Kapalaran sa 2012 : LEO

Leo
Jul 23 - Aug 22

Kapalaran sa 2012 Horoscope LEO Zodiac Sign
Tuloy-tuloy at walang balakid ang pagdating ng masusuwerteng pangyayari. May surpise money na makukuha mula sa isang investment. Pero ang masakit nito mahahawakan mo lang ito ng isang oras dahil hindi pala ito sa’yo. Maaring makatangap ng pamana mula sa taong nagmamahal sa iyo pero naka PDC 10 years pa ito.

Maaring makaranas ng chronic disease sa taong ito. May tendensiyang mapabayaan ang personal hygiene na magiging sanhi ng iyong pagka- taong grasa pag hindi maagapan. Huwag hayaan ang sarili na maging abusado sa pag-inom ng alcohol, magsama ka pag-iinom ka!
Ang mga paglalakbay na may kinalaman sa negosyo tulad ng mga promo ng sabon at pamatay peste ay magiging tagumpay na profession.

Maghahatid ng Suwerte ang mga numerong 10, 15,25,35,45 at 47


Leo
Kapalaran sa 2012
Hango sa mga nakita ni Willy Garte




Ano ang kapalaran mo sa taong 2012?














Walang komento:

Mag-post ng isang Komento