Ate Charo
By Boy Kulot
Dear Ate Charo,
Ako po ay isang masugid na taga subaybay ng inyong programa. Ilang beses na rin po akong napa-iyak dahil sa mga kwento ng buhay ng programang ito. Natutuwa din po akong hulaan ang title ng storya, kahit pa ito’y nangangahulugang mawawalan akong ng kinse pesos. Kahit kailan ay hindi pa ako nanalo. totoo po bang may nananalo sa mga palaro nyong iyon?
Bago po pala ako magsimulang mag kwento, nais ko lamang po sanang mag bigay ng shout-out sa aking mga katoto jan sa Accenture.
“Nasa T.V. na ang kwento ng buhay ko mga kups! Hoy Jonel, bayaran mo na ang utang mo bago ko pa ipagkalat ang sikreto nyo ni Boss Mark! Pakibigay na lang sa nanay ko yung pera.
Hashtag I’m-here-bitches
Hashtag Burn
Hashtag I’m-so-famous-right-now”
Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Ako po si Berong, bente dos anyos at nagtatrabaho bilang programmer sa Accenture. Ako po ay laking tondo. Mababakas sa akin ang aking pagiging matapang at mapagtiis gayong laki kami sa hirap ng aking pamilya.
Nakilala ko ang kabiyak ng aking buhay sa eskwelahan sa kolehiyo. Ang pangalan nya ay Rose. Isa syang irregular sa aming klase, na-disolve po kasi ang section nila, ate charo. At pinasasalamatan ko si bathala dahil nangyari ‘yon. Nuong unang araw na makita ko sya ay sobra nya pang tahimik. Para bang nahihiya dahil nga isa syang estranghero sa aming section. Noong kita ko pa lang po sa kanya ay tumibok na ng malakas ang aking puso, ate charo. Walang duda, na love-at-first-sight po ako sa babaeng ito.
Sinimulan ko po syang kaibiganin kahit sobrang tahimik nya. Lagi ko syang kinakausap at pinapatawa. Napaka sarap pakinggan ng tawa nya, ate charo. Napaka gaang sa pakiramdam makita ang mga ngiti nya. Ang mga mapupungay nyang mga mata ang mas lalong pang nagpaigting ng pagkakagusto ko sa kanya. Para sa akin, Isa syang anghel na nahulog sa lupa, ate charo.
Di naglaon ay nagtapat na ako sa kanya ng aking nararamdaman. Tinanong ko kung pwede po ako manligaw at pumayag naman sya sa kundisyong ayaw nya ng ligaw kalye. Gusto nya daw, ligawan ko sya sa bahay nila ng matino.
At ginawa ko po ‘yon, ate charo. Niligawan ko po sya sa bahay nila. Old-school man kung ituring, okay lang po. Mahal ko ang taong ito at gagawin ko ang lahat para maging kanya at sya, maging akin, ate charo.
Makalipas ang anim na buwang panliligaw, ay sinagot na nya ako. Lumukso ang puso ko sa sobrang saya ng araw na iyon, ate charo. At mula noon, Mas lalo ko pa po syang minahal.
Dahil medyo nahuli sya sa eskwela, nauna akong gumraduate sa kanya ng isa’t kalahating taon. Isang buwan lang pagkatapos kong makapagtapos ay nakakuha agad ako ng trabaho sa accenture.
Kahit may trabaho na po ako, Lagi ko pong sinisigurado na may oras ako para sa kanya. Katunayan nyan ay meron kaming naka schedule na out-of-town kada buwan. Dinner kada swelduhan. Minsan ay makikitulog pa ako sa kanila para makasama sya.
Maayos at masaya ang aming relasyon hanggang sa nangyari ang hindi inaasahan. Kailangang lumipat ng pamilya nya sa Davao para ipagpatuloy ang family business nila.
Agad agad po silang lumipat sa Davao. Masakit po sa akin ang pagkakawalay sa kanya, ate charo. Gayon pa man, disidido po akong ituloy ang aming relasyon kahit na malayo kami sa isa’t isa.
Ang sikreto lang namin sa maayos na long-distance-relationship ay ang komunikasyon at tiwala. Araw araw po kaming nag papalitan ng mensahe sa telepono, at tumatawag sa isa’t isa. Pumupunta din po akong Davao apat na beses isang taon para makasama sya. Sinisikap ko pong maging maayos ang relasyon namin kahit ganoon ang sitwasyon namin.
Maayos po ang takbo ng lahat sa buhay ko hanggang sa dumating sa buhay ko si Jel. Ka-team mate ko po sya sa project ko, ate charo. Naging matalik ko po syang kaibigan. Naging close kami kahit sa konting panahon lang. Pero hindi ito naging dahilan para magtaksil sa aking kasintahan, ate charo.
Nasaksihan ko din kung paano nagkaruon ng buhay pagibig ang aking kaibigang si Jel. Masaya ako sa kanila ng kanyang bagong kasintahang si Ruel na tiga Davao din. Ka-team din po namin si Ruel na naka base sa Davao Accenture Office, ate charo. Ako’y naka suporta sa kanilang relasyon, kadalasan ako’y nagbibigay ng payo sa kanila dahil parehas kami ng sitwasyon.
Nagkasundo kaming magkaruon ng double date. Nagkita kita po kami sa Davao, sa isang mamahaling restorant. Sa iisang table lang po kami kumain ate charo. Pinakilala namin ang aming kasintahan sa isa’t isa. Nagulat kami dahil magkakilala pala ang aking kasintahan at ang kasintahan ni Jel. Iisang eskwelahan lang daw kasi ang kanilang pinasukan.
Masaya kami ni Jel dahil mabilis nagkasundo ang aming mga kasintahan. Kum baga, Indikasyon ito ng isang matatag na samahan sa aming apat.
Madalas na naming ginagawa ang pag didinner ng sabay. Mas madalas na kaming pumunta ng Davao ni Jel, ewan ko ba, parang mas malakas na ang loob ko at mas gusto kong palaging kasama si Rose, dahil may kapareho na akong lumalaban ng long-distance.
Madalas din kaming mag trip. Unang gala namin ay sa Coron, Palawan. Sobrang ganda ng mga rock formation, ship wrecks pati na din ang iba’t ibang lagoon na pinangangalagaan ng mga katutubong nakatira dun. Ang masama nga lang eh natusok ako ng sea urchin sa talampakan. Pero okay lang. Gora lang. Masaya naman kami eh.
Sunod naming pinuntahan ay ang Bantayan Island sa Cebu. Ang sarap maglakad lakad sa white sand habang bumubuo kayo ng plano ng mahal mo. Walang katulad ang saya. Yung tipong, sana hindi na matapos ang lakaran. Balewala ang pagod, ang oras parang hindi umaandar. Ang sarap pagmasdan ng mga alon na dumadampi sa mga paa namin. Parang sinasabing kahit malayo kami sa isa’t isa, iisa ang mundong aming tinatapakan, iisa ang buwan na nakikita namin sa langit, at iisa ang alon na aming nilalakbay. Di maipaliwanag ang aking kasiyahan, ate charo.
Marami kaming pinagdaanan na apat. Sa problema, kami kami lang din ang nag papalakas ng loob ng isa. Halimbawa may away sina Jel at Ruel, Obligasyon namin ni Rose na pag batiin sila. Ganun din naman sila samin. Ganun po kami ka lapit sa isa’t isa, ate charo.
Hanggang sa isang araw. Ang kinaugalian namin ni Rose na mag palitan ng mensahe at magtawagan sa telepono ay parang unti unting nawawala. Na-bu-burnout kung baga? Hindi ko naman sinisisi kay Rose lahat. Ako din, may pagkukulang, dahil nga busy sa trabaho at mejo mahal din kasi bumyahe ng bumyahe.
Ganun po pala nag uumpisa mawala ang pagibig sa isa’t isa, ate charo. Ang mga maliliit na bagay muna ang nawawala hanggang sa pag nag laon, pati na din ang mga bagay na sobrang importante eh binabaliwala na.
Oo, anjan si Jel para paginhawain ang nararamdaman ko. Pero sya rin ay may nararanasang problema kay Ruel.
Hindi ko alam kung nagkataon lang pero parang napa-upo kami ni Jel sa parehas na parehas na sitwasyon. Ganun din pala si Ruel sa kanya. Hindi na nag tetext, hindi na tumatawag, madalas na ang away.
Wala kaming magawa ni Jel kundi tumunganga at magpalakasan ng loob sa mga sitwasyon. Hanggang sa nangyari ang di inaasahan.
Nag text sa akin si Rose, luluwas daw sya ng Maynila. May gusto daw syang sabihin saaking mahalaga at sobrang importante.
Natuwa naman po ako, ate charo. Pagkakataon na ito para makabawi sa panahon at oras na hindi kami magkasama.
Magkikita daw kami sa Dusit Thani Hotel jan sa may Ayala. Hindi na sya nag pasundo sa airport dahil alam nyang may trabaho daw ako. Pero sa totoo lang, ate charo, handa ko namang iwan ang trabaho ko para sunduin sya eh. Pero sinunod ko na lang ang sinabi nya.
Dun pa lang ay may masama na akong hinala sa mga mangyayari.
Pagkatapos ng shift ko. Agad akong nagmaneho papunta ng hotel. Excited pa nga po ako nun, ate charo. Miss na miss ko na sya. Si Rose, ang buhay ko. Makikita ko na syang muli. Sa pagkakataong ito, babawi talaga ako. — sabi ko sa sarili ko.
Pag dating ko ng lobby, Nagulat ako at nakita ko si Jel na naghihintay din. Agad ko syang tinapik at tinanong kung anong ginagawa nya sa lugar na yon.
Sabi nya, magkikita daw sila ni Ruel.
Ate charo, Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nung mga panahong ‘yon. Masama na talaga ang hinala ko sa mga susunod pang mangyayari.
Hindi ko na nasabi kay Jel kung ano ang pakay ko sa Hotel na ‘yon. Dahil nakita ko na si Rose at si Ruel. Magkasabay na lumabas sa elevator.
Nagkamustahan muna kami bago tumungo sa Hapag kainan ng Hotel.
Pinipilit ko pa nga po mag biro at ngumiti, ate charo. Para lang matakpan ang mga hinala kong alam ko sa sarili ko na tama.
Tahimik kaming apat sa hapag. Pinilit ko uling mag simula ng usapan pero wala. Naputol ang pagke-kwento ko nang bigla na lang umiyak si Rose.
Agad ko namang tinanong kung bakit sya napahagulgol. May mali ba sa mga nasabi ko? Nakakaiyak ba ang kwento ko? Hindi naman, ate charo.
Agad naman syang niyakap ni Ruel, at si Rose naman, agad din namang itinukod ang ulo sa mga balikat nya.
Bakas sa itsura namin ni Jel ang pagkagulat.
Pero pinili naming huwag nang magsalita.
Biglang nagsalita si Ruel.
Sorry. Sorry sa inyong dalawa. Hindi namin sinasadya. – Wika ni Ruel.
Naguluhan kaming dalawa ni Jel lalo.
Magsasalita na sana ako ng biglang isiningit ni Rose ang mga katagang — Mahal ko si Ruel, Nagmamahalan kami. Pasensya na Ber. Pinilit kong wag ‘to maramdaman pero… — Lahat ng ‘yan, sinabi nya habang lumuluha.
Nag bibiro ka lang Rose diba? Ruel? Sabihin mo nag bibiro lang sya. — Tanong ni Jel na halatang nangingilid na ang luha sa mga mata.
Pasensya na. Pasensya na. — Salitang lumabas sa mga bibig ni Ruel.
Tuluyan nang lumuha si Jel at umalis ng Hotel.
Ako, Hindi ko na namalayan ang Sarili kong tumayo at lumabas. Kumuha ng sigarilyo at pilit sinisindihan pero hindi sumisindi dahil wala sa katinuan ang aking buong pagkatao. Naramdaman ko na din ang luha sa gilid ng aking mga pisngi, ate charo.
Hindi ko na kayang bumalik sa loob o tignan man lang sila. Basta na lang akong nagmaneho palayo.
Hindi ako umuwi ng bahay, ate charo. Nagpalipas ako ng oras sa daan.
Maneho ng maneho ng maneho ng maneho. Mag maneho hangga’t may lupa. Tumakas sa pamamagitan ng paglalakbay kung saan walang nakakaalam, kahit ako hindi ko alam, kahit sino, kahit ano. Gusto ko nang tapusin ang lahat, Ang maglakbay sa kabilang buhay, ate charo. Hanggang sa unti unting bumigat ang aking mga mata at tuluyan nang humimlay.
Kinabukasan ay nagising ako ng init ng araw. Patay na ang kotse, wala nang gasolina. Pero pinilit ko pa ding umuwi.
Ilang araw akong nagkulong sa aking kwarto. Hindi ako nagpapapasok sa trabaho. Nakikibalita pa din naman ako kay Jel kung ano na ang nangyari sa kanya. Pero kahit ako, hindi ko sya ma-contact.
Ilang buwan ang lumipas bago ako natauhan sa mga pinaggagagawa ko sa buhay ko. Gusto kong ibalik ang dating buhay na meron ako. Kahit paunti unti. Kahit mahirap.
Hindi dapat palaging tumatakbo sa mga problema. May araw din na magigising ka at sasabihin mo sa sarili mo — tama na. Gusto ko nang umalis sa pagkakadapa. Piliting tumayo at maglakad. At kalaunan ay tumakbo ulit kagaya ng dati.
Pumasok na ulit ako sa trabaho, pero itong si Jel, hindi pa rin nya makayanan ang mga nangyari. Kaya minabuti kong kausapin sya at paginhawain ang nararamdaman nya. Obligasyon ko yon dati pa. Kailangan naming sumulong.
Kinabukasan ay pumasok na rin sa trabaho si Jel. Bakas pa rin naman ang lunkot sa buo nyang pagkatao, pero nakikita ko ang Jel na lumalaban. Ang Jel na nangangarap ng mas maliwanag na kinabukasan. Sya ang naging lakas ko ng loob, ate charo.
Unti unti ay nag tulungan kami para i-angat ang bawat isa. Mas lalo kaming naging malapit. At di naglaon. Hindi namin namalayan pareho na nahuhulog na kami sa isa’t isa.
Oo, andun ang takot, ate charo. Pero ano ba ang magagawa namin? Parehas kaming marupok noong panahong ‘yon. Ang bawat isa ang dahilan namin para magpatuloy. Kaya bakit hindi namin bigyan ng chansa?
Masaya ang aming pagiging magkasintahan ni Jel. Mas madali na ngayon dahil hindi na long-distance ang sitwasyon. Nagkikita kami kung kailan namin gusto, Nanunuod kami ng sine kung kailan namin gusto, Nag didinner kami kung kailan namin gusto.
Hindi kami hinahadlangan ng oras at ng lugar. Malaya kaming nagmamahalan. Masasabi ko pong mas masaya ang aming pagsasama kumpara sa pagsasama namin ni R0se.
Kaya lang hindi ko akalaing hindi magiging para sa akin ang ending ng istoryang ito.
Isang araw ay bigla na lang nagparamdam si Rose at gustong makipagkita at magusap. Ako, bilang dati nyang nobyo, eh naging mabuting kaibigan at nakinig sa mga sinasabi nya, ate charo.
Marami raw kumplikasyon ang nangyari simula nung nagkahiwalay kami. Kesyo hindi daw sya masaya kay Ruel. Kesyo lagi daw sila nagaaway. Kesyo nakonsensya daw sila sa ginawa nila.
Biruin mo yun, ate charo? May konsensya pa pala sila at lakas ng loob para humarap sakin?
Sa kahulihan, Gusto po nyang makipag balikan sa akin, ate Charo. Ako daw po talaga ang tunay nyang mahal at nagsisisi na sya sa mga ginawa nya.
Awa at pang hihinayang ang naramdaman ko, Ate charo. Masaya na ako kay Jel.
Kaya pasensyahan na lang Rose. Sinaktan mo na ako noon. Ayoko nang masaktan ng ganoon. Kung mangyayari sa’kin ulit ‘yon, baka hindi ko na kayanin at magpakamatay na ako.
Iniwan ko si Rose ng lumuluha. Konsensya? Oo, ate charo. Nakonsensya ako dahil kahit papaano ay may pinagsamahan kami. Pero desidido ako. Mahal ko talaga si Jel kaya ko ‘to gagawin. Mas napagtanto kong mahal na mahal ko si Jel. At handa na akong makasama sya sa habambuhay na paglalakbay ko sa Mundong ito.
Nagflash sa langit ang ngiti nya. Ang mukha nya. Ang tawa nya. Ang mga plano namin sa buhay. Ang mga panibagong trip namin na pupuntahan pa. Ang relasyon namin.
Agad kong tinawagan si Jel pagkatapos ng pagtatagpong ‘yon namin ni Rose. Gusto kong ipaalam sa kanya ang buong istorya. Gusto kong malaman nya, na sya ang pinili ko.
Hindi nya sinasagot ang telepono nya. Kaya minabuti ko nang pumunta ng apartment na tinitirhan nya at ibalita ang lahat.
Nang papalapit na ako ng apartment ay naaaninag ko na ang dalawang taong nag uusap.
Sinilip ko mula sa bintana kung sino ang kausap nya.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Ruel. Hawak ang kamay ni Jel at lumuluha.
Pinili kong manahimik at makinig sa usapan nila.
Gustong makipag balikan ni Ruel kay Jel at napagtanto daw nyang mahal nya si Jel at nagkamali sya nuon. Gayang gaya ng ginawa sa akin ni Rose.
Si Jel? Walang imik. Pero nangingilid na ang luha.
“Pagkatapos mo akong saktan? May lakas ka pa ng loob na magpakita sa’kin? Napaka walang hiya mo! Lumayas ka na! Hindi na kita mahal. Mahal ko si Ber kaya lubayan mo na ako” with matching bato ng figurine na abot kamay lang ni Jel.
– Yan ang iniisip kong sasabihin nya. ‘Ba naman. Tiwala akong mahal naman talaga ako ni Jel eh. Kaya lang hindi. Eto ang tunay nyang sinabi.
“”Pagkatapos mo akong saktan? May lakas ka pa ng loob na magpakita sa’kin? Napaka walang hiya mo!”
Bigla syang hinalikan ni Ruel. Wala nang nagawa si Jel kundi magpaubaya.
“Mahal kita Jel, mahal na mahal.” – wika ni Ruel
“Mahal na mahal din kita Ruel.” – ganting sambit ni Jel.
Ako? Biglang nanghina ang tuhod ko, ate charo. Hindi ko inaasahang ganun ang mangyayari.
Pagkatapos kong tanggihan si Rose dahil mahal ko si Jel, Eh ganun na lang ang iginanti nya sa akin?
Napakawalang hiyang buhay naman nito, ate charo.
Pinagpalit ako ng taong hindi ko pinagpalit. San ka pa?
Hindi ko maisalarawan kung paano ako nasaktan. Kailangan ko ng apat na mata para itagas ang mga luhang nasa loob ko.
Umuwi ako ng bahay nung gabing din ‘yon.
Nabuo ko ang konklusyon, sa paglalakbay mo sa buhay na ito, asahan mo nang palagi kang madadapa. Pipilitin mo pa rin namang tumayo, maglakad at tumakbo ulit. Tuloy lang sa paglalakbay. Di pa naman ito ang finish line eh.
Pero, ate charo. Hanggang konklusyon lang yan. Iba pa rin ang riyalidad. Ang totoo, kapag nadapa ka sa paglalakbay mo. Mas mabuti pang huwag nang tumayo. Mas mabuti pang humiga na lang. At sumuko.
Kagaya ng gagawin ko ngayon, ate charo. Pagkatapos kong isulat ang kwento ko ay babarilin ko na ang sarili ko. Susubukan ko namang maglakbay sa kabilang buhay. Baka mas madali dun.
Sana ay may natutunan kayong aral mula sa kwento ko kahit sa kahulihan ay sumuko na ako.
Nagmamahal at namamaalam,
Berong
– Wakas ng sulat. –
Pahabol:
May bahid ng dugo ang sulat na ito. Naintriga si Ma’am charo sa laman kaya nya binasa at fineature sa MMK.
Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Berong.
WAKAS

ATE CHARO
By Boy Kulot
Maikling Kwento
Source : BoyKulot.com
walang kwenta ang ending!!!
TumugonBurahinwalang kwenta ang ending!!!

TumugonBurahin