Nangulit ang katanungan sa taas nang makilala ko ang bago kong kaibigang si Baleleng. Siya ay 18 taong gulang at isang dalaga. Nakilala ko siya bilang isang masayahing bata sa may tindahan. Pakiwari ko sa kanyang pananalita ay mas matanda pa siya sa akin, sa kanyang karanasan at sa kanyang maturity.
Nang sumama ako sa kanya napag-alaman kong sa murang edad ay hindi man lamang siya nakatungtong ng pag-aaral. Naglalakad kami at nagkukwentuhan sa daan. Hanggang sa napagod. Kaya umupo kami sa may isang malaking bato na nasa tabi ng daan. Maraming mga sasakyan na dumadaan. Dahil nga sa napahanga ako sa aking bagong nakilala ay hindi ko man lang napansin ang mga taong nakasakay sa mga sasakyan. Pero nakikita ko sila na para bang kumakaway sa aming dalawa.
Hindi naman sa na love at first sight ako sa aking bagong kaibigan, kung hindi ay talagang napahanga lang ako sa kanya. Ewan ko bah! Pangiti-ngiti pa nga ako sa kanya na tila parang nakatingin sa mga paru-paru sa aming bakuran. Sabay tawa, pa smile-smile hehe. Of course, dahil sa cute raw ang mga dimples ko ay kailangan ko talagang ipakita ang asset ko. Para bang nagpapaimpres sa kanya. Hehe nakakahiya naman. Hehe
Oo nga pala, si Baleleng ay isang katutubo na nakatira sa Manolo Fortich. Isang grupo ng mga katutubo sa Bukidnon. Ngunit kapag tingnan mo si Baleleng ay parang hindi mo aakalain na isang katutubo. Hehe nagulat kayo noh?
Ok balik tayo sa aming kwento. Isinalaysay niya ang kanyang buhay sa akin. Naantig naman ako sa kanyang sinabi. Naawa at nagagalit sa taong umaabuso sa kanya at sa kanilang mga ka-tribu.
Imbes na nag-aaral, imbes na nakapagaral, imbes na nag-iisip ng kinabukasan, hindi edukasyon ang kanyang namana sa kaniyang pamilya. Namana niya ang pinaglalaban ang pinagpipilitang karapatang kanila naman talaga subalit kinakamkam ng iilan. Mga mayayamang tao na hindi naman taga roon sa kanila. Dahil sa may mga pera ay nakuha nila ang mga lupa na para sa kanila. Di ko mapigilang manlambot at maiyak sa kanyang salaysay.
Isa lamang sila sa mga katutubong pinagkaitan ng mga mayayamang tao sa ating bansa.
Sa pakikipag-usap ko sa kanya ay napatingin naman ako sa mga taong dumadaan. Hmmm hindi ko alam kung bakit lahat sila ay parang may gustong sabihin sa aming dalawa. Binalewala ko na lamang kasi sa buong akala ko’y naiinggit lamang sila sa aming dalawa.
Hindi mo naman tipong ikakahiya si Baleleng dahil sa hindi naman siya mukhang katutubo. Hehe. Ah basta maganda siya. Sa tingin ko ay hindi siya puro katutubo, kung baga half o mixed blood siya. Siguro ang ama niya ay katutubo at ang kanyang ina ay hindi
Dahil sa medyo mainit na ang panahon at ako may palaging dala-dalang payong sa bag (Boy scout daw! Hehe). Kinuha ko ito at amin itong pinagsasaluhan habang nakaupo sa may malaking bato na nasa gilid lang ng daan.
Napatingin na naman ako sa mga taong dumadaan. Ewan ko ba kung bakit parang mayroon silang gustong sabihin sa aming dalawa.
Kaya ay ipinagpatuloy na lang naming ang aming paglalakad. Ihahatid ko siya sa kanilang bahay dahil ako’y isang gentleman. Hehe.
Nang nakarating na kami sa kanilang bahay. Ang kanilang lugar ay walang tao. Napakatahimik naman. Hindi naman ako natatakot dahil sa alam kong walang multo na lalabas tuwing tanghali. Gusto niya na sumama ako sa kanya sa loob. Medyo kinabahan ako dahil nga sa walang tao sa aming paligid.
Napahanga ako sa kanila kasi first time kong makapunta sa ganitong uri ng lugar. Nakaupo kaming dalawa sa sahig habang patuloy na nag-uusap. Bigla akong kinabahan dahil sinabi niya na gusto niyang humiga dahil sa masakit ang kanyang ulo at siya’y nagugutom. Pati nga rin ako ay nagugutom rin sa paglalakad. Ginawa pa niyang unan ang aking mga paa. Na parang isang asong napapalibutan ng maraming buto na kakainin.
Nang biglang dumating ang kanyang ina at sabay sabing “Naku dong pasensya ka na sa anak ko.”
“Ha?” sagot ko naman.
“Ay sorry po ma’am. Wala naman po akong masamang balak sa anak mo. Siya pa tong humiga sa aking mga paa. Pasensya po. Wala po talaga akong masamang balak.”
“Alam namin iyon. Ano kasi dong… May pagkabaliw ho yan.”
“Ha? Oh c’mon!” Biglang napa-Ingles yata ako.
“Kaya yan nakahiga ay gutom na kasi iyan. At kung hindi ka naming naabutan ay baka kinagat ka na niya. Kapag gutom iyan ay nangangagat iyan ng tao. Kaya nga lahat kami dito at pati na ang mga kapitbahay namin ay sama-samang naghahanap sa kanya. Dahil hindi naming gusto na may mabibiktima siyang tao.”
Dagdag pa ng ina niya na, “Pagkatapos naming kumain ng almusal ay hindi namin namalayan kung saan siya pumunta. Kapag gutom na iyan ay saka na siya nagiging baliw.”
Nang marinig ko iyon ay bigla akong tumakbo papalayo sa kanila. Natakot at nabigla.
Tang-ina! Kaya pala hindi siya nakapag-aral ay dahil sa kanyang karamdaman. Bigla ko na lang naalala ang lahat ng taong nakakita sa aming dalawa, noong nakaupo kami sa may malaking bato ay para bang may gustong sabihin.
Iyon na pala ang ibig nilang sabihin…. Na baliw ang kasama kong babae.
BALELENG
ni Mark Anthony V. Obsioma
Maikling Kwento
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento