Alamat ng Niyog

Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak.

Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahihirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito.


Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: “Sino na ang magapakain sa amin?” tanong ng pinakamatandang anak.

“Sino na ang mag-aalaga sa amin?” tanong ng ikalawang anak.

“Sino na ang maglalaba n gating damit?” tanong ng ikatlong anak.

Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya’y maganda at maputi.

“Huwag na kayong umiyak,” sabi niya. “Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at maghintay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw.

Biglang nawala ang maputi at magandang babae. Akala ng mga bata ay nananaginip lang sila.

Sumunod sampung mababait na mga bata. Pagkalibing sa ina nila, binantayan nila ang libing araw at gabi at pagkatapos ng sandaling panahon ay may nakita na nga silang isang halaman na tumubo.

Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging isang mataas na puno. Nagtaka ang mga bata dahil sa taas ng puno at sa dami ng bunga nito.

“Marahil aakyatin ko na lamang itong puno,” sabi ng pinakamatanda at dali-dali siyang umakyak at pumitas ng bunga.

“Mga ulo ninyo,” ang sigaw niyang babala sa itaas. “Ibabagsak ko ito at buksan ninyo.”

Nang biyakin ng ikalawang anak ang bunga, nakita nilang may tubig ito.

“Naku! Ang puti at ang tamis ng tubig,” sabi nila. Tinikman nila ang laman at ang nasabi ay: “Ang puti at kay sarap naman ng lasa ng bungang ito,” ang wika ng ikaapat na anak.

Naghulog pa ng maraming bunga ang batang umakyak sa itaas ng puno.

Nagkainan at nag-inuman at ngayon nakita nila na di nga sila magugutom pang muli. Ang mga bungang iyon ay kauna-unahang niyog dito sa daigdig.


ALAMAT NG NIYOG




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento