Nasaan ang buto ng mga prutas? Nasa loob di ba? Ngunit ang kasoy ay kakaiba. Ang buto ay nasa labas. Alam ba ninyo kung bakit? Alamin natin sa sumusunod na kuwento.
Noong unang panahon sa loob ng kagubatan ay may kasayahang nagaganap. Lahat ng uri ng mga hayop ay naroroon. Sila`y masayang nagkakantahanan at nagsasayawan. Sa di naman kalayuan ay may isang bagay na nakikinig at inggit na inggit sa kasayahang naririnig. Ito`y walang iba kungdi si Kasoy.
"Sana`y makalabas ako sa aking kinalalagyan" ang pahimutok niyang nasambit. Patuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang pagbabasakaling sana`y may makarinig sa hinaing ni Kasoy. Sa oras din yaon ay may isang engkantadang naakit sa kaingayan. Sumali siya sa kasayahan ng mga hayop at sa di kalayuan ay narunig niya ang paghingi ng tulong ng Kasoy. "Sino kaya iyon?", ang tanong ng engkantada. Narinig ng kasoy ang tinig ng engkantada. "Para na ninyong awa mahal na engkantada, " pakiusap ng kasoy. "Gusto ko pong lumabas". Naawa ang engkantada at sa isang kumpas, lumabas ang buto ng kasoy.
Tuwang-tuwa ang kasoy sa kanyang nakita sa kapaligiran. "Ayaw ko ng bumalik sa aking pinanggalingan," pakiusap niya sa engkantada Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng kasoy at kasoy naman ay tuwang-tuwa.
Natapos ang kasayahan at ang mga hayop ay nagsi-uwian na. Ang kapaligiran ay naging tahimik. Pagkaraan ang langit ay nagdilim, humihip ng malakas ang hangin, kumidlat at kumulog. Pagkatapos ay bumuhos ang malakas na ulan. Ang buto ng kasoy ay takot na takot at basang-basa. Tinawag niya ang engkantada at humihingi ng tulong na ibalik siyang muli sa loob. Ngunit hindi siya narinig ng engkantada.
Tumigil ang ulan at ang engkantada ay muling nagpakita. Nakita niya ang buto na nakabaluktot at halos di na makapagsalita. "Ito`y isang aral sa iyo," ang sabi ng engkantada. "Ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang lugar, dapat nating tanggapin dahil ito`y kaloob ng Diyos sa atin." Pagkawika nito`y naglaho ang engkantada.
Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas ng prutas.

Alamat ng Kasoy
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento