Dula : HIMALA - sa panulat ni Ricky Lee
Act 77. Sa Kalsa. Umaga.
Sa burol ay parang karnabal uli. Pero mas malala. Di malaman kung sino ang mas may sakrt, ang mga nakaratay sa tolda, o ang mga nagbabangag sa tabing daan, o ang mga nakikipaghilahan na customers. Paikut-ikot si Aling Pising, kasingdusing pa rin noon pero wala nang kargang anak. Nagbebenta uli ng benditadong tubig si Mrs. Alba at ang Siyete Apostoles. Nagmamando si Baldo sa pila ng mga pasyenteng ayaw makinig. Hinahampas ng init ng araw lahat ng tao pero walang umaalis. Nakalutang sa hangin ang mga problema at dasal.
MAYOR: (Lalapit sa Chief of Police.) Chief, hulihin mo ang sinumang magsalita laban sa Diyos, sa gobyerno, o sa akin.
Tatango ang Chief of Police. May hihintong Mercedes Benz at mapapatingin lahat. Bababa ang isang lalaking kamukhang-kamukha ni Chua, pinapayungan ng driver, marami ring alahas sa katawan.
TAGABARYO: Nabuhay si Chua!
CHIEF DE LA CRUZ: Sino ba ‘yun?
LUCIO: (lalapit at titingin din). Kapatid ho ‘yun ni Chua. Baka isa pa ho ‘yang me sakit din.
Bababa ng tricycle si Orly. Dala pa rin ang kamera. Makikihalo sa gulo ng mga tao. Babalikan ni Baldo ang mga pasyenteng nakapila.
BALDO: O, ‘yung mga may sakit, dito lang. O paraanin ‘yan, paraanin! O kayo d’yan, dito kayo! Lapit!
Sa isang tabi’y magsisiluhuran ang mga tao, magrorosaryo. Kasama sina Lolo Hugo at Mrs. Gonzales.
LOLO HUGO: Nasaan si Bella? Nakita n’yo ba si Bella?
Maninigas si Mrs. Gonzales na parang nagta-trance, gaya ni Elsa. Pagmamasdan siya ng dalawang tinedyer.
TINEDYER 1: Napa’no ‘yan?
TINEDYER 2: Kinakausap ng Birhen!
Tawanan. Parang walang narinig si Mrs. Gonzales. Gagala si Igmeng Bugaw. May hinahanap. Mapapangiti at lalapitan ang isang turistang Puti.
IGMENG BUGAW: Hey, Joe, want some girl?
TURISTA: Yeah? Where?
IGMENG BUGAW: Very pretty. Virgin only.
TURISTA: Sure, where?
Susutsutan ni Igmeng Bugaw si Bella, na ngayo’y seksi na ang ayos at naka-make up.
TURISTA: In green, over there?
IGMENG BUGAW: Yeah.
Lalapit si Bella. Ngingitian ang turista. Aalis silang tatlo. Magsisigawan uli ang mga tao. Pinagpapawisan na sila sa init ng araw at kumakalat ang nakakaliyong kabaliwan.
LALAKI 1: Asan na ba si Elsa? (sisigaw). Elsa! Elsa
MGA TAO: (palakas nang palakas ang sigaw). Elsa! Elsa! Elsa! Elsa!
ALING RISING: (makikisigaw na rin). Elsa! Elsa’ Elsa!
Sa likuran ng entablado sa tabi ng burol ay nagdarasal sina Elsa, Sepa at Aling Saling. Pinupunasan ni Sepa ng pawis si Elsa. Siya na ang pumallt kay Chayong. Matatapos sila at walang mga damdamin sa mukhang lalakad papuntang entablado.
MGA TAO: (patuloy ang sigawan). Elsa! Elsa! Elsa!
Aakyat sl Elsa sa entablado, kasunod si Aling Saling. Lalong magkakagulo ang mga tao, di na ngayon mapigitan. Magsusuguran ang iba papunta sa unahan, dala-dala ang mga rosaryo at panyo at istampltang gustong pahawakan kay Elsa, sumisigaw mula sa kaibuturan ng mga kaluluwa nilang desperado. Haharangin sila ng kordon ng mga pulisat magliliyab ang mga kamera.
Sa entablado, malungkot na pagmamasdan ni Elsa ang lahat. Isang dagat-dagatan sila ng mga mukhang naghihirap at nagugutom, umaasa at nababaliw. Tataas ang mga kamay ni Elsa at tatahimik ang lahat. Sa tagiliran niya’y nakatayo ang malaking imahen ng Mahal na Birhen. Humuhugong na uli ang hangin. Bababa ang kamay ni Elsa’t magsisimula siyang magsaiita.
ELSA: Ipinatawag ko kayong lahat dahil may gusto akong ikumpisal.
Sandaling titigil si Elsa. Maghihintay ang lahat.
ELSA: Nitong mga nakaraang araw, sa loob lamang ng napakaikiing panahon, parang naranasan natin ang pinaghalong langit at impiyerno.
Nag-aalalang pagmamasdan ni Aling Saling ang mga tao. Taimtim na nakikinig ang mga ito. Nakatingala kay Elsa sina Mrs. Gonzales, Lolo Hugo at Bino.
ELSA: Maraming sakit ang gumaling, maraming tao ang bumuti at nagkaroon ng pananampalataya. Pero nakakita rin tayo ng kamatayan, ng epidemya, ng pagpuputa, ng krimen at panloloko.
Mapapalapit si Mrs. Alba.
ELSA: Kapag may masamang nangyayari’y sinisisi natin ang sumpa. Isinumpa ang Cupang. Itinaboy kasi natin ang maysakit noon. Kaya ganoon.
Patuloy na umiihip ang hangin, idlnuduyan ang buhok at damit ni Elsa, hinahampas ang malaking imahen ng Birhen. Nakatutok kay Elsa ang tingin ni Aling Saling.
ELSA: Kapag may mabuti namang nangyayari, sinasabi nating ito’y gawa ng langit. Gawa ng Birhen. Gawa ng himala.
Nakatingin si Sepa.
ELSA: May ipagtatapat ako sa inyo.
Bababa ang kamera ni Orly. Titingnan ni Elsa si Aling Saling. Saka haharap uli sa mga tao.
ELSA: Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat’ Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos!
Walang makakakibo. Walang makakapagsalita.
ELSA: Hindi totoong buntis ako dahil sa himala! Hindi totoong nagpakita sa akin ang Mahal na Birhen! Walang himala! Hindi totoong may himala! Tayo ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos! Walang himala!
Sa umpukan ng mga tao’y tataas ang isang kamay na may baril at bago matapos ni Elsa ang sasabihi’y papailanlang ang isang putok. Pagtama ng bala sa puso ni Elsa’y awtomatikong mapapataas ang kamay niya, mapapaatras siya, at bago siya matumba’y magagaya niya ang anyo ng Birheng may sugat na nakita niya noon sa kanyang mga aparisyon. Masasalo nina Aling Saling at Sepa si Elsa. Kakandungin ni Aling Baling ang anak.
Isang matinis at nakaiulunos na daing ang aahon mula sa mga tao. Magkakagulo. Magtatakbuhan lahat papuntang unahan para malaman kung anong nangyayari. Magkakatapakan, rnagtutulakan. Matutumba ang mga maysakit at magsasamantala ang mga magnanakaw.
Puprotektahan ni Mrs. Alba ang mga bote niya pero babagsakan siya ng mga ito. Mag-iiiyak siya. Madadapa si Lolo Hugo at di makakabangon dahil rumaragasa ang mga paa sa palibot. liwan ng tucistang Puti si Bella.
Makiklta ng Mayor ang lalaking may hawak na baril at tatawagin ang Chief of Police.
MAYOR: Hepe, dakpin mo ang bumaril!
Susundan nila ang lalaki. Mahuhuli at bubugbugin.
CHIEF OF POLICE: Ikaw ang bumaril ano? Ikaw, ano?
Pero ayaw magsalita ng lalaki. Panay lang ang tanggap sa mga bugbog na parang patay na, o kaya’y bangag at wala sa sarili.
Patuloy ang pagkakagulo. Mababagsakan si Igmeng Bugaw ng isang lalaking naka-wheel chair at bubulwak ang dugo sa bibig niya. Magtrtitlli si Aling Pising habang paikut-ikot. Masasabit ang abito ng madre sa isang wheel chair at madadaganan siya. Pinipilit ng paring matulungan ang batang napilay. May tatapak sa natumbang si Lolo Hugo.
Naghihingalong pinagmamasdan ni Elsa ang lahat habang kandong ng umiiyak na si Aling Saiing. Ang lahat ay parang isang panaginip, Isang halusinasyon ng sangkatauhang nagtatakbuha’t naghahalu-halo sa isang walang katapusang larawan ng kapahamakan. Papatak ang luha niya. Ito ang mga kaguluhan at kabaiiwang kanyang pinasimulan Lalapit si Oriy at kukunan si Elsa. May lalabas na bahagyang ngiti sa mga labi ni Elsa, saka pipikit ang mga mata at tuluyang mamamatay. Bababa ang kamera ni Oriy. Mag-iiyakan ang Siyete Apostoles.
BALDO: (sisigaw sa mga tao). Patay na si Elsa!
Sabay-sabay na hagulhol at tili ang aakyat sa langit. Magsusuguran ang mga tao papuntang entablado, isinisigaw ang pangalan ni Elsa.
Bubuhatin nina Baldo ang katawan ni Elsa. Parang lumulutang ang katawan ni Elsa sa dagat ng mga tao habang dinudumog ng mga nagtatangkang makahawak maski man lang sa laylayan ng damit niya, o manggas niya, humahagulgol na para bang ngayo’y nawala nang tuluyan lahat nang pag-asa at iayunin sa buhay.
Umiiyak si Mrs. Gonzales, nagpipilit makalapit. Bitbit-bitbit ang isang tsinelas ni Elsa’y humahagulgol na susunod sa mga tao si Aling Saling.
Pipigilan ni Bino si Sepa.
BINO: Sepa, h’wag ka nang sumunod! Dito ka na lang, ano ka ba?
Pero makakawala si Sepa.
Ipapasok sa ambulansiya ang katawan ni Elsa at aaiis ang ambulansiya.
Magpapatuloy sa paghagulgol ang mga taong naiwan. May mga nakalugmok, may mga nakaluhod. Pagmamasdan ni Sepa ang lahat, saka itataas niya ang mga kamay.
SEPA: Si Elsa’y isang santa! Namatay siya upang ipaalala sa atin na ang mundo ay makasalanan! Magbalik tayong lahat sa burol upang ipagdasal ang kanyang kaluluwa! Kailangang ipagpatuloy natin ang kanyang paniniwala! Itaguyod ang pananampalataya sa Mahal na BIrhen!
Magsusunuran ang mga tao kay Sepa. Mga paang nagmamadali. Mga pusong umaasa uli. Sa gitna ng mga nakatumbang kubol, punit na karatula, wasak na mga saklay at umaagos na dugo’y nakaluhod na aakyat uli sila sa burol, sabay-sabay na nagdarasal.
Makakasalubong nila ang bangkay ni Igmeng Bugaw, buhat-buhat ng ilang kalalakihan. Gayundin ang bangkay ni Lolo Hugo, kasunod ang umiiyak na si Bella at si Bino. Tutulungan ng isang babae si Mrs. Alba para makaakyat sa burol. Hawak-hawak ni Aling Pising ang sugatang ulo habang umiiyak. Nakatingin lang si Orly sa lahat. May konting pagtataka, at pagkaunawa, sa kanyang mukha.
Patuloy ang sabay-sabay na pagdarasal ng mga tao habang ang screen ay unti-unting dumidilim.
MGA TAO: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya … Bukod kang pinagpala sa babaing lahat…
HIMALA
sa panulat ni Ricky Lee
Dula
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento