"Regalo sa Araw ng Pasko"
Maikling Kwento
JonDmur
Makulay ang buong paligid; ang mga parol ay tila naging reyna sa taglay nitong kinang, ang mga puno ay kinabitan ng mga ilaw na siyang nagbigay liwanag sa mga pamilyang dadalo sa unang araw ng Misa De Gallo, at ang mga bulaklak na nakatanim sa paligid ng simbahan ay tila sabay sabay na namumukadkad. Pasko na sa nga bayan ng San Nicolas.
“Ang ganda!” Makikita sa kanyang mukha ang labis na kaligayahan habang pinagmamasdan ang mga lobong bumihag ng kanyang atensyon. At lalo siyang natuwa nang makakita ng lobong kulay pula. Hawak ito ng isang batang babae na tila humihiling ng isang panalangin bago pinakawalan sa ere. “Yippeyyyy!” Napatalon siya sa sobrang tuwa nang makita ang paglipad ng lobo. Ang kanyang mga mata ay tila kumikinang. “Pwede mo ba akong ibili ng lobo?”
“Mamaya na ‘pag natapos na ang misa,” kaswal na tugon ng lalaking kasama niya.
“Bili mo na ako,” tugon niya na tila nakiki-usap na. “Bili mo na ako ng lobo.”
“Ang kulit mo naman.”
Lumungkot ang kanyang mukha. “Bili mo na ako. Ibibigay ko kay Jojo.”
“Lo, ilang beses ko ng sinabi na Jons na itawag n’yo sa akin. Hindi ba kayo nahihiya? Ang tanda n’yo na mahilig pa rin kayo sa lobong lumilipad.”
“Jojo, ang lobo lumilipad. Kaya kailangang ingatan para huwag makawala.” Isang ngiti ang kanyang ipinukol sa binata.
“Lo, pwede ba tumahimik na kayo? Malapit na tayo sa simbahan.” Hinawakan niya sa kanang kamay ang lalaki dahilan para huminto ito sa paglalakad.
“Jojo, bakit nga ba nakakalipad ang lobo?” Napapitlag siya nang bigla siyang tinabig nito. Hinawakan siya sa magkabilang balikat saka tinitigan na tila nakagawa siya ng isang malaking kasalanan.
“H-hindi ba kayo nahihiya? Pinagtitinginan na kayo ng mga tao dahil para kayong bata kung umasta.” Itinulak siya nito na siyang nagpabagsak sa mahina niyang katawan. Gusto niyang tumayo subalit tila napako na ang kanyang balakang sa matigas na aspalto.
“Huwag mong bibitiwan ang lobo baka lumipad siya. Jojo, ang lobo ingatan mo baka pumutok.” Tumulo ang kanyang mga luha. At kasabay ng kanyang paghikbi ang unti-unting pagtangis ng kalangitan na tila nakikiramay sa kanyang pighati.
Malamig ang simoy ng hangin
Kay saya ng bawa't damdamin
Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog ng langit
Humarap siya sa salamin saka masusing pinagmasdan ang sarili. Inayos niya ang pagkakagusot ng kanyang polo shirt saka muling tinitigan ang sarili. Sa salamin, nakita niya ang maamo niyang mukha na tila isang anghel na nahulog sa langit.
“Jojo, maawa ka sa lobo baka pumutok.” Muli na naman niyang narinig ang boses ng matanda – ang kanyang Lolo Jose. Ang matandang nagpalaki sa kanya mula nang mamatay ang kanyang mga magulang.
Sisigawan pa sana niya ang matanda subalit mabilis itong nawala sa kanyang paningin, at ilang saglit pa naabutan niya ito sa balkonahe na tila inaabangan ang kanyang pag-alis.
“Jojo, pasalubong ko ha. Isang lobong kulay pula.” Kumurba ng ngiti ang labing tila natutuyo na. Kumaway pa ito sa kanya na tila kinakasabikan ang kanyang pagbabalik.
Halos maghabulan ang kanyang mga paa sa paglalakad nang makasalubong niya ang isang magandang dalaga – si Ela. Napahinto siya. Ginantihan niya ng isang simpleng ngiti na siya namang ikinatuwa ng dalaga.
“Aalis ka? Paano si Lolo Jose? Sinong mag_” Tumalikod siya nang tumunog ang cellphone niya. “May lakad ka pala. A-ako na lang ang magbabatay kay lolo.” Natuwa siya sa kanyang narinig. Kung tutuusin mas madalas pa nitong nakakasama ang matanda kaysa sa kanya.
Muli niyang inihakbang ang kanyang mga paa upang tumungo sa plaza, naghihintay na ang isang babaeng mapapabilang sa kanyang mga koleksyon – para sa kanya ang mga babae ay tila isang laruang matapos pagsawaan ay itatapon na lamang. Siya si Jons, isang binatang may angking kagwapuhan, matangkad, maputi at banatero na siya namang kinahuhumalingan ng mga dalaga sa kanilang bayan.
Bigla siyang natigilan nang makakita nang mga lobong inilalako ng isang lalaki. Dumaan ito sa kanyang harapan saka dumeretso sa isang batang lalaki na tila natutuwa sa mga lobong inilalako nito. Lihim siyang napangiti. At muli niyang naalala ang mga panahong pinapasalubungan siya ng lobo ng kanyang ama.
“Tatay, bakit po lumilipad ang lobo?”
“Jojo, dahan dahan lang sa paghawak baka pumutok ang lobo.”
“Pero bakit po ba lumilipad?” Biglang pumutok ang lobo sa higpit nang pagkakayakap niya. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa matuklasang niyang umiiyak na siya sa kandungan ng kanyang ama.
“Tahan na ang baby! Bibili na lang uli si tatay ha.”
Natauhan siya nang may humawak sa kanyang kanang balikat. “O, bakit mo pinagmamasdan ang lobo ng bata? Gusto mo bili tayo?” wika sa kanya ng babae. Tumutol siya sa winika nito sa halip hinila niya ito patungo sa isang silid na nababalutan ng hiwaga – ang pugad ng mga ebang mababa ang lipad.
“Lilipad siya subalit babalik din siya sa lupa o di kaya kusa na siyang sasabog sa ere.” Napangiti si Ela sa itinuran ni Lolo Jose. Lumapit siya sa matanda saka hinalikan ang kulubot nitong mukha. Napamahal na siya rito kaya naman sa tuwing aalis ang apo nito ay siya na mismo ang nag-aalaga sa matanda nang walang hinihinging kapalit.
“Ang hilig n’yo po sa lobo.” Kinuha niya ang isang lobong wala ng buhay. Hinipan niya ito upang muling magkabuhay subalit nabigo siya. – hindi sapat ang hangin niya.
“Huwag mawalan ng pag-asa. Malay mo mahalin ka rin niya.” Halos mamula ang kanyang mukha. Gusto niyang tumakbo upang ikubli ang hiya subalit hindi na siya natinag sa kanyang kinauupuan. “Natutuwa ako at mahigpit ang pagkakahawak mo sa tali ng lobo. Sana huwag mo nang pakawalan ang apo ko.”
“L-lolo naman! Naku, magkaibigan lang kami ni Jojo.”
“Ineng, sino nga ba si Jojo?” Natawa siya sa tanong ng matanda. Niyakap niya ito nang mahigpit. “Bili mo ko ng lobo ha,” dugtong nito na may bakas ng paglalambing.
Bumukas ang pinto saka iniluwa nito ang lalaking lihim na iniibig. Nakagat niya ang kanyang mga labi nang matuklasang naka-inom ang binata. Nilapitan ito ng matanda na tila nasasabik na makita ang kanyang apo subalit hindi ito pinansin ng binata.
“O, nandito ka pala?” kaswal na tugon nito sa kanya.
“Uuwi na ako. Kumain na si Lolo, kung nagugutom ka may natira pang ulam. Magsaing ka na lang.” Tumaas ang kilay niya. gusto niyang sampalin ito subalit hindi niya magawa. Tatalikod na sana siya upang magpaalam na sa matanda nang bigla siyang napapitlag – nakita niya kung paano tabigin ng binata ang matandang tila humihingi ng pasalubong.
“Ang lobo ko, baka pumutok. ‘wag mong hahawakan,” maiyak iyak na wika ng matanda.
“Ano ba? Sabi ko walang lobooo.” Malakas na sigaw nito sa matanda na siyang nagpatahimik sa huli. Binalot ng awa ang puso niya. Nilapitan niya ang matanda saka niyakap ito.
“Tama na! Jo, maawa ka kay Lolo Jose. Kung alam mo lang kung gaano siya katagal naghintay sa’yo. Matanda na siya. Unawain mo na lang siya.”
Natigilan ang binata. Ilang saglit pa, kinuha nito ang isang lobong nakatali sa bintana saka akma itong papuputukin sa harapan ng matanda.
“H-huwag! Maawa ka. Baka pumutok.” Nasaklot niya ang kanyang bibig nang makitang halos lumuhod na ang matanda sa harapan ng apo. Takot na takot na tila nanganganib ang buhay ng isang lobong laruan. Napayakap ito sa mga hita ng binata. “Jojo, ‘w-wag maawa ka sa lobo.”
Napaluha siya sa kanyang nasaksihan. Ang maamong mukha ng binata ay tila nabahiran ng pagkapoot. Bakit nga ba nagkaganyan si Jojo?”
Binalot ng konsensya ang puso ni Jons. Kinumutan niya ang kanyang Lolo Jose na ngayon ay tila isang anghel na natutulog. Hindi natitinag sa kinahihigaan nitong matigas na papag. Napaupo siya sa kama nito saka pinagmasdan ang lobong nakatali sa kama na tila humahalik na sa sahig – wala na itong lakas upang lumipad.
Katulad ng babaeng tila nauubusan ng lakas habang nagmamakaawa sa kanya. Matapos mapaglaruan ay tila lobong nauubusan ng hangin na kanyang iniwanan. Ang totoo, nakipag-kalas siya upang maghanap ng panibagong eba na kanyang paglalaruan – isang gawaing matagal na niyang ginagawa.
Akma na siyang tatayo upang tumungo sa sariling silid nang gumalaw ang matanda. Kanina pa pala nakamulat ang mga mata nito na tila sinasalamin ang nilalaman ng kanyang isipan.
“Kawawa naman ang lobo pinaputok mo.” Bigla itong napabangon subalit agad na napabalik ng higa. At halos manikip ang kanyang dibdib nang matuklasang dumumi sa higaan ang kanyang lolo. Bigla siyang napatayo saka hinila ang matanda patayo sa higaan.
“Ano ba kayo? Para naman wala kayong pinagkatandaan.”
“Jo, ‘wag na gagalit ‘di na ako uulit. Patawarin mo na ako ha,” wika nito na tila maiiyak na. Akma niya itong itutulak sa ginawa nitong pagyakap sa kanya nang makarinig siya ng mga yabag mula sa labas ng kanilang bahay.
Binuksan niya ang bintana saka tumambad sa kanya ang grupo ng mga kabataan; ang mga kamay ay may hawak na ibat-ibang instrumento, gula-gulanit ang mga kasuotan subalit mababakas ang sigla sa mga mata nito, at mayamaya ay isang awitin ang bumasag sa katahimikan ng paligid.
Himig ng Pasko'y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lugod sa kasayahan
Mula nang mamatay ang kanyang mga magulang ay hindi na niya naranasan ang magkaroon ng isang masayang pamilya. At sa sulok ng kanyang isipan ay naroroon ang mga alaalang nagkukubli; ang pamamasyal nila sa parke habang binibilhan siya ng lobong kulay pula, ang pagkain ng mga masasarap na pagkain, at ang pagsimba sa araw ng pasko.
Subalit, lahat ay tila nabura nang mamatay ang kanyang mga magulang – isang trahedyang gahibla lang ang pagitan ng buhay at kamatayan.
Ilang taon na rin ang nakakaraan nang iwanan siya nang babaeng pakakasalan niya, subalit nang mabatid nito ang kalagayan ng matanda ay nakipagkalas ito sa kanya. Nababalot ng poot ang puso niya – si Lolo Jose ang dahilan ng kanyang kabiguan.
Sumusuko na siya.
Paano nga ba siya makakabuo ng sariling pamilya kung may responsibilidad siyang ginagampanan?
Buo na ang kanyang pasya – ihahatid na niya ang kanyang Lolo Jose sa tunay nitong tahanan. Isang lugar kung saan makakasama nito ang iba pang matatanda na wala ng pamilyang mauuwian. At ito ang San Nicolas Home for the Aged.
Halos madurog ang puso ni Ela sa narinig. Hindi siya makapaniwala na magagawa ni Jons na talikuran ang responsibilidad sa sarili nitong lolo. Niyakap niya ang matanda habang pinagmamasdan ang binata.
“Huwag! Jo, gumising ka! Hindi tama ang gagawin mo. Mahal na mahal ka ni Lolo Jose,” wika niya sa binatang tila bingi na sa kanyang mga paliwanag.
“Gagawin ko ang gusto ko. Pabigat lang sa akin ang matandang ‘yan. Kung alam mo lang kung gaano kabaho ang dumi niya, kung gaano siya kalikot na parang isang bata. Kung alam mo lang lahat lahat.”
“Jo, matanda na ang lolo mo. Bakit ba nagagalit ka sa kanya? Bakit ba hindi mo iparamdam sa kanya na mahal mo siya.”
Huminga nang malalim ang binata. Lalo itong lumapit sa kanya hanggang gahibla na lang ang pagitan nila. “Huwag kang umasta na akala mo kaibigan kita.”
Nakagat niya ang kanyang mga labi. “Siguro nga tanga ako dahil pinipilit ko ang sarili ko na maging bahagi ng buhay mo. Pero, gusto ko lang sabihin sa iyo na kung hindi kaibigan ang tingin mo sa akin…. Kaibigan ako ni Lolo Jose, at mahal ko siya.” Tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha. “Jo, ako na lang…. ako na lang ang mag-aalaga sa kanya. Ako na lang ang magmamahal sa kanya.”
“H-huwag mong pakawalan ang lobo. Maawa ka,” ani ng matanda hanggang mapaluhod ito sa harapan ng apo. “Jojo, bibili pa tayo ng lobo. Promise, ‘yung kulay pula.”
“Umalis ka na,” simpleng wika nito sa matanda. Subalit, hindi natinag ang matanda hanggang sa sigawan na ito ng lalaki. Agad siyang lumapit sa matanda upang alalayan ito. “Ikaw ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko. Ikaw ang sumira ng buhay ko, sana mamatay ka na,” dugtong nito.
“Tama na! Jo, maawa ka sa matanda. Wala siyang ginagawang masama!” Niyakap niya si Lolo Jose na tila natatakot na sa lakas ng boses ng binata.
“Ikaw ang dahilan kung bakit ako iniwan ng babaeng mahal ko,” wika nito sa matanda.
“Walang kasalanan si Lolo Jose, kung mahal ka niya tanggap niya ang lahat ng sa’yo.” Tumalikod ang binata saka pumasok sa silid nito. Naiwan siyang kayakap ang matandang tila natatakot sa mga kaganapan.
Lumabas siya ng bahay kasama ang matandang tila binabalot ng kalungkutan. Nababatid niyang nasaktan ito sa ginawa ng sariling apo. Bigla siyang napalingon upang pagmasdan ang bahay ng mag-lolo – paskong pasko subalit hindi mababakas dito ang simoy ng kapaskuhan.
ILANG buwan na ang nakakaraan mula nang masolo niya ang munting tirahan. Lahat nagagawa niya; ang magdala ng babae na tila isang laruan para sa kanya, at magyaya ng mga kaibigan na makakasama sa magdamag na inuman. Ang buong akala niya natapos na ang problema siya subalit, isang laruang babae ang nagpabago sa kanyang buhay.
“I’m sorry! Jons ‘di ko sinasadya.” Nasaktan siya. at hindi makapaniwala sa kanyang natuklasan. Gusto niyang sumigaw subalit nagbara na ang kanyang lalamunan.
Halos manlambot ang kanyang mga tuhod sa natuklasan. Naalala niya lahat ng mga babaeng niloko niya. At sa unang pagkakataon binalot ng konsensya ang puso niya. Ito na ba ang kabayaran sa kanyang mga kasalanan? Batid niyang nagrebelde siya. Matapos siyang mabigo sa unang pag-ibig ay hinangad niya ang gumanti – ang ituring ang mga babae na tila isang laruan lamang.
Natigilan siya nang may pumasok na lobo sa loob ng bahay. Tinangay ito ng hangin na tila inilipad papunta sa kanya. Kinuha niya ito saka pinagmasdan. At doon bumalik sa kanyang alaala ang bakas ng kahapon.
Nagpabili siya ng lobo sa kanyang lolo. At kahit bumabagyo ay lumisan ito upang ibigay lamang ang kanyang munting hiling. Subalit, ilang oras na ang nakakaraan ay hindi na ito nakabalik hanggang sa magpasya ang kanyang mga magulang na hanapin ito. Kinabukasan, nabalitaan na lamang niya namatay sa tubig baha ang kanyang mga magulang samantalang ligtas at buhay ang kanyang Lolo Jose.
Ang kalungkutan ay ibinuhos niya sa kanyang lolo – at lalo siyang nagalit rito nang sabihin nitong hindi na siya makakapag-aral sa kolehiyo. Nagkasakit pa ito, dahilan para pasanin niya ang responsibilidad – ang alagaan ito.
Muli siyang napaluha nang maalala ang matanda. Kumusta na kaya ang kanyang Lolo Jose?
Diyos ko, piping usal niya. Sa loob ng simbahan, naliwanagan siya sa kanyang mga kasalanan. Tila nabuksan ang kanyang puso; nakita niya ang kanyang pagkakamali, at natuto siyang magsisi sa kanyang mga kasalanan.
Pasko na sinta ko
Hanap hanap kita
Bakit nagtatampo
At nilisan ako
Pasko na sa bayan ng San Nicolas. At isang lobong kulay pula ang kanyang handog sa isang taong naging bahagi ng kanyang buhay, ang kanyang Lolo Jose. Nakatira ito sa bahay nila Ela, at sa loob ng isang taon na nawalay ito sa kanya ay nagkaroon ito ng malaking pagbabago; tumaba ang pisngi na tila nagkalaman, subalit mababakas ang kalungkutan sa mukha nito.
Napaluha siya nang makita niya ang kanyang lolo. Nilapitan niya ito habang nakaupo sa sofa. Ang mga mata ay naka-focus sa isang lobong nakatali sa bintana.
“H-huwag kang maingay, natutulog ang apo ko. Mamaya ibibigay ko na sa kanya ang lobo niya.” Lumuhod siya sa harapan ng matanda na tila hindi na siya nakikilala. “Nasaan na si Jojo? Bakit ‘di niya kinukuha ang lobo.”
Hinawakan niya ang kanang kamay nito. “Lo, ako po si Jojo.” Napatingin ito sa kanya subalit bumawi agad ito ng tingin. “Patawarin n’yo po ako kung sa inyo ko ibinuhos lahat ng kalungkutan ko. Wala kayong kasalanan, ako ang nagkulang.”
Bumitiw ito sa kanya. Tumingin sa malayo saka huminga nang malalim. “Alam mo, ako ang unang nagregalo ng lobo kay Jojo. Tuwang-tuwa ang apo ko. Ang sabi niya lobo ang gusto niyang regalo sa araw ng pasko. Nasaan na si Jojo? Bakit di pa niya kinukuha ang lobo?” Tumulo ang mga luha nito saka tumingin sa kanya.
“Lo, may regalo ako sa inyo. Bumili ako ng lobo.” Tumayo siya saka tumalikod upang kunin ang lobong itinali niya sa bintana. Subalit, mahigpit siyang nahawakan ng matanda sa kanang kamay niya.
“I-ikaw! Ikaw ang gusto kong regalo apo ko….. ikaw ang gusto ko.” Bigla siyang natigilan. Nakikilala na ba siya ng matanda?
“Lo?”
“Jojo, patawarin mo ang lolo ha.” Nasaklot niya ang kanyang dibdib. At agad niyang nilapitan ang matanda saka niyakap ito nang mahigpit. At sa unang pagkakataon ay nasabi niya rito ang kanyang pagmamahal.
“Lolo, wala po kayong kasalanan. Ako po ang dapat na humingi ng tawad sa inyo. Di ko na kayo iiwan katulad ng ginawa n’yo sa akin noong ako ay bata pa. Aalagaan ko po kayo…. Lo, maraming salamat sa pagmamahal ninyo.”
“Jojo, bakit nga ba lumilipad ang lobo?” Napangiti siya saka muli itong niyakap. At muling bumalik sa kanyang alaala ang mga panahong nagtatanong siya sa matanda kung bakit nga ba lumilipad ang lobo. “Ang kulit mo Jojo, sabi ko dahil may hangin sa loob ng lobo kaya nakakalipad,” dugtong nito sa kanya.
“Merry Christmas Lolo,” tugon niya saka hinalikan ito sa kulubot nitong mukha.
Lumipad ang kanyang paningin kay Ela. Nilapitan niya ito saka hinawakan ang kanang kamay nito. Nahihiya siya sa dalaga dahil naging bulag siya sa ipinakita nitong pagmamahal sa kanya. “Maraming salamat sa pagmamahal na ibinigay mo kay … kay Lolo Jose,” tugon niya sa dalaga.
“Mahal na mahal ko si Lolo Jose. Natutuwa ako dahil nagbago ka na.”
Natigilan siya sa itinuran nito, parang kailan lang nang gawin niyang laruan ang mga babae. Subalit, isang sakit ang nakuha niya sa kanyang pakikipaglaro – isa na siyang HIV POSITIVE.
Subalit, sa tulong ng nasa Itaas ay nalabanan niya ang kanyang karamdaman. At simula noon natuto na s’yang magbigay respeto sa mga kalahi ni eba, magmahal ng tapat, at pahalagahan ang mga babaeng nagmamahal sa kanya.
Pinakawalan niya ang isang lobong kulay pula. At kasabay niyon ang kanyang pangako – ang maging tapat na asawa ni Ela at mabuting apo ni Lolo Jose. Siya si Jons, at sa kuwento ng kanyang buhay ay natutunan niya na ang mga babae ay hindi isang laruan.

WAKAS
Regalo sa Araw ng Pasko
ni JonDmur
Maikling Kwento
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento