Bakit Hindi Matangos ang Ilong Nating mga Pilipino

Noong unang panahon ang mga tao sa mund ay walang ilong.  Sila y humihinga sa pamamagitan ng dalawang butas sa gitna ng mukha.

Isang araw, si Juan at ang kanyang mga kaibigan ay masayang naglalaro ng hindi sinasadya ay hanulog si Juan sa putikan. Sa kasamaang palad ay may dumikit na putik sa gitnang bahagi ng mukha ni Juan. Walang makapag-alis ng putik na ito kung kaya’t pinabayaan ng ito ni Juan.
Subali’t sa paglipas ng panahon ay kininggitan ng kaniyang mga kaibigan si Juan dahil sa gumandang lalaki si Juan. Sinubukan nilang sumubsob sa putikan nguni’t lahat sila ay nabigo. Hindi sila nagkaroon ng putik sa gitnang bahagi ng kanilang mukha tulad kay Juan.

Isang araw, inutusan si Juan ng kaniyang ina at sa kaniyang pag lalakad, siya ay nadapa at natanggal ang kapirasong putik. Pilit niya itong ibinabalik sa mukha nguni’t ayaw na itong kumapit.

Minsan, isang barko ang padaong sa kanilang bayan. Laking tuwa nila ng malamang maraming ilong ang dala ng barko. Si Juan at ang kaniyang mga kaibigan ay nagmamadaling nakipag-unahan sa pag lapit sa barko. Dahil sa kaliitang ng mga Pilipino at hindi makatakbo ng matulin, ay sila ang nahuling makalapit sa barko. Sa kasamaang palad ang pinagtirahan at pinagpilian ang kanilang nakuh at iyon nga ay ang mga ilong na pango. Ang ganitong uri ng ilong ang napunta kina Juan at sa kaniyang mga kaibigan.

Ito ang dahilan kung bakit ang mga Pilipino ay hindi matangos ang ilong tulad ng sa mga Amerikano at iba pang bansa.


Bakit Hindi Matangos ang Ilong Nating mga Pilipino
Alamat


Pasasalamat : GintongAral.com

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento