Torogi - Ang Taong Bundok
By Jessica Lopez
Hindi daw siya tao
Pumupugot ito ng ulo
May buntot at katakot-takot
Bahag ang tangi nitong saplot.
Sabi lang nila iyon
Panahon pa ng ninono nila noon
Makabagong henerasyon na ngayon
Masaganang kasaysayan patuloy na nanalaytay.
Tao siya, isang magiting
Mahal niya ang kaniyang kinagisnang kultura
Siya ay matalino at may dignidad
Rumerespeto at may bukod tanging abilidad.
Hinulma sa yaman ng kultura
Mula sa kabundukan ng Cordillera
Apayao, Abra, Benguet, Ifugao, Mt. Province at Kalinga
“It’s more fun in the Philippines” talaga.
Taong bundok kung ituring
Sa kanilang bukod tanging tanawin dapat marating
Modernisasyon man ay umusbong
Makalumang tradisyon patuloy na isinusulong.
Tinggit-tinggit-tinggit-tinggit
Tunog ng mga gangsa
Sigurado oras na para mag-KANYAW
Halina’t tayo ay mamangha at makisayaw.
Kahit saan siya magpunta
Taas noo niyang ipinagmamalaki
Siya si TOROGI, isang FBI...
Full Blooded IGOROT.
Torogi - Ang taong bundok
By Jessica Lopez
Tula
Source : UberJessicaLopez.blogspot.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento