Kapalaran sa 2012 : ARIES

ARIES
Mar 21 - Apr 19

Kapalaran sa 2012 Horoscope ARIES Zodiac Signs 2012
Sa taong ito ay maraming matutuklasan ang mga Aries.  Isa sa matutuklasan mo ay ang paghabi ng abaca na siyang magiging trabaho mo sa ka-Bikolan. May isang taong tutulong sayo para sa iyong pagbabagong buhay at yan si Mr. Bean.

May mga taong makikilala sa social events pero kailangan mo ito iwasan dahil karamihan sa kanila ay mga urban poor at uutaangan ka lang. Ngayong taon na ito ang tamang panahon upang magdesisyon tungkol sa career at hanapbuhay.  Ngayon mo matatamo ang inaasahang promosyon sa trabaho pero babawiin din sa iyo ito kinabukasan dahil sa na wrong send lang ang boss mo.

Mahalaga na mag-aral ang Aries ng stress management upang maiwasan ang mga pagtatalo na maaring mauwi sa pisikal na pakikipag-away. Pero bago mag aral ng stress management kailangan mag enroll ka muna sa kahit na anong martial-arts para kung sakaling hindi ka na makapagtimpi eh’ mabilis kang makakapag-flying kick. Mag-aral ka din ng Taichi. Kumain ng Kimchi at Oishi para mapanatiling malusog ang pangangatawan.

Kung maitatama ang mga nagawang kamalian sa pag-ibig ay huwag mo na lang ituloy, masasaktan at mapapahiya ka lang. Ang dati mong minamahal ay magmumukhang pera at kwa-kwartahan ka lang. Umiibig na lang sa tulad ni Budoy, tiyak ang pag-ibig ay magiging wagas.

Maghahatid ng swerte sa aries ang numerong 8,16,27,29,33,39 ngayong 2012

ARIES
Kapalaran sa 2012
Hango sa mga nakita ni Willy Garte



Ano ang kapalaran mo sa taong 2012?














Walang komento:

Mag-post ng isang Komento