buhay ng tao. Ngayon ay nasa ika-20 siglo na tayo at umuunlad kasabay ng panahon.
Pinoy Jokes, Katatawanan, Katanungan, Alamat, Pabula, Epiko, Pinoy Imbentor

Gayon pa man, may mga katanungan pa ring noon pa man at hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot. At kung sakaling masagot mo man, mahihirapan ka pa ring ipaliwanag ang iyong mga kasagutan. Ito ay mga inosenteng tanong na may katuturan at katatawanan.

Sige nga... Subukan ninyong sagutin at ipaliwanag ang inyong mga kasagutan sa mga sumusunod na katangunan!



♦  Ang baby oil ba ay gawa mula sa mga bata?

♦  Ang bulok inuuod; ang uod kaya pag nabulok inuuod din?

♦  Ang fire exit ba ay labasan ng apoy?

♦  Nilalamok din kaya ang lamok?

♦  Ang liquid paper ba ay gawa sa tunaw na papel?

♦  Ang official na sasakyan ba ni Erap ay Mitsubishi Strada?

♦  Humihilik kaya ang isang pipi?

♦  Ano ang tagalog ng high tide at low tide?

♦  Ano ba talaga ang nauna manok o itlog?

♦  Bakit ang daming nagpapakasal tuwing June?

♦  Bakit ang egg yolk tinawag na pula ng itlog gayong dilaw naman ito?

♦  Bakit ang elepante kapag namatay nilalanggam, e ung Langgam pag namatay eelepantehin din?

♦  Bakit ba blackboard ang tawag sa blackboard gayong green naman talaga ang kulay nito?

♦  Bakit walang lumilipad na sasakyan sa fly-over?

♦  Kapag ang ipis nahulog sa sabon na may tubig… dudumi ba ang tubig o lilinis ang ipis?

♦  Kapag ang sabon nadumihan… kailangan pa bang sabunin para luminis?

♦  Kung ang 7eleven ay bukas ng 24/7,para san pa ang lock nila?

♦  Mangga sa manggahan.... santol sa santolan... bakla sa Baclaran... pandak sa Pandacan???

♦  Mayroon bang kahit isang langgam na mahilig sa maalat?

♦  Nagkakaroon din ba ng diabetes ang mga langgam?

♦  Pag ang lason naexpired, nakakalason p rin???

♦  Pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na?

♦  Pwede bang mag-coke sa coffee break?

♦  Pwede bang maglagay ng dinner o breakfast sa lunchbox?

♦  Pwede bang sabawan ang tuyo?

♦  Pwede bang tawaging Italiano ang anak ng ita at ilocano?

♦  Sa eroplano, pwede bang sumakay sa Business class ang isang pasahero kung wala naman syang negosyo?

♦  Sino ba talaga ang pumatay kay Lapu-lapu?

♦  Totoo bang ang manok na kinatay sa jollibee ay masaya kaya sila tinawag na chicken joy?

♦  Umaatras ba ang Isuzu Forward?



Mga Tanong na Walang Kasagutan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento