Isda sa Gata na May Sarsa

Sangkap
1 tasang hinimay na isda
2 tasang gata ng niyog
4 na kutsarang ginadgad na keso
1 kurot na paminta
1 tasang kanin
3 itlog
1 kutsarang asin
2 kutsaritang mantikilya



Paraan ng Pagluto
Ilaga sa isang tasang gata ng niyog ang isda. Himayin ang isda saka alisin ang mga tinik. Ihalo ang mantikilya. Sa mga pula ng itlog na binating mabuti, ihalo ang isang tasang gata ng niyog, kanin, hinimay na isdang may keso, asin at paminta. Ihalo ng pabalot ang puti ng itlog na binating mabuti. Isalin sa hulmahang pinahiran ng mantikilya ipatong ito sa kawaling may mainit na tubig. Ipasok sa pugong may katamtamang init. Hanguin. Pagkaraan ng mga 30 minuto.


Sarsang Sibuyas
2 kutsarang asukal
1 kutsarang mantikilya
2 sibuyas, hiwain
2 kutsarang arina
1 tasang sabaw ng nilaga
1 kutsaritang asin
½ kutsaritang paminta
1 kutsarang suka

Papulahin ang asukal sa mantikilya. Ihalo ang hiniwang sibuyas. Lutuin at kung luto na ang sibuyas, isama ang arina at papulahin din. Isalin ang sabaw. Timplahan ng asin, paminta at suka. Lutuin hanggang lumapot.




Isda sa Gata na May Sarsa
Lutuing Pinoy


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento