Matalino ang Matsing

Siya ay malayang nagpapalipat-lipat sa mga punong naroroon. Malaya siyang nakamimitas ng mga prutas na naroon. At ang pinakapaborito niya sa lahat ay saging.

Sa pusod ng ilog ay may kaharian. Doon naninirahan ang lahat ng mga nilalang sa tubig. Mayroon silang hari at ito`y mahal na mahal nila. Ang paggalang nila ay nakikita sa mabilis na pagsunod sa kanyang utos.

Isang araw ay nagkasakit ang hari. Ang tanging gamot ay atay ng matsing. Isang matapang na Pagong ang nakaisip ng paraan. ”May matsing na naktira sa tabi ng ilog” ang wika niya.”Sa palagay ko ay madaling lokohin iyon. Matakaw siya ng saging. Aalukin ko siya ng maraming saging at palagay ko ay maisasama ko siya sa ating kaharian”


”Sige, umahon ka kaagad.Uisip kan g mabuting paraan para maisama mo siya,” sabi ng pinunong Pagong.

Mabilis na sumunod ang matapang na Pagong. Maaga siyang nakarating sa pampang sa tapat ng punong tinitirhan ng Matsing.

”Kaibigang Matsing,” tawag niya. ”Umani kami ng maraming saging sa aming kaharian. Ibig sana kitang bigyan pero hindi ko naman madala-dala.”

”Masarap ba ang saging sa inyong kaharian?” ang tanogn ng Matsing.

”Aba, oo. Masarap at matamis ang saging namin.Dapat talagang matikman mo” sagot ni Pagong

”Ilan ang ibibigay mo sa akin?” tanong uli ni Matsing.

”Kahit ilan ang ibig mo. Gusto ko lang na makita mo muna. Pagkatapos ay tutulungan ka namin ng aking mga kasamang hayop sa pagbubuhat patungo dito sa tirahan mo,” pagsisinungaling ng Pagong.

Naniwala ang Matsing na matakaw sa saging. Umangkas siya sa malapad na likod ng Pagong. Nang nasa gitna sila ng ilog ay kinabahan ang Matsing. Bakit kaya kailangan isama pa siya ng Pagong? Baka may masamang balak ito sa kanya?

”Teka, Pagong,”wika niya. ”Bakit mo ako isinama,” sabi niya. ”Baka may kailangan ka sa akin na dapat kong ihanda o dalhin bago tayo pumunta sa inyong kaharian.”

Natigilan ang Pagong. ”Bakit, hindi mo ba dala ang atay mo?” tanong niya na hindi na iniisip ang sinasabi.

Kinabahan ang Matsing ngunit hindi nagpahalata.”Bakit kailang mo ba ang atay ko?”, tanong niya.

”Hindi ako.Ang hari namin! May sakit siya at iyon lamang ang makapagpapagaling sa kanya”, pag-aamin ni Pagong.

Mabilis na nakapag-isip ang Matsing. ”Bakit di mo sinabi agad?”sabi niya sa Pagong. ”Isinabit ko sa sanga ng puno kanina ang aking atay. Ginagamit ko lamang iyon kapag bagong kain ako. Ngayon ay pinagpapahinga ko naman iyon. Halika`t balikan natin,”

Mabilis na bumalik ang Pagong sa pampang. Kailangang balikan nila ang atay dahil mahalaga iyon.

Nang dumating sila sa tabi ng ilog, mabilis na lumundag ang Matsing sa sanga ng puno.

”Diyan ka na! At magbalik kang mag-isa,” sigaw niya sa Pagong. ”Muntik mo na akong maloko.”

Naiwan ang nanghihinayang na Pagong.


Matalino ang Matsing





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento