Bakit Nakabitin ang Upo

Sa bakuran ni tandang Karyo ay may isang halamang tumubo. Ito ay ang upo. Gumagapang ito sa lupa kung kaya’t maingat na itinali ito ni Tandang Karyo sa isang kawayan. Ayaw ng halaman ang ganito. Ang nais niya ay maging Malaya tulad ng ibang halaman. Kinausap niya ang kanyang kaibigang hangin.

“Kaibigan, tulungan mo ako. Mistulang alipin ako ni Mang Karyo. Kailangan ko ang tulong. Nais kng maging malaya tulad ng mga damo, mga bulaklak. Tingnan mo sila, malalaya sila. Para mo nang awa umihip ka nang malakas upang makailag ang mga tali sa katawang ko,” pagmamakaawa ng upo.

Ang iyong katwiran y hindi matuwid, pero kung iyang ang iyong nais ay pagbibigyan kita, sagot ng hangin.

Ibinuhos ng hangin ang kaniyang lakas hanggang sa makalas ang mga tali sa katawan ng halamang upo. Laking pasasalamat ng upo. Malaya na siyang nakakagapang sa lupa tulad ng ibang halaman.

Isang aso ang napadpad sa bakuran ni Mang Karyo. Naghahanap ito ng butong makakain. Kahig ito nang kahig sa mga halaman. Hindi makaiwas ang upo sa matatalim na kuko ng aso. Kaawa-awa ang anyo ng upo nang makita ito ni Mang Karyo. Inayos uli ni Mang Karyo ang halaman at muli ito ay itinali niya sa puno ng kawayan upang hindi malaglag sa lupa. Lumakas at gumandang muli ang halamang upo at laking pasasalamat niya ky Mang Karyo.

Minsan, umihip nang malakas ng hangin at nakipaglaro sa mga dahon ng upo. Nakiusap ang upo na huwag lakasan ng hangin ang kaniyang pag-ihip at baka ang kaniyang tali at muli ay malaglag siya sa lupa.

Patawang sumagot ang hangin at sinabing “Noong maliit ka pa lamang ay nakiusap ka sa akin na tulungan kitang makababa sa lupa. Nagtataka ako ngayon kung bakit ayaw mo nang bumaba sa lupa at maging malaya?”

Patawarin mo na ako. Mayroon akong malungkot na karanasan na siyang nagturo sa akin na lahat ng bagay dito sa mundo ay may kani-kaniyang dapat na kalalagyan. Sana’y maunawaan m ako?” paliwanag ng upo.


Bakit Nakabitin Ang Upo
Alamat


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento