SI BIUAG AT MALANA (Epiko ng Cagayan)

Ano ang alamat ng dalawang bundok na matatagpuan sa tabing ilog na Matalag?

Ang kuwentong ito ay tanyag sa mga Ibanag. Ito ay may kaugnayan sa dalawang matitikas na binata may daang taon na ang nakakaraan. Sa Nangalauatan, isang nayon sa Rizal ang dako na pinaglabanan nina Biuag at Malana, doon makikita hanggang sa ngayon ang dalawang bundok kung saan naghamok ang dalawa dahil sa nadaramang pagmamahal ng isang magandang dilag.


Si Biuag ay katutubo ng Enrile, ang pinakatimog na bahagi ng Cagayan. Noong siya’y isinilang, isang di pangkaraniwang dalaga ang dumalaw, at sa pagkakabatid ng ina, ito ay isang diyosa. Ang ina ay nanikluhod at nagmakaawang pagkalooban ng mahabang buhay ang kaniyang anak.

Hindi umimik ang diyosa, at sa halip, itinali ang tatlong maliliit na bato sa leeg ng bata. Diumano ang isa nito ay magiging sanggalang niya sa masasama. Minsan siya ay nahulog ngunit hindi man lamang ito nasasaktan. Nang siya’y lumaki sinubukan niyang lumangoy sa ilog na tinitirahan ng mga buwaya, subalit walang nangyari sa kanya.

Ang dalawang bato ay bagbigay sa kanya ng kakaibang lakas at bilis. Nagagawa niyang maging mas mabilis pa sa hangin. Nang siya ay maglalabing-dalawang taong gulang, kamangha-manghang naihahagis niya ang buong kalabaw sa kanilang burol. May kakayahan siyang bunutin ang isang punungkahoy sa tulong lamang ng kanyang mga kamay, na wari mo’y damo lamang. Dahil sa taglay na kapangyarihan nito, siya ay dinayo ng mga tao at sinamba.

Kahit na makapangyarihan si Biuag, siya ay hindi maligaya. Natutuhan niyang mahalin ang isang dalagang tubong Tuao, isang bayan sa Cagayan. Kung sino ang dalaga ay wala ni isa man ang nakakaalam. Maging ang kanyang pinagmulan ay hindi nila malaman. Gustuhin man ni Biuag na limutin ang dalaga ay hindi makakasama ang dilag habangbuhay.

Noon din ay may isang balita ng Malaueg, Rizal, na may isang binata rin katulad ng pagkatao ni Biuag. Siya ay si Malana. Nong siya’y labing-walong taong gulang, nagkaroon ng bagyo sa Malaueg, at ito’y nagdulot ng gutom sa mga tao. Ang tanging inaasahang lugar na pagkukunan ng pagkain ay ang Sto. Niño na malayung-malayo sa kanila. At kinakailangan pang tumawid ng ilog na tinitirhan ng maraming buwaya.

Bunga nito, si Malana ay gumawa ng paraan. Naglakbay siya hanggang marating ang Sto. Niño, at sa kanyang paglalakbay ay ipinagdasal ng mga tao ang kanyang tagumpay.

Nang siya’y makabalik, marami siyang dalang bigas, nagbunyi ang mga tao alam nilang hindi sila magugutom. Matapos niyang maipamahagi ang mga bigas ay nagpasiya na itong umuwi.

Pagdating sa kanilang bahay ay isang pana ang nakita ni Malana. Ang buong pag-aakala niya ay ang kanyang Ama ang gumawa dito. Dinampot niya ito at ibinato sa hangin, subalit ito ay bumalik sa kanya. Namangha siya dahil sa dulo nito ay may dalawang batong tulad ng kay Biuag.

Nakarating sa kaalaman ni Biuag ang pagsamba ng mga tao kay Malana. Ipinagwalang-bahala ito ni Biuag dahil ang nasa isipan niya’y ang napakagandang dalaga.

Isang araw dinalaw niya ang dalaga. Nakiusap itong hingin ang kanyang kamay upang pakasalan siya. Ngunit binigo niya si Biuag at sinabi niyang si Malana ang kanyang tanging minamahal.

Nagpanting ang tainga ni Biuag sa narinig. Hindi niya ito tatanggapin. Nagsabi siyang hindi karapat-dapat si Malana para sa kanya, dako ng kinaroroonan ni Malana. Dinampot ni Malana ang pana. Tanda ng pagsang-ayon sa hamon ni Biuag.
Sumapit ang takdang araw ng kanilang labanan. Ang mga bundok ay napaligiran ng mga taong nais sumaksi sa paghahamok na iyon ng dalawa. Sa may di-kalayuan ay ang taga-Malaueg ang dumating. Sa unahan ay ang matikas at matipunong si Malana. Nang makita si Biuag, siyan’y nanggalaiti sa matinding galit. Naunang nagsalita si Malana, Alam ko na kung bakit mo ako hinahamon, sabi ni Malana. Ibig mong agawin ang minamahal ko. Ipinagbabawal ng Diyos ang pag-agaw na kahit ano na hindi mo pag-aari. Subalit tinatanggap ko ang hamon mo. Kung nanaisin ng dalagang minamahal ko ay aking ipaglalaban ang pagmamahal ko.

Si Biuag ay sinamahan ng mga taga-Enrile. Siya’y nakatayo sa kabilang bundok tangan ang pana’t isang punong niyog na binunot. Dinig na dinig niya ang malakas na sigaw ng taga-Malaueg para kay Malana. Sa isip niya’y gusto niyang patayin lahat ang mga tao ni Malana.

Si Malana naman ay nasa kabilang bundok. Sa kanilang kinalalagyan sa tuktok ng mga kapwa napansin nila ang pagdating ng isang bangkang tumatawid sa pagitang ng dalawang bundok na lulan ang dalagang pinag-aawayan. Nalungkot ang dalaga sa mga nagaganap. Subalit sa tingin ng dalawang magtutuos ay sadyang napakaganda ng dalaga.

Nang mapatapat ang dalaga sa kanila, biglang sumigaw si Biuag Malana, ang babaing kapwa natin minamahal ay nasa harap natin. Kung sadyang malakas ka ay humanda ka sa aking regalo na nagbuhat pa sa Enrile, dala ko para sa iyo.

Walang sabi-sabing inihagis ni Biuag ang punong niyog kay Malana. Mabilis ang pagsalo ni Malana, at hindi sa kalabaw inihagis ang punong niyog kundi sa dako ng nayong Il-Luro sa bayan ng Rizal.

Pinaniniwalaan na dito nagsisimula ang maraming niyugan sa lugar na iyon.

Lalong nagngitngit sa galit si Biuag. Hinugot ang sibat at gustong ipukol kay Malana na inaasahang sa puso nito tatamaan. Subalit sa kasamaang-palad, ito’y nagmintis. Hindi sa puso ni Malana kundi sa ilog tumama ang sibat.

Humanda ka, matikas na Biuag, sigaw ni Malana. Wala nang lahat ang armas mo. Pagkakataon ko naman ngayon.


Ngunit bago matapos ni Malana ang pagsasPinilit niyang ibuka ang bunganga ng buwaya at hinamon si Malana na lumukso sa ilog.

Tinanggap ni Malana ang hamong iyon ni Biuag. Sa kanyang paglukso mula sa tuktok ng bundok ay sinalubong sa himpapawid ng dalaga si Malana. Ito’y ginawa niya upang hindi mapahamak si Malana. Tiningnan ng dalaga si Biuag at sinabing : Pinatunayan mong isa kang duwag dahil nagpatulong ka sa isang buwaya. Nais kong ipaalam sa iyo, ako ang anak ng diyosang nagkaloob sa iyo ng mga kapangyarihan. Hindi ka karapat-dapat sa mga bigay sa iyo ng aking diyosang Ina.

Sa tulong ng kanyang mahiwagang patpat, ang lahat ng mga taong naroon ay kanyang binasbasan, maging si Malana, pumaimbulong sila sa kalangitan kung saan naroon ang kaharian ng hangin at siya ang mahal sa Reyna. Sa tindi naman ng pagkapahiya, nilunod ni Biuag ang kanyang sarili sa ilog. At siya ay hindi na nasilayan mula noon. Pinaniniwalaan ng mga tagaroon na ang kaluluwa ni Biuag ay namamahay sa dalawang kakatwang bundok ng Il-Luru.

Alita’y biglang lumukso sa ilog sa ibaba si Biuag. Biglang nagkaroon ng malalaking alon na humampas sa malalaking bato at ito ang yumugyog sa bundok na kinatatayuan ni Malana. Nang magpakitang muli si Biuag ay tangan-tangan niya ang pinakamalaking buwaya na siyang ikinamangha ng mga taong sumaksi sa labanang iyon.

SI BIUAG AT MALANA
Epiko ng Cagayan





1 komento: