Kapalaran sa 2012 : GEMINI

Gemini
May 21 - Jun 20

Kapalaran sa 2012 Horoscope GEMINI Zodiac Signs
Maraming sorpresa at pagbabagong mararanasan ang gemini sa taong 2012. Isa na dito ang birthday party na hindi pwedeng matuloy dahil sa walang pupunta.

Isang OFW ang magbibigay ng masuwerteng opportunidad sa hanapbuhay dahil sa ma-dedengoy mo siya.

Ang creative talent kagaya ng pagsusulat ay mailalabas at maghahatid ng tagumpay sa taong ito. Subukan mo mag-vandal sa pader ng mga kapitbahay. Isulat sa pader ang mga naiisip mo na alam mo makakatulong sa pag-unlad ng bayan. Try mo din mag-vandal sa loob ng C.R. ng SM at isulat ang cell number dahil dito mo matatagpuan ang wagas na pag-ibig.

Magiging masigla ang buhay sa buwan ng July. At sa buwan din na ito babalik ang katamlayan sa buhay kaya iwasan ang buwan na ito.

Iwasan ang kalusugan lalo na ang puso at ang almoranas.

Maayos na matutupad ang pinapangarap na paglalakbay kaso lang within the area mo lang.

Maghahatid ng suwerte ang mga numerong 3,9,,13,21,27 at 32


Gemini
Kapalaran sa 2012
Hango sa mga nakita ni Willy Garte




Ano ang kapalaran mo sa taong 2012?














Walang komento:

Mag-post ng isang Komento