TUWAANG (Epiko ng mga Bagobo)

Nakatanggap si Tuwaang ng mensahe buhat sa hangin na nagsasabi na kailangan niyang dumalo ng kasal ng Dalaga ng Monawon.

Huwag kang pumunta, Tuwaang, babala ng kanyang tiyahin. Nararamdaman ko na mayroong masamang mangyayari sa iyo doon.

Huwag kang mag-alala, tiyang. Kaya kong alagaan ang sarili ko sinabi niya ng matatag at determinadong pumunta.

Hindi mo naiintindihan, Tuwaang.

Hindi ako natatakot sa kahit ano, tiyang. Ngayon ang tanging nalalaman ko ay gusto ko makita ang kagandahan ng Dalaga ng Monawon.


Hindi pinakinggan ni Tuwaang ang kanyang tiyahin. Naghanda siya sa pagdalo sa kasal. Isinuot niya ang damit na ginawa ng mga diyos para sa kanya. Mayroon siyang hugis pusong basket na maaaring makagawa ng kidlat. Dala rin niya ang kanyang espada at panangga at isang mahabang kutsilyo. Sumakay siya sa kidlat at nakarating sa kapatagan ng Kawkawangan. Doon ay natagpuan niya ang Gungutan, isang nakapagsasalitang ibon. Gusto ng ibon na sumama sa kanya sa kasalan kaya dinala na niya ito. Nang makarating sa Monawon, siya ay magalang na pinapasok sa loob ng bulwagan kung saan ginaganap ang kasalan.

Nagsimulang magdatingan ang mga bisita. Unang dumating ay ang Binata ng Panayangan, pagkatapos ay ang Binatang Liwanon at ang Binata ng Sumisikat na Araw. Huling dumating ang lalaking ikakasal, ang Binata ng Sakadna na kasama ang isang daang lalaki.

Nang dumating ay iniutos ng lalaki na paalisin ang mga bisitang hindi nararapat na naroon. Nainsulto si Tuwaang sa sinabi ng lalaking ikakasal na silang lahat ay pulang dahon, na ang ibig sabihin ay mga bayani. Nagsimula ang seremonya sa pag-aalay ng mga bisita ng mga mamahaling regalo. Dalawa ang natira para sa lalaking ikakasal ngunit inamin ng Binata ng Sakadna na wala silang gintong plauta at gintong gitara na maitutumbas sa mga natira. Tumulong si Tuwaang. Sa kanyang misteryosong hininga siya ay nakagawa ng gintong plauta, gitara at gong.

Lumabas na ang babaing ikakasal sa kanyang silid at nagsimulang magbigay ng nganga sa bawa't isang bisita. Pagkatapos ay tumabi ito kay Tuwaang na naglagay sa lalaking ikakasal sa kahiya-hiyang sitwasyon. Pakiramdam ng lalaki ay nainsulto siya. Lumabas ito sa bulwagan at hinamon si Tuwaang sa isang laban.

Ipakita mo sa akin na nararapat ka sa karangalang ibinigay sa iyo ng aking minamahal sa pagtabi niya sa iyo! sabi ng galit na Binata ng Sakadna. Labanan mo ako hanggang kamatayan!

Tumayo si Tuwaang at tinanggap ang hamon ngunit hinawakan siya ng babaing ikakasal.

Bayaan mong suklayin ko muna ang iyong buhok bago mo siya labanan, sabi ng babaing ikakasal kay Tuwaang. At buong pagmamahal niyang sinuklay ang kanyang buhok.

Tinitigan ni Tuwaang ang babae. Nakita niya ang pagmamahal at paghanga nito sa kanyang mga mata.

Mag-ingat ka sa pakikipaglaban sa kanya, babala ng babae. Hindi siya marunong lumaban ng patas.

Hinawakan ni Tuwaang ang kamay ng babae at hinalikan ito.

Para sa iyo binibini, mag-iingat ako! sabi niya at lumabas na ito sa bulwagan upang labanan ang lalaki.

Tumango ang babaing ikakasal at kumaway sa kanya at umaasa sa kanyang kagalingan.
Hinarap ni Tuwaang at ng Gungutan ang Binata ng Sakadna at ang isang daang lalaki. Lumaban sila ng buong makakaya at pagkatapos ng isang maikling pagtutunggali ay natalo niya at ng Gungutan ang siyamnaput-apat na lalaki. Madali nilang natalo ang anim pang natirang nakatayo hanggang siya at ang Binata ng Sikadna na lamang ang natirang nakatayo. Binato si Tuwaang ng lalaking ikakasal ng malaking bato ngunit naging alikabok lamang ito bago pa man nito tamaan si Tuwaang. Dahil sa masidhing laban ay lumindol ang lupa at lahat ng mga puno ay nagbagsakan. Binuhat ng lalaking ikakasal si Tuwaang at ibinato ng malakas sa lupa. Lumubog ito ang nakakarating sa Hades.

Sa Hades, nakita ni Tuwaang si Tuhawa, ang diyos ng Hades. Sinabi ni Tuhawa na ang buhay ng lalaking ikakasal ay nasa gintong plauta. Lumitaw mula sa lupa si Tuwaang at pinatay ang lalaki sa pamamagitan ng pagbili sa gintong plauta. Tumakbo ng masaya ang babae sa kanya. Niyakap niya ito at hinalikan sa kanyang pisngi at labi.

Maari ka bang sumama sa akin? tanong ni Tuwaang sa babae.

Ng buong puso, sagot nito.

Umuwi si Tuwaang sa Kuaman kasama ang babae at ang Gungutan at namuhay sila ng magkakasama, magpakailanman.

TUWAANG 
Epiko ng mga Bagobo





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento