REHAS NA BAKAL (by Alfonso Santiago)

I
Sa likod ng rehas
Ay naririnig ko ang piping panaghoy ng bunso kong anak
Na naging masama’t sa sala’y nabaon;
Ako’y nahahabag pagka’t magsisi man at lumuha
Ngayo’y d nai magagawang kanyang maibalik, nagdaang panahon.

II
Siya ang bunso kong mula nang isilang
ay hinangad ko nang sa nang mapanuto upang sa lipina’y aking ikarangal;
Siya’y aking anak na pina-pangarap na maging gabay
Kung ako’y tumanda’t may dapit hapon na ang buhay na hiram.




III
Sa lahat ng ora akong magulang niya
Ay hindi nagkulang na siya’y imulat
Sa gawang mabuti at magandang asal,
Sa araw at gabi siya’y binubusog ko sa mga pangaral;
Ay naging masama’t buti’y nakalimutan.

IV
Nasaan na ngayon ang kanyang barkada’t kaibigan?
Bakit nang nakulong ni walang ibig dumamay?
Kung sa akin noon ang bunsong anak na nakinig lamang
Sa pagkaparool ay nalayo sana’t hindi nahatulan.

V
Sa nangyaring ito, ang aking sarili’y limit na suriin,
Bilang magulang niya… ako ba’y sumura sa aking tungkulin?
Ako ba’y nagharang? Ako ba’y pumatay o naging salarin?
Ako ba’y nagnakaw at sa aking nakaw sila’y pinakain

VI
Ako’y isang bigo… Oo, ako’y bigo sa aking adhika
Na ang aking bunso ay mahubog sana sa mabuting gawa
Ang aking pangarap ay bulang sumabog at biglang nawala
Nang ang aking anak ay mapariwara’t magumon sa sama

VII
Sa likod ng rehas ay narinig ko ang bunso kong anak
Ako’y tinatawag at ang tinig niya’y waring panunumbat;
Ngunit ang sala nila’y di matutubos ng luhang nanatak
Ang rehas na bakal ng kapangyarihan’y… di ko maagnas!


REHAS NA BAKAL
by Alfonso Santiago

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento