Pinoy ka kung ...

Minsan, ng maglakad ako sa isang maliit na siyudad sa ibang bansa, marami akong nakitang Pinoy. Siguro, kahit saan dako ng mundo ay may Pinoy. Pero paano mo ba malalaman kung Pinoy ba talaga ang taong kaharap mo? Paano ba malalaman ng ibang Pinoy na Pinoy ka rin?

Ang kasagutan... nandito :

PINOY KA KUNG...
( roll the drums )


Isinasawsaw mo sa kape ang tinapay.

Kumakatok sa bubong o kayay sumisitsit kapag gusto ng bumaba sa Bus or Jeep.

Lumulingon ka kapag may sumisitsit.

Naliligo ka sa ulan at nagsi-swimming ka sa baha.

Kaya mong magturo ng direksyon sa pamamagitan ng iyong nguso.

Kaya mong makipagtext ng tuloy-tuloy hanggang madaling araw.

Nilalagay ang sukling sengkwenta sintemos sa tenga.

"Tabi-tabi po" ang sinasambit kapag dumaraan sa isa malaking puno ng kahoy.

Nangangapit bahay ka kahit na pajama lang suot mo. Minsan ay umabot ka pa sa palengke!

Marunong kang magsalita ng at least tatlong linggwahe : Filipino Language, English Language at Bading Language. Hhhmmm.... amininnnn!

Mas nasasaulo mo pa ang kantang Bahay Kubo kaysa sa atong Pambansang Awit.

Kung nagsasaing, sa kaldero man, sa palayok o kahit sa rice cooker, sinusukat mo ang dami tubig sa pamamagitan nga iyong mga daliri.

Tsimosa ka!

Gumagamit ka ng balde at tabo sa paliligo, kahit na may shower naman sa banyo.

May uling sa loob ng refrigerator mo.

Kaldero ang tawag mo sa rice cooker.

Nagkakape ka habang kumakain ng tanghalian o hapunan.

Mahilig kang bumili ng “Sale” na item sa mall kahit hindi mo kailangan.

Mahilig ka sa window shopping.

Kahit may pamilya na, nakatira ka pa rin ngayo sa bahay na tinitirahan ng Nanay at Tatay mo na tinitirahan ng Lola at Lolo mo.

Ugali mong umutang sa sari-sari store.

Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi mo kailangan ang kutsara at tinidor.

Navivideoke ka kapag sabado at linggo, pati na rin lunes, martes, miyerkules... araw-araw kaya!

“Prijider” o "Ref" ang tawag mo sa refrigerator.

Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti pag hindi mo alam ang sagot.

Paborito mo ang litson!

May walis ting-ting at walis tambo kayo sa bahay. Ito ang ginagamit na panlinis ng carpet kahit may vacuum cleaner.

Mahilig ka sa damit galing UK - ukay-ukay!

Kumakain ka ng balot at penoy!

Hindi ka nahihiyang mangulangot gamit ang hintuturo.

Mahilig ka sa tingi. Tinging asukal, suka, tuyo, asin at iba pa.

Ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng bagong bili mong sofa o sala set.

Mahilig kang sumingit sa pila.

Kumakain ka ng inihaw na dugo ng manok, adidas (paa ng manok), isaw ng manok, balun-balunan, at ulo ng manok.

Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item kapag nagbakasyon ka sa ibang lugar.

Umuusyoso ka kapag may nag-aaway, aksidente o pagtitipon.

Kinukulob ang utot at pinapaamoy sa bata.

Mahilig kang mag-ipon ng mga botelya at gagamiting paglagyan ng asukal, kape, asin at iba pang gamit sa kusina.

Pinapakain sa alagang aso at pusa ang natirang pagkain.

Nag-uuwi ka ng mga gamit sa hotel.

Tumatawad sa department store na parang nasa palengke ka lang.

“Cutex” ang tawag mo sa nail polish, “Colgate” naman sa toothpaste.

May eletric fan kang walang takip ang elisi.

Mahilig kang magpa-picture kasama ang nakitang artista sa mall.

Ang palayaw mo ay paulit-ulit tulad ng Bong-Bong, Che-Che, Ton-Ton, Mai-Mai,Bon-bon, Ann-ann, atbp.

Ginagamit mo ang sabong panlaba na panghugas ng pinggan.

Nagpapabalot ka ng pagkain sa birthday party para iuwi.

Nag-uuwi ka ng mga tira-tirang buto at tinik sa birthday party para ipakain sa alagang aso at pusa.


At higit sa lahat, Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento