Ang Kahon ng Laruan ni Felipe
By Duking
Si Felipe ay may kahon ng mga laruan. Ang bawat pirasong naroon ay kanyang iniibig at pinag-mamalaki. Naniniwala siya na ang lahat ng iyon ay regalo sa kanya ng kanyang Ama na nasa malayong lugar. Mula sa nag-gagandahang kayumangging mga manika hanggang sa matatapang na mga laruang-kawal, may mga laruan pa siyang yari sa kahoy, mga laruang hayop at mga isda, mga holen na nangag-kikintaban at sadyang napakamahal at kahanga-hanga. Nangako siyang babantayan ang kahon mula sa sinumang bata na aagaw nito o kukuha ng isa man sa laman niyon.
Isang araw ay nakilala niya si Ponyong, isang bata na buhat pa sa kabilang kanto. Walang dala si Ponyong maliban sa hawak-hawak nitong komiks na tungkol sa super-hero na taga-pagligtas, laruang espada at baril-barilan subalit nangako ito na lalong magiging maganda at matitibay ang mga laruan sa kahon kung hahayaan lamang ni Felipe na idagdag ang nasabing komiks sa kahon ng mga laruan at ibahagi ang kasiyahan sa lahat ng mayroon sa loob ng kahon. Iyon ang panlalansing ginawa ni Ponyong na nagkaroon agad ng interes sa kahon ng laruan ni Felipe.
Dahil sa kagustuhan ni Felipe na lalong mapabuti ang mga laruan, bagamat may bahagyang pagtutol ay agad din itong pumayag. Natural marahil sa kanya ang pagiging hindi maramot.
Napasakamay ni Ponyong ang kahon ng laruan. Ginamit maigi ni Ponyong ang komiks na may kwento ng super-herong taga pagligtas upang libangin si Felipe at tina-taga pa ni Panyong ng laruang espada ang kamay ni Felipe kada nanaisin nitong bawiin o paki-alaman ang sarili nitong mga laruan. Hah! Sinamantala ni Ponyong ang pagiging kimi at kabaitan ni Felipe!
Matagal ding nag-isip si Felipe kung paanong muling mababawi ang kahon ng laruan saka siya naglakas-loob na inagaw itong muli kay Ponyong ng minsang nalingat ito dahil na rin sa pakikipag-away sa ibang kalaro. Subalit matalino si Ponyong. Habang tuwang-tuwa si Felipe na nakuha na niyang muli ang kahon ng laruan, palihim na ibinenta ni Ponyong ang kahon at ang lahat ng laman nito sa tiyuhin ni Felipeng si Samuel sa murang halaga. Bagamat nagulat si Felipe, natuwa na rin siyang malaman na malaya na niyang mapaglalaruan muli ang lahat ng nasa kahon
dangan nga lamang at ang kanyang Tiyo Samuel na ang nagsasabi kung kailan siya dapat tumigil o kung anulang ang maaaring gamitin.
Ah, naisip niyang mabuti na rin iyon at may taga-pagtanggol na siya at ang kanyang mga laruan.
At hindi nga siya nagkamali ng minsang inagaw ng kanyang kapit-bahay na si Japok ang kahon. Agad siyang sinaklolohan ng kanyang Tiyo Samuel. Kasunod noon, isinauli sa kanya ng kanyang Tiyo Samuel ang kahon ng laruan.
Lalong napalapit ang loob ni Felipe sa kanyang Tiyo Samuel nang dinag-dagan nito ang loob ng kahon ng mga laruan na sadyang si Tiyo Samuel lamang ang may-roon mula sa kotse-kotsehan, tumutugtog at umiilaw na mga laruan at kung anu-ano pang nakalilibang na laruan bagama’t karamihan sa mga iyon ay pinag-lumaan lamang na laruan ng kanyang Tiyo Samuel.
Sa pagkalibang ni Felipe, hindi na siya tumutol ng hingin ni Tiyo Samuel ang mga laruang yari sa kahoy, mga laruang hayup at mga isda, at mga holen na nangag-kikintaban at sadyang napakamahal at kahanga-hanga. Paminsan-minsan ding pumipili si Tiyo Samuel ng tau-tauhan at manika na kanyang hinihiram para naman sa kanyang mga anak.
Ang tanging naiwan sa kahon ay ang mga pinag-lumaang laruan ni Tiyo Samuel na mas kinahumalingan ni Felipe at ang Komiks na naiwan ni Ponyong. Napabayaang nasa ilalim at hindi na halos naaasikasung gamitin ni Felipe ang mga kayumanggi niyang mga manika at matatapang na laruang kawal na dati nang nasa loob ng kahon. Hindi rin napansin ni felipe na sa pagkahilig niya sa Komiks ni Ponyong at sa paniniwalang sobra sa kwento at aral ng Superhero na naroon, hindi niya napansing lumolobo na ang bilang ng laruang nasa ilalim ng kahon.
Hanggang sa napunit ang kahon na kahit anung tahi ni Felipe ay tila nagagalit na ang mga laruan.
Patuloy itong nawawasak hanggang sa unti-unti nang kumakalat ang kanyang mga laruan…
Dahil sa paniniwalang kaya pang isalba ang unti unting pagkawasak ng kahon, isang pagkakamali ang nagawa ni Felipe…pagkakamaling ‘di niya aaminin kailanman…
Inilagay niya sa ibabaw katabi ng Komiks ni Ponyong at mga lumang laruan ng kanyang Tiyo Samuel ang isang ‘dilaw na rubber ducky’ upang supilin ang ‘wang-wang’ ng de-bateryang laruang police car at mabingi ang lahat sa walang tigil nitong kaka ‘Quack-Quack!!!’
Ah, si Felipe…hindi matatapos ang kwento niya ng ka-inosentehan hanggat siya’y nag-iisip bata.

blogger : Duking
Source : Duking.WordPress.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento