DIONA

Ang Diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.


Ang butil na kaysarap,
Parang gintong kumislap,
Katapat nito'y ulap.




O, manggang sakdal tamis,
Lipos ka ng pag-ibig
Ng bayan ng Zambales.


Hugis-puso na prutas
Ang naghandog ng galak
Kay Mariang masipag.


Ako ang ibigin mo.
Tawag sa aki'y tubo.
Tamis ang handog sa 'yo.


Mangga ng Zambaleña,
Tikman mo't may halina
Ang tamis ng pagsinta.


Balat na kulay-dilaw,
Kulay-berde pag hilaw,
Panlasa'y mapupukaw!


Ang mangga dito sa 'min:
Marami, nakabitin
At masarap kainin!


Ang mangga ng Zambales,
Walang makatitiis
Dahil napakatamis.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento