Kapalaran sa 2012 : CANCER

Cancer
Jun 21 - Jul 22

Kapalaran sa 2012 CANCER Horoscope Zodiac Signs
Dream come true para sa cancer (kailangan pabor ito sa akin kasi horoscope ko ito! Ang kumontra pangit!).  Magiging maayos ang Career. Subukan ang showbiz dahil malamng dito ka nalilinya. Maaliwalas ang taon na ito para mag-invest. Huwag magtangkang pumasok sa illegal na aktibidad sa kagustuhan kumita na malaking halaga dahil baka yumamam ka at makalimot ka na sa iba.

Iwasan ang mga taong pangit dahil ito ang magdudulot sayo ng stress at baka maapektuhan ang iyong bangs. Madalas makakaramdam ng nerbiyos at makatulong ang self-acupuncture gamit ang mga karayom ni nanay. Try mo din ito sa mata,iwasan lang paduguin.

Sa isang party o event makikilala mo ang inyong magiging katulong na si Inday.

Mahalaga din pag-aralan ang art of listening. Magiging maganda din kung kaya mo ito papasukin sa kabilang tenga at palabasin sa ilong ang lahat ng sinasabi ng kausap mo.Magtiwala sa Diyos. Kailangan ng ma-develop ang relasyon mo sa kanya dahil mukhang naliligaw ka na ng landas.

Maghahatid ng suwerte sa Cancer ang numerong 1,11,21,33,44 at 47


CANCER
Kapalaran sa 2012
Hango sa mga nakita ni Willy Garte




Ano ang kapalaran mo sa taong 2012?














Walang komento:

Mag-post ng isang Komento