Wala Iyan sa Regalo
By : Teddy Literati
Sabik na si Paulo sa christmas party sa kanilang paaralan. Nakahanda na rin ang kanyang regalo para kay Gail. Magkababata kasi sila. Masayang-masayang kinakausap ang kanyang nanay.
“Mommy, excited na akong makatanggap ng maraming-maraming regalo sa christmas party namin.”
“Wow naman. Kaya ikaw, huwag kang nakasimangot ha, dapat nakangiti.”
At pumunta na sila patungo sa paaralan. Ang lahat ng kanyang kamag-aral ay nakagayak. Maswerte rin siya at nakita rin niya si Gail. Bumati ang batang babae – dahilan upang ngumiti si Paulo. Sa kanilang pagkikita ay nagpakitaan sila ng regalo. Pareho na silang nasasabik sa kanilang exchange gift mamaya.
Tumungo na si Paulo sa kanyang silid-aralan. Napakaraming dekorasyon, may mga parol pa. Habang naglalakad ang bata ay binati siya ng mga kamag-aral.
“Hi Paulo. Patingin naman ng regalo mo.”
Ngunit biglang sumimangot si Paulo. “Ayoko nga! Baka masira niyo ito. At saka iba ang bibigyan ko nito no. Ano kayo, sineswerte?”
“Grabe ka naman. Hindi naman namin iyan bubuksan.”
“Oo nga. Grabe ka Paulo, malapit na nga ang pasko ganyan ka pa rin.”
“Ang sungit mo pa rin. Kaya wala kang masyadong kaibigan eh.”
“Tumahimik nga kayo!” sigaw ni Paulo. “Basta, walang hahawak sa regalong ito.”
“Tara na nga, huwag na tayo diyang makipag-usap.”
“Oo nga. Baka maging tigre pa iyan, sakmalin tayo.” Sabay tawa ng lahat.
Nayamot si Paulo. Napasigaw siya. Ksabay noon ay tumakbo na papalayo ang kanyang mga kamag-aral.
Pagpasok sa silid ay abala ang mga bata sa pag-aayos ng dekorasyon, ng pagkain, at ng mga gamit sa palaro. May mga batang masayang nag-uusap sa kanilang mga kaibigan maliban na lamang kay Paulo na nakaupo lamang siya sa sulok. Nakasimangot pa rin habang tinitignan niya ang regalong ibibigay kay Gail. Mayamaya pa lamang ay dumating na ang kanilang guro. Nagsimula ang programa sa pagdarasal, pagbati at mga palaro. Pinilit din ng mga kamag-aral si Paulo na sumali sa mga palaro pero ayaw niya. Hindi niya kasi mabitawan ang regalo niya, baka raw masira. Kahit sa oras ng kainan ay masungit pa rin si Paulo. Mayroon siyang nakatabing kamag-aral at sinungitan niya ito. Napansin kasi ni Paulo na matakaw at marungis kumain ang katabi niyang bata.
“Ano ka ba naman! Dahan-dahan naman sa pagkain. Para ka namang baboy.” Pintas ni Paulo
Nang marinig ito ng bata ay bigla itong umiyak. Nagsumbong naman ang kanyang kamag-aral sa ginawang pamimintas ni Paulo.
“Teacher, teacher, Si Bobby, inaasar po ni Paulo.
Nang lumapit na ang guro ay agad itong sinabihan si Paulo. “ano ka ba Paulo. Masama ‘yang ginagawa mo.”
“Eh ang ingay po niyang kumain eh. Tapos ang dusing-dusing pa.”
“Paulo, ayoko ng mga ganyan. Tumahimik ka na lang kapag wala kang sasabihing maganda ha. Tama na iyan.” Habang si Bobby naman ay inilipat sa ibang pwesto.
Pagkatapos nito ay agad inihayag ng guro ang importanteng [arte ng kanilang christmas party. “O class, bukod sa mayroon kayong exchange gift ay mayroon din kayong mga dalang special gift para sa gusto ninyong mga kaibigan. Ang sinumang kukuha ng pinakamarami ay siyang tatanghaling Christmas star of the class”
“Ako na iyon!“ Pagmamayabang ni Paulo. Ngunit hindi naman ito napansin ng mga kamag-aral.
Makalipas ang ilang oras ay narito na ang kanilang pinakahihintay – ang exchange gift. Sabik na ang lahat sa pagpapalitan ng mga regalo. Handa na rin ang regalo ni Paulo para sa kanyang crush na si Gail. Maayos ang paraan ng pag-abot ng mga regalo. Tinatawag ng guro ang mga mag-aaral by row upang hindi magkagulo. Isa-isang lumapit ang mga mag-aaral upang iabot ang mga regalo sa kanilang taong bibigyan nito. Masayang-masaya ang mga nakatanggap ng regalo. Kabilang na si Paulo na agad iniabot ang regalo niya kay Gail.
“Salamat Paulo.”
“Walang anuman iyon.”
At sabay nang binuksan ang mga regalo. Ang iba ay stuffed toy, ang iba ay picture frame, ang iba ay photo album, twalya, bimpo’t panyo, laruan. libro, at iba pa. Isang set ng suklay naman ang regalo ni Paulo kay Gail. Natuwa ang batang babae sa natanggap niyang regalo dahil mahilig itong mag-ayos ng buhok. Ngunit malas ni Paulo dahil wala siyang natanggap na regalo. Absent daw kasi ang taong magbibigay sana nito. Dahil diyan ay sumimangot siya at kinantiyawan pa ng mga kaklase.
“wahahahaha, si Paulo walang regalo. Wahahahahaa”
Natahimik na lamang si Paulo sa tabi. Siya lang ang nag-iisang walang regalo sa klase.
At ngayon ay narito ang pinakahihintay ni Paulo na paramihan ng regalong matatanggap. Sa pagkakataong iyon ay nanahimik lamang si Paulo at naghihintay na mayroong mga kamag-aral na lalapit sa kanya. Mahalaga ang christmas star of the class. Tinatawag ito sa isang mag-aaral kapag ito ay mabait at palakaibigan. At mukhang hindi papasa si Paulo doon, ngunit buo niyang ipinagmamalaki na sa kanya mapupunta ang pinakamaraming regalo dahil sikat siya sa klase.
At nagsimula na ang paghahanap para sa Christmas Star of the Class. Sandali lamang ito natapos at nalaman na agad ng guro kung sino ang may pinakamaraming regalong natanggap. At iyon ay walang iba kundi si Gail. Nagpalakpakan ang lahat ng mga kamag-aral sabay sabi ng thank you. Ngunit sa kasamaang palad, si Paulo ay hindi pa rin nakatanggap kahit isa man lang na regalo.
Hindi siya pinansin ng guro. Kay Gail kasi napunta ang atensyon nito. Nagpalakpakan na muli ang mga mag-aaral. Nagpahabol ng mensahe si Bobby kay Paulo.
“Ayan kasi eh. Ang sungit mo, kaya ‘yan ang napala mo. Buti nga sa iyo.”
“Tumahimik ka nga diyan!”
At sa hindi inaasahan ay biglang nag-away sina Bobby at Paulo. Magpapalitan sana sila ng suntok ngunit agad silang inawat ng guro. Parehong sinermunan ang dalawa lalo na si Paulo.
“Paulo, kailangan kong kausapin ang mga magulang mo.” Mahinahong sagot ng guro.
Sa pangyayaring iyon ay biglang umalis na lamang si Paulo nang hindi pa tapos ang programa. Buti at nakasalubong niya ang kanyang mga magulang.
“O Paulo, bakit ka umiiyak?” ang tanong ng kanyang ama ngunit hindi niya ito sinagot. Nagpatuloy siya sa pagtakbo.
Matapos ang programa, isinalaysay ng guro ang nangyari. Wla raw kasing matanggap na regalo si Paulo kaya siya nagkaka-ganyan. Naging masungit daw siya sa mga kaibigan at mahilig mamintas. Nangako naman ang mga magulang ng bata na pagsasabihna nila ito sa mahinahong paraan ngunit alam nila na likas na malungkutin talaga si Paulo.
Samantala, nasa waiting shed si Paulo. Umiyak siya nang umiyak dahil wala siyang natanggap ngayong pasko. Habang nagmumukmok sa isang mahabang bangko ay nakita siya ni Gail. Nagpaalam sa magulang na magpapahangin muna siya. Kumuha mula sa sako ng isang regalo at lumapit ito kay Paulo.
“Paulo, bakit ka umiiyak?” tanong ni Gail.
“Wala kasi akong regalo eh.” Tugon ni Paulo
“Ikaw naman kasi eh, napakasungit mong bata. Wala tuloy kumakaibigan sa ‘yo. Baka nakita ni Lord yung ugali mo.”
“Talaga? Ang sama ko naman. Siguro ang tingin mo sa akin ay masama, masungit. Ayaw ko na kinakantiyawan ako, ayoko na lagi akong inaasar.”
“Hindi naman. O eto, bigay ko sa iyo.”
“Ibibigay mo sa akin iyan?”
“Oo naman. Mabigat lang kasi ang pinagdadaanan mo eh. Pero naniniwala ako na hindi ka masamang tao.” Kasabay nito ay dumating na rin ang mga magulang ng mga bata.
“Oo tama ‘yon.” Sabi ng nanay ni Paulo. “Makinig ka anak. Wala sa regalo ang kahulugan ng pasko. Hindi bale nang wala kang regalo, ang mahalaga ay kasama mo kami. Kaming mga pamilya mo – iyon ang matinding regalo na ihahandog namin sa iyo.”
“Oo. Higit pa iyan sa mga laruan at mga gamit. “ sabi naman ng tatay ni Paulo.
“Talaga po? Thank you po.” Pasasalamat ni Paulo.
“O. Eto na gift ko sa iyo. Diba bestfriend mo ako?”
Dahil sa narinig na iyon ay muling sumaya si Paulo. “Oo naman.”
“Huwag kang malungkot. Basta nandito lang ang mga magulang mo. Pati na rin ako.”
“Salamat ha. Merry Christmas”
“Walang anuman. Merry Christmas din sa iyo.”
At nawala na ang lungkot ni Paulo dahil sa kanyang bestfriend lalo na sa kanyang mga magulang. Ipinangako ni Paulo na hindi na siya magiging masungit at mang-aasar. Malinaw na sa kanya na ang pinakamagandang regalo na matatanggap niya at kailanman ay hindi mapapalitan ay ang pagmamahal ng mga magulang.

Wala iyan sa Regalo
By Teddy Literati
Maikling Katha
Source: tsdpd.wordpress.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento