Ang Kalapati at Ang Uwak

Ang uwak ay inutusan ng Diyos sa lupa upang alamin ang lalim ng tubig sa dagat. Nguni't ang uwak ay nalibang sa kakakain ng sari-saring bagay na natagpuan niya sa lupa. Nalimutan niya ang utos ng Diyos.
Ang Kalapati at Ang Uwak Pigeon Dove Crow Alamat Pabula Maikling Kwento

Nang ikatlong araw at hindi bumalik ang uwak, ang kalapati naman ang inutusan ng Diyos. Ang kalapati ay matapat kaya hindi niya nalimutan ang utos ng Diyos. Nang dumating siya sa lupa ay hindi siya natagalan sa paghahanap ng sari-saring bagay at agad-agad siyang dumapo sa tubig.

Ang kalapati ay bumalik agad sa kalangitan at ibinalita ang kanyang nakita.

Ang uwak ay nagbalik din. Ang Diyos ay nagtanong. "Bakit ka natagalan? Bakit hindi ka nagbalik agad?" Ang uwak ay hindi nakasagot dahil sa hiya.

Ang naging parusa ng Diyos sa uwak ay and paglagay ng pabigat sa kanyang paa, kaya ngayon, ang uwak ay palundag-lundag. Ang kalapati na tapat sa Diyos, ay kinagigiliwan ng buong daigdig. Ang pula sa paa ng kalapati ay katunayan ng pagtupad sa kanyang tungkulin.

Ang Kalapati at Ang Uwak
Pabula

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento