Alamat ng Buhangin
Sa isang malayong lugar ay may isang maliit na bayan na kung tawagin ay Malasmas. Ang bayang ito ay hindi gaanong kahali-halina na tila ba napaglipasan na ng panahon sa kadahilanang maliit lamang ito. Hindi abot ng kuryente at may kakulangan sa mga kagamitan.
Ang ikinabubuhay ng mga tao dito ay pangingisda dahil may kalapitan ito sa karagatan. Pero hindi alintana ng mga tao ang kahirapan dahil maganda ang samahan nila - nagtutulungan sila at nagbibigayan.
Ang kahirapan sa lugar na ito ay natuldukan nang dumating ang isang lalaking hindi katandaan, si Buros, na tila ba kumikinang-kinang dahil sa mga alahas na suot nito. Siya ang nagdala ng modernisasyon sa bayan ng Malasmas. Nagkaroon na ng mga makabagong kagamitan at ibang trabaho ang mga mamamayan.
Isang araw ay naisipan na naman niya magpatayo ng isang pabrika na malapit sa dagat ngunit may nagsabi sa kanya na may masamang maidudulot ito sa dagat at sa mga tao dahil sa usok at duming ilalabas nito. Ngunit walang pakialam si Burgos sa ibang tao at ang mahalaga lang sa kanya ay maipatayo iyon upang lalong dumami ang kanyang kayamanan. Balak niyang paalisin ang mga taong nakatira sa lupang pagtatayuan ng pabrika. Hindi iyon ang unang pagkakataon na magpapaalis siya ng mga tao sa kanilang tirahan. At dahil sa kayamanan at kapangyarihan niya ay marami siyang kuneksyon kaya hindi mahirap para sa kanya na ang gawin ang mga ganoong bagay. Sa kanyang pananaw, ayos lang na palayasin ang mga tao dahil pwede niyang gawin ang kahit ano dahil malaki ang utang na loob ng mga ito sa kanya dahil bumuti ang pamumuhay nila nang dumating sa bayan ang modernisasyon at dahil na din sa kadahilanang ang tingin niya sa sarili niya ay napakataas at napakamakapangyarihan at mga taong iyon ay maituturing lamang na mga alipin.
At dumating na nga ang araw na sisimulan na ang pagpapagawa nito. Nanlaban ang mga taong bayan at may ilang nasawi dahil sa pagtatanggol sa kanilang lupain at sarili. Sa kasamaang palad ay hindi nagtagumpay ang mga ito. Sila ay pinalayas sa kanilang mga tirahan.
Maya-maya ay may lumapit kay Burgos na isang matandang babae at nagmamakaawang huwag siyang palayasin doon. Lumuhod ito sa harapan niya ngunit pinagtabuyan siya nito, hinamak at dinuro. Tumalikod si Burgos at sa muling pagtingin niya sa matandang babae ay bigla na lamang itong nagliwanag at nagbagong anyo. Isang nagliliwanag na magandang diwata ang kaniyang nakita. Pinarusahan siya ng diwata dahil nagalit ito sa kanya dahil mapagmataas siya at nantatapak ng ibang tao. Ikinumpas niya ang kanyang kamay. Biglang lumakas ang hangin at nadala si Burgos nito. Unti-unting nag-iba ang anyo niya at naging maliliit na butil. Mula noon ang katawan ni Burgos na nadala ng hangin at naging mga butil ay tinawag na buhangin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento