Mga Bugtong

Ang mga sumusunod ay 15 lamang sa maraming BUGTONG na madalas maririning mula sa ating mga Lolo at Lola.


Nakayuko ang reyna
di nalalaglag ang korona.


BAYABAS







Nakatalikod na ang prinsesa,
mukha niya'y nakaharap pa.

BALIMBING






Ate mo, ate ko,
Ate ng lahat ng tao.

ATIS






May isang prinsesa
nakaupo sa tasa.

KASOY






Nagbibigay na'y
sinasakal pa.

BOTE







May puno walang bunga
may dahon walang sanga.

SANDOK






Mataas kung nakaupo
mababa kung nakatayo.

ASO






Hinila ko ang baging
nag-iingay ang matsing.

KAMPANA






Dalawang batong itim,
malayo ang nararating.

MATA






Buto't balat
lumilipad.

SARANGGOLA






Lumuluha walang mata
lumalakad walang paa.

PLUMA






Eto na ang magkapatid
Nag-uunahang pumanhik.

MGA PAA






Tungkod ni apo
hindi mahipo.

NINGAS NG KANDILA






May Bintana ngunit walang bubungan, may pinto ngunit walang hagdanan
KUMPISALAN




Maliit pa si Kumare, marunong ng humuni
KULIGLIG

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento