Malayo ang patay namin, nasa Mindanao, kaya tuwing Todos Los Santos at Araw ng Patay ay nagpapaikot-ikot na lang ako sa Maynila. Masarap ang pakiramdam ng kahit minsan sa isang taon ay walang trapik! Pati traffic lights patay.
"Binuhay" ko ang radyo. (Napangiti ako ng bahagya sa yaman ng bokabularyong Pinoy, at naalala ko yung kwentong may nasunog daw na bahay dahil inutusan ng lola ang isang apo na "sindihan" ang radyo.)
Puro jokes tungkol sa patay ang pinagkatuwaan ng announcer. Kesyo raw may aleng dumalaw sa sementeryo at napansing nakasulat sa puntod ang pangalan ng isa nitong kaklase. "Namatay na pala si Apolinarya? Ano'ng kinamatay?"
"Na-rape ho," kibo naman ng sepulturero.
"Santisima Trinidad! Ganun ba?"
"Ayan ho, o, nakalagay RIP."
Noong dumalas na yung corny, nilipat ko na sa ibang istasyon at mayrong inireport na nag-aaway sa La Loma cemetery dahil sa saranggola! Naasar yata yung pulis sa magkasintahang nagpapalipad ng saranggola at sinita ito. Hanggang sa nagka-initan at ganun na nga, nag-away ang mga husto sa bait at sapat sa gulang.
Tumimo sa loob ko ang pangyayari na parang napaka-profound ek. Sa isang kulturang sobra-sobra ang pagpapahalaga sa mga patay, kapos na kapos naman ang pagpapahalaga sa mga buhay. Pag pinag-usapan natin ang mga patay, lahat ng mabubuting katangian lang ang binabanggit. Napaka-forgiving nga raw natin as a people.
Pero napaka-intolerant at war freak naman din sa mga taong kasama pa nating nabubuhay sa mundong ibabaw. Ang ating mga libingan ng mga mahal sa buhay ay nakabakod, hindi para mag-ingat sa mga patay kundi para mag-ingat sa mga buhay!
At naalala ko ang kasabihang, aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. Ika nga, huwag nang antayin pang pumanaw ang mahal sa buhay bago ipadama ang malasakit. Dahil tiyak na mas matimbang ang limang nakaliligayang kataga na nasabi natin habang sila'y nasa ating piling kaysa limang daang salita at panalanging namumulaklak sa papuri ngayong sila'y wala na.
Syut na syut sa lubak ang kaliwang gulong sa harap ng aking lumang pick-up at ako'y nagising uli sa katotohanan. Binalikan ko ang corny na announcer. Kesyo raw naaksidente itong si Rosanna Roces galing sa Star Awards at pumunta kay San Pedro na suot-suot pa yung suot niyang makapanindig balahibo at iba pa. "A, doon ka sa impyerno, Osang, sorry ha. Pero atin-atin lang, fans mo ako," ang pa-cute ni Pedro sabay himas sa kanyang tandang.
"Aba, hindi pwede! Sa langit ako!"
"Kung talagang para ka sa langit, tatawid ka dito sa tulay na tinatayuan ko papuntang pintuan ng langit. Pag may masama kang isip, ganun din yun, guguho ang inaapakan mo at mahuhulog ka rin sa umaapoy na ilog!"
"A, basta, sa langit ako, tatawid ako sa tulay na iyan!" At tumawid nga itong si Osang sa tulay ng mga banal. Maya-maya may kumalabog, blag! At nahulog si San Pedro.

Aanhin pa ang Damo..
ni Gary Granada
Pasasalamat : www.GaryGranada.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento