Kapalaran sa 2012 : TAURUS

Taurus
Apr 20 - May 20

Kapalaran sa 2012 Horoscope TAURUS Zodiac Signs
Ang mga Bituin sa kalangitan ay siyang gabay ng Taurus. Umiwas ka lang sa mga manhole baka mahulog sa tuwing titingala. Sa taong ito ay masuwerteng magsisimula sa proyektong may kinalaman ang construction at interior design. Matatangap ka sa trabahong ikakaligaya mo at yan ang pagiging MMDA demolisyon team.

Maging maingat sa pagdating ng mga hindi inaasang trahedya o sakuna. Mag-ingat din sa mga pusa sa inyong bahay madalas kang nanakawan nito ng ulam.Huwag maging padalus-dalus sa mga diskarteng wala sa wisyo baka mapagkamalan kang adik.

Sa first quarter ng taon ay may mahalagang papel na gagampanan ang mga kaibigan at ilang kakilala upang matupad ang iyong mga plano sa buhay.  Mag ingat din sa ibang mga kaibigan na may nunal, lalong-lalo na kung lalake ka dahil baka ibenta ka nila sa bakla. Kung babae ka naman iwasang maki-jammin sa mga kaibigan na manipis ang kilay dahil madalas ka nilang hihiraman ng gamit pampaganda.

Sa second quarter ng taon ay magkakaroon ka ng problema sa kalusugan lalo na kung ang edad mo ay 40 pataas. Mainam na umamoy ng gasolina sa tuwing magpapa-full tank. Minsan kailangan mo din ma-high para maging masaya.

Sa panahon din na ito mo makikilala ang mga tunay na kaibigan. Isa na dito si Casper at si Sadaku.

Maayos maisasakatuparan ang natakdang paglalakbay sa taong ito gamit ang bagong tsinelas na Islander.

Maghahatid ng suwerte sa taurus ang mga numerong 5,11,18,25,35 at 37.


TAURUS
Kapalaran sa 2012
Hango sa mga nakita ni Willy Garte




Ano ang kapalaran mo sa taong 2012?














Walang komento:

Mag-post ng isang Komento