Maikling Kwento: Sa Panaginip Lang Pala
ni Anthony P. Barnedo
Tuwang tuwa ako. Busog na busog ang mga mata ko. Ramdam ko ang lamig ng hangin. Ang ganda ng karagatan. Ang sikat ng araw. Ang maputing buhangin. Ang kulay na asul na tubig.
Tatakbo ako. Lalangoy ako. Maglalaro ako. Magpapakasaya ako. Magsasaya ako…
…hangang mamaya maya, biglang dumilim ang kapaligiran ko.
Nakabaluktot ako sa isang maiksing kumot. Ramdam ko nga ang lamig ng hangin na nagmumula sa karagatang malapit sa aming barung-barong. Hanggang mamaya maya pa’t naramdaman kong bumangon ang aking ina. Nilamon ng liwanag ng gasera ang kadiliman ng aming tahanan. Mamaya maya pa’t namatay ang liwanag dahil sa lakas ng hangin. Mamaya maya ulit ay lumiwanag na naman sa isang kiskis lang ng posporo. Didilim muli. Liliwanag. Nagpatay sindi. Hanggang sa wakas ay makahanap ang aking inang si Alona ng panangga sa malakas na hangin.
Nanatili akong nakahiga sa isang sulok ng aming barung-barong. Hindi ako kumikilos ngunit buhay na buhay ang aking diwa. Tantiya ko’y malayo pa ang umaga. Hindi ko pa kailangan ang bumangon. Hindi pa kailangan ang kumilos ng aking katawan upang maghanap ng mapag-kakaperahan.
Maya maya pa’y naramdaman ko ang isang malakas na hangin. Muling namatay ang apoy sa nag-iisa naming gasera. Naramdaman kong may bumangon. At muling lumiwanag ang loob ng aming barung-barong.
Gising na pala ang aking kuya Jernald. “Nay, anong oras na kaya?” habang naghihikab pa itong nagtatanong sa aming ina.
“Alas dos na siguro.” sagot ni nanay.
“Nay, ang lakas ng hangin ‘no?” sumilip pa si kuya sa awang ng pinto ng aming barung-barong. “Nay, mukhang uulan pa ‘ata.” Sabi pa ni kuya.
“Mukha ngang may bagyo. At kapag lumakas ang hangin at ulan, lilipat tayo sa kapilya para magpalipas ng magdamag.”
“Bakit po ‘nay?”
“Delikado dito, kung may bagyo talaga.”
Nanatili pa rin akong nakahiga. Ito kaya ang pinaka-gusto ko sa buong araw. Pagkatapos ng maghapong pagkabilad sa araw, wala ng iba pang gugustuhin ko kundi ilapat ang aking likod sa sahig na kawayan at ipikit ang aking mga mata.
Ngunit kahit anong pilit na pagpikit ang aking gawin ay ginugulo ito ng ingay ng unti-unting papalakas na ulan.
May bagyo nga siguro. Ngunit ayokong isipin. Ayoko, kasi mas gusto kong isipin ang pagdating ng trak ng basura na malapit sa pabahay ng Habitat. Gusto ko roong mamalagi kesa mamulot ng kakarampot na sibak sa tabi ng dagat.
Lumalakas nga ang ulan. Ngunit ayoko pa ring isipin na may bagyo. Ayoko, kasi mas gusto ko pang isipin kung ilang kilo ng bakal ang aking masisisid doon sa ilog na papalabas ng Manila bay sa tabi ng pier.
Ayokong isipin ang bagyo kasi mas gusto ko pang isipin ang aking panaginip. Walang nagugutom, walang pangit, walang marumi, lahat naaayon sa gusto ko.
Maya maya pa’t tila humina ang ulan ngunit ang hangin ay patuloy na lumalakas. May bagyo nga. “E, ano naman ngayon?” naibulalas ng pag-iisip ko.
Matibay kaya ang aming barung-barong. Gawa kaya ito ng aking yumaong ama. Ang aming ama na namatay sa karagatan. Ang aming ama ay pinatay dahil daw sa agawan ng pasahero sa bangka. Mga babaeng menor de edad daw ayon kay ka Jojo, na kaibigang matalik ng aming amang si Angelo. Silang mga pasaherong nagbibigay aliw sa mga tripulante ng nakadaong na barko, malapit sa aming pampang.
Hindi mabubuwal ang aming barung-barong dahil itinayo ito ng aming ama ng buong puso. Pagmamahal na ipinamana niya sa amin sa kanyang pagyao. Kaya ayokong isipin ang bagyo dahil mas gusto kong isipin ang alaala ng aming ama. Ang masayang alaala na sa panaginip ko na lang kayang balikbalikan.
Nakaramdam ako ng galit. Biglang tumulo ang aking luha. Nanikip ang dibdib ko. Hayop ang pumaslang sa aming ama! Ni hindi man lang naparusahan ang hayop na iyon. Sana buwagin ng bagyo ang kanyang tirahan. Sana iganti kami ng bagyo sa aming pangungulila.
Biglang bumuhos ang isang napakalakas na ulan. Napakalas. Napaka-ingay ng lagaslas ng ulan sa aming bubungan. Biglang humiyaw ang kulog kasabay ng pagliwanag ng kidlat. Kinabahan ako. Kakaibang kaba. Tumawag ang aking ina. “Diyos ko po, ‘wag po sana ang aming bahay.” Hindi ko maintindihan ang mensaheng iyon, tila may hindi magandang mangyayari. “Esy! Bumangon ka na diyan.” tawag sa akin ni ina.
Hindi pa sana ako tatayo ngunit napansin kong nag-aalsa balutan na ang aking ina. Si kuya Jernald ay natarantang kunin ang kanyang bag noong nag-aaral pa siya. Pinuno niya ito ng gamit. Napabalikwas ako ng tayo at nagmamadali akong kunin ang aking ilang mga damit sa tukador. Wala kaming kibuan. Kung anong kaya naming buhatin palabas ng aming barung-barong ay aming daladala.
Walang kaabug-abog na lumabas ang aming ina sa aming barung-barong. Kahit malakas ang ulan at hangin ay susuungin namin. Sumunod ang kuya Jernald na may pinakamaraming daladala sa aming tatlo.
Bago ako lumabas ay inabot ko muna ang aking pangkawit ng basura sa bandang itaas ng pinto ng aming barung-barong. Hindi ko pwedeng iwanan ang bagay na iyon, iyon ang aking buhay, iyon ang nagsasalba para makatawid kami sa kahit sa sandaling kaginhawaan.
Nagulantang ako sa aking nasaksihan. Napakadilim ng kalangitan. At kahit napakalakas ng ulan ay tanaw ko ang naglalakihang alon sa karagatan. Sadyang galit na galit ang panahon.
Biglang umalingawngaw ang kulog, kasabay niyon ay ang nagliliwanag na kidlat. Sunod-sunod. At ang liwanag na iyon ang naging gabay ko para masundan ko ang aking kuya jernald.
Nakakailang hakbang pa lang kami ay basang basa na kami sa ulan. Sobrang lamig ng pakiramdam ko. Ngunit di ko pansin iyon, mas kailangan kong makasunod sa aking kuya at nanay Alona. Hanggang biglang pumalo sa aking ang isang malakas na hangin. Muntik na akong mabuwal pero napaglabanan ko ang hangin na iyon.
Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang daan patungo ng kapilya. Bago pa man ako nagpatuloy sa paglalakad ay nilingon ko muna ang direksyon ng aming barung-barong. Nakita kong may nililipad na yero, animo’y nakikipag-sayaw ito sa ulan habang hinahangin.
Nang makarating na kami sa maliit na kapilya ay bumungad sa amin ang nagsisiksikang mga tao. Mga kapitbahay namin. Mga matatandang nanginginig sa ginaw. Mga batang katulad ko. Para kaming mga basang sisiw noong araw na iyon.
Nagpatuloy ang malakas na ulan. Ang malakas na hangin ay dumadampi sa aking balat. Doble ang nararamdaman kong ginaw. Ginaw na sumusuot sa aking kaibuturan. Nakabaluktot ako sa pagkakasalampak ko sa sahig ng kapilya. Nakaupo sa tabi ko ang aking Ina, gayun din ang aking kuya Jernald.
Sadyang napakaingay ng magdamag. Sa lagaslas ng tubig. Sa hampas ng hangin. Sa nagbabanggaang alon. Sa kalampag ng yero. Sa alingawngaw ng kulog. Sa nagkakahulang aso. Sa atungal ng kapitbahay naming sanggol.
Nakaramdam ako ng pagkapagod. Nabalisa ako sa bigla kong pag-iisip ng aming kalagayan. Ganito ba talaga kami? Bakit ganito kami?
Naisip ko. Kelan ba ang huling tungtung ko sa eskwelahan? Noong ako’y grade one… ah… grade two… Sadyang napakabata ko pa para makalimutan ko iyon. Basta ang alam ko, natuto akong magbasa ng abakada at, isulat ang buong pangalan ko at buong pangalan ng mga kapamilya ko.
Biglang naalala ko ang telebisyon ng magarang Baranggay ng aming lugar, at ng minsang makapasok ako doon ng walang nakakapansin. Nakakaaliw kasi naglalakihang gusali at magagandang bahay ang aking napapanood. Kahit hindi ko naiintindihan ang lenggwaheng Inglis at kumukulo na ang aking kalamnan sa gutom ay nabusog naman ang aking diwa at mga mata sa aking napanood.
Sana doon kami nakatira? Sana wala kami dito?
Habang ang aming bahay ay dinidimolis ng kalikasan.
At maya-maya pa, pipikit na ang aking mata. Hanggang tuluyan ng agawin ng aking diwa ng pagod at antok.
Hanggang biglang lumiwanag.
Naghahalakhakan ang mga batang katulad ko.
Napakalinis ng paligid.Napakapayapa.
Tanaw ko ang dulo ng karagatan. Ang ganda ng bahaghari. Ang balangkas ng ulap. Ramdam ko ang simhayo ng hangin. Ang asul na tubig. Ang puting buhangin. Napakalamig sa mata, ang ganda ng kalikasan.
Hanggang ang init ay tumama sa aking balat. Naalimpungatan ako. Iilan na lang kaming nasa loob ng kapilya. Bumangon ako at binaybay ko ang patungo sa baybay ng dagat.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Napakarami ng kalakal na makukuha ko. “Tiba-tiba!” naibulalas ko. Ngunit kung ito’y aking ikatutuwa, paano na ang mga bahay na giniba ng malakas na hangin.
Paano na nga ba ang aming bahay?
Habang papalapit ako sa direksyon ng aming bahay ay nadaanan ko ang pinsalang dulot ng nagdaang bagyo. Di ko mabilang kung ilang bahay ang nasira. Ang hirap bilangin kung ilang pamilya ang nawalan ng tirahan.
Maya-maya pa’y umpukan doon, malapit sa kinatitirikan ng aming bahay.Kaya pala’y may kamera. Aliw na aliw sila sa gwapong reporter ng T.V. Patrol.
May media. Kaya pala’y may anak ng mayor. Nakikidalamhati sa biktima ng sakuna. May dalang ilang supot ng grocery, pagkaing para sa aming nasalanta.
“Thank you po.” banat ng isang aling tuwang-tuwa sa biyayang natanggap.
“Sana araw-araw ganito!” sambit ng binatang nakipagsingitan sa pila.
Lumapit ako kay nanay Alona. Nasa tapat na ako ng nawasak na bahay namin. Ang tubig sa dagat ay ilang dipa na lang ang layo sa aming bahay.
”Dapat na talaga tayong lumipat ng bahay.” si nanay.
“Bakit po inay?” tanong ko.
“kasi…” sumulpot si kuya Jernald sa bandang likuran ko. “…kapag nag-high tide, sigurado aabutin ang bahay natin.”
“Tama.” si ka Jojo na kaibigang matalik ni tatay. “Tulungan mo ang kuya mong maghakot ng mga gamit ninyo, doon nyo dalhin sa bandang likuran ng kabahayan. Doon tayo gagawa ng bahay ninyo para malayo sa dagat.”
“Salamat Jojo.” garalgal ang boses ng aking ina. “Isa ka talagang tunay na kaibigan.”
“Wala namang ibang tutulung sa inyo dito. Malayo pa ang eleksyon, hindi pa tayo kilala ng mga pulitiko.”
Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan ni ka Jojo at ng aking nanay Alona. Basta ang alam ko hindi lang unang beses nangyaring lumipat kami ng aming tirahan. Tanaw ko pa nga ang poste ng huli naming bahay, ngayon ay lilipat na naman kami.
Hindi ko nga alam ang pinag-uusapan nila dahil ang alam ko ay ginagamit lang daw kaming mga taga dito sa tuwing darating ang eleksyon. Kapalit ng grocery, pangakong aayusin ang aming kalagayan at limang daang pisong nakasobre, na minsan ay sikwenta pesos lang ang laman.
Nagmamadali akong maghakot ng mga gamit. mga kahoy at yerong mapapakinabangan pa. Nagmamadali ako dahil sigurado maraming basurang mapapakinabangan pa sa tabi ng dagat.
At hindi nga ako nagkamali.
Pagkatapos kong tumulong kay kuya Jernald ay dumiretso na ako sa tabing dagat. Sandaling oras lang ay napuno agad ng plastik, sibak ang isang sakong dala ko.
Hanggang matanaw ko ang gwapong reporter. Ang kamera ay pilit akong hinahabol. Ang reporter ay nagmamadaling lumapit sa akin, bitbit ang mikropono para kausapin ako.
Napangiti ako ng maalala ko nitong nakaraanng bago magpasko. Sa tabi ng dagat, malapit sa pier habang kinakausap kami ng taga-emergency. Katatapos ko lang sumisid noon. napakaswerte ko ng araw na iyon. Bukod sa dami ng bakal na nasisid ko ay nagkaroon pa ako ng ‘sang supot ng grocery at ‘sang libong piso mula sa reporter ng na kumausap sa akin.
Ibinaba ko ang pasan pasan kong ‘sang sakong kalakal. Sanay na ‘ata ako sa pagharap sa kamera. Sanay na rin akong bulahin ng mga taong gustong alamin kung paano ako nabubuhay. Sanay sa pangako nilang tutulungan kami para maalis sa ganitong kalagayan. Para rin silang mga pulitiko. Basta ba may grocery at kaunting pera para sa aking nanay Alona at kuya Jernald.
Naging mahaba ang usapan namin ng gwapong reporter. Alam na alam ko ang isasagot ko, gayon din kaya ang naging takbo ng usapan namin nila Jessica Suho at Karen Davila.
At natapos na ang pagharap ko sa kamera. Katulad ng inaasahan ko ay binigyan ako ng isang plastic ng grocery at limang daang piso.
Palubog na ang araw. Naibigay ko na kay nanay Alona ang perang ibinigay sa akin ng repoter at napagbentahan ko ng aking kalakal.
Tuwang-tuwa si nanay Alona. Tamang-tama daw iyon sa pagtatayo ng aming bagong tirahan. Tuwang-tuwa rin ako dahil sa perang iyon ay natuwa ang aking nanay.
At sa paglubog nga ng araw ay nakita ko kung gaano kagandang pagmasdan ang itsura nito. Bigla akong nalungkot at nadurog ang aking puso. Naalala ko ang itinanong ng reporter.
“Sa tingin mo ba ay mararanasan mo pa ang masaganang buhay? Ang magkaroon ng malinis na karagatan… Mabangong hangin…”
Napahiga ako sa buhangin.
Bahagyang tumulo ang aking luha sa aking mata.
Ipinikit ko ang mga mata ko.
Alam ko sa aking panaginip, mararanasan ko ang lahat ng iyon.
Sa paglulunsad ng CRP-KPML ng Participatory Action Research (PAR) noong Setyembre,2007. Nabuo ang kwentong ito base sa karanasan ng mga batang manggagawa na nakatira sa Baseco, Port Area, Manila.
Inaalay ko ang maikling kwentong ito sa mga batang manggagawa ng Baseco at sa mga kasama ko sa panahon ng aming pagbaba sa area ng Baseco. Maraming salamat dahil sa sandaling panahong iyon kami ay namulat sa gayong kalagayan.

Sa Panaginip Lang Pala
ni Anthony P. Barnedo
Maikling Kwento
Sa paglulunsad ng CRP-KPML ng Participatory Action Research (PAR) noong Setyembre,2007. Nabuo ang kwentong ito base sa karanasan ng mga batang manggagawa na nakatira sa Baseco, Port Area, Manila.
Inaalay ko ang maikling kwentong ito sa mga batang manggagawa ng Baseco at sa mga kasama ko sa panahon ng aming pagbaba sa area ng Baseco. Maraming salamat dahil sa sandaling panahong iyon kami ay namulat sa gayong kalagayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento