DR. JOSE RIZAL

Bayani nga Pilipinas Dr Jose Rizal Mga Alamat Epiko Bugtong Tula Pabula Salawikain
Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Dalawang kilalang nobela ang sinulat niya - ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang kawalang-katarungan at pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino. Binigyang-diin din niya ang pag-ibig sa bayan at ang kinakailangang kalayaan ng ating bansa. Hindi naibigan ng mga Kastila ang isinulat niya kaya't ikinulong siya at binaril sa Bagumbayan. Rizal Park o Luneta na ang tawag ngayon sa Bagumbayan.
Bata pa lamang si Rizal ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Tatlong taong gilang pa lamang siya nang matutong bumasa. Kartilya ang kanyang unang aklat na may mga alpabeto at dasal. Kinagigiliwan niyang makinig sa kanyang ina habang tinuturuan nito ang kanyang mga kapatid.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento