Inimbento ni Fe del Mundo ang Incubator. Ang mga sanggol na ipinangak ng premature ay inilalagay sa incubator. Siya ay ang unang asyano na nakapasok sa Harvard University's School of Medicine. Noong 1980, siya ang unang Filipina National Scientist. Isa rin siyang pediatrician – isang doctor na gumagamot ng mga bata.
Noong istudyante siya sa Unibersidad ng Pilipinas, nagpunta siya sa Marinduque para magresearch para sa kanyang term paper. Noong nandoon siya, napansin niya na maraming mga bata ang namamatay dahil sa iba't-ibang sakit. Dahil doon, nagging interesado siya sa pagaaral ng mga sakit ng mga bata.
Nang makatapos siya ng medisina sa UP, nagaral siya sa Harvard University sa Amerika. Naging student-doctor siya sa Mt. Sinai Hospital sa Chicago.
Pagkatapos ng ilang taon na pamamalagi sa Amerika, naramdaman niya na kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas. Nang bumalik siya sa Pilipinas, madami siyang ginawang mga trabaho para mapabuti ang kalusigan ng mga mamamayan sa Pilipinas. Nagtayo siya ng isang ospital na pang-bata, na tinawag na North General Hospital. Tinatawag na ito ngayon na Jose Reyes Memorial Hospital.
Nagsimula rin siya ng isang immunization program para sa mga bata. Ang mga sakit tulad ng polio, measles, at tuberculosis ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng immunization.
Inimbento niya ang incubator na gawa sa mga matiryales na mahahanap sa Pilipinas. Nilalagay ang mga premature na mga sanggol sa incubator para mas maobserbahan at maalagaan ng mga doctor ang mga premature na mga sanggol.
Nagsulat siya ng mga libro tungkol sa pag-gamot ng mga sakit ng mga bata. Tinutulungan ng mga librong ito ang mga mag-aaral na gustong maging pediatricians.
Simula palang nung estudyante siya, gusto ni Dr. del Mundo na makatulong sa kapwa, lalo na ang mga mahihirap na mga bata. Naniniwala siya na dapat magkaron ng tsansa ang bawat bata na matupad ang panggako na maging pag-asa ng bayan.
Noong 1966, nakauha niya ang Elizabeth Blackwell Award dahil sa kanyang “Outstanding Service to Mankind" Noong 1977 nakuha niya ang Ramon Magsaysay Award dahil sa “Outstanding Public Service.”
Noong 1980 ay iprinoklama siyang “National Scientist” ng National Science and Technology Authority dahil sa mga nagawa niya sa larangan ng medisina. Nakakuha rin siya ng humigit-kumulang na 80 na mga parangal galing sa iba’t-ibang mga institusyon at ahensya.
FE DEL MUNDO
Imbentor na Pilipino
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento