Mga Salawikain ( July 2011)

Heto ang 10 SALAWIKAIN para sa buwan ng Hulyo.


Ang kawayan habang tumutubo
Langit na mataas ang itinuturo;
Pag ito ay lumaki at saka lumago,
Sa lupang mabababa, doon yumuyuko.






Mabisa ang pakiusap na marahan kaysa sa utos na pahiyaw.








Ang masamang wika, pagtama sa tao’y nagsisilbing pasa.








Sa pulutong ng bulag, ang maghahari ay ang pisak.








May matandang bata pa at may batang matanda na.









Walang palayok na walang kasukat na tungtong.








Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.








Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.








Yamang kinita sa tubig, sa tubig din magbabalik.








Ang nanghihingi di dapat mamili; ang nagpapalimos lamang, di dapat maging pihikan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento