Si Gonzalo O. Catan Jr. ang nagsimula ng kumpanyang MAPECON noong taong 1961. Ito ay nagsimula bilang isang single-proprietorship entity, at ngayon ay isa nang napakalaking multi-million peso company na may mahigit kumulang na 400 na empleyado sa buong bansa. Si Gonzalo Catan Jr. ay isang imbentor na gumagamit ng iba’t ibang klaseng material para gumawa ng sariling imbensyong pesticide, o pamatay ng peste.
Ano
Ang kanyang “Household Insecticide” ay all-in-one, na nakakapatay ng lamok, ipis, anay, langaw, langgam, lisa, at pati kuto sa mga aso. Nakakapatay din ito ng wringlers na nagiging lamok pag lumaki. Kaya rin nitong puksain ang mga fly maggots at sand flies. Ang isang 120cc concentrate bottle ay nagkakahalagang Php120 o US$5.35. Hindi lang ito ang nagawa ni Gonzalo Catan Jr. Mayroon pa siyang 38 na imbensyon. Isa na rito ang Green Charcoal na nag-aabsorb ng amoy at usok.
Paano at Bakit Ginawa
Ang Household Insecticide ay may mapermethrin bilang active ingredient, na may activated carbon at botanical extract. Ito ay water based na may 21 microorganism na nakakapatay ng peste. Ang laman nito ay may 10cc ng insecticide concentrate. Ito naman ay ginawa para mabawasan ang nagkakasakit ng dengue, sa pamamagitan ng pagpatay sa wringlers at lamok. Nakaktulong din ito sa mga tambakan ng basura at mga tourist spots sa pagpatay ng fly maggots at sand flies. Maaari din itong ispray sa aso para patayin ang mga kuto, at hindi na ito kailangang ibanlaw.
Paano Isinulong
Sumali si Gonzalo Catan Jr. sa mga exhibition. Ito ay unang inexhibit sa 27th International Exhibition of Inventions in Geneva, kung saan higit 1000 na imbensyon galing sa 44 na bansa ang nakadisplay. Sa “Sanitation-ventilation-heating Category” nanalo ang “Household Insectide” ng silver medal. Sa Philippines’ National Science and Technology Week, binigyan din siya ng gantimpala ng Department of Science and Technology ng first prize sa “Invention commercialization category”.
Mga Kinahinatnan
Ang produktong “Household Insecticide” ay binebenta ng Mapecon Phils. Na isang kumpanya dito sa Pilipinas. Dumadami na rin ang gumagamit nitong produkto sa ibang bansa.
GONZALO O. CATAN JR.
Pinoy Imbentor
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento