Ang Pinakamabangis na Hayop sa Gubat

Noong bata pa ang panahon at di pa dumaraong sa ating dalampasigan ang mga Kastila, may isang makapangyarihang sultang namuno sa isang pinakamalaking kaharian sa Lu-sung. Siya ay kinatatakutan ng kanyang mga sakop dahil sa kanyang kalupitan at kaimbihan ng kanyang mga kawal. Siya ay si Raha Sibasib.

Kung gaano kabuhong ang raha gayon naman ang ganda ng anak nitong prinsesa. Bukod sa gandang panloob ay maganda rin ang ugali.Siya ay si Prinsesa Liwayway. Maraming mga Prinsipe, Datu at Sultan sa iba’t ibang kaharian ang nagsasadya sa ama upang hingin ang kanyang kamay.

Noon si Prinsesa Liwayway ay hindi na Malaya sapgka’t ang kanyang puso ay nakatali na sa pangangalaga ng isang mangangaso si Matapang. Siya ay dalita. Ang kanyang tirahan ay isang maliit na dampa sa paanan ng bundok. Siya ay dalubhasa sa paggamit ng pana at busog. Kahit ibong lumilipad sa pawiwirin ay kanyang napaptamaan ng pana sa isang binit lamang.

Sapagka’t si Matapang ay isa lamang alipin hindi siya makatuntong sa loob ng palasyo. Ang magkasintahan ay panakaw na nagtatagpo sa mga liblib na pook. Oras na malaman ng Sultan ang kanilang pag-iibigan iya’y nangangahulugan ng pagtagpas sa ulo ng binata.

Ang napili ng Sultan upang pakasalan ni Prinsesa Liwayway ay anak ni Sultan Mataas na ang kaharian ay karatig ng kay Sibasib hindi nakursunadahan ni Liwayway ang lalaki pagka’t lagpas na sa gulang at pangit. Hindi napagbago ang pagtatangi ni Liwayway kay Matapang bagaman ang binata’y kinasusuklaman ng ama.

Nang ang magkasintahan ay nagtagpo sa pugad ng aliw, sila’y namtaan ng tagasubaybay ng Sultan. Isinumbong nito sa Sultan ang nakita upang siya’y mapuri sa kanyang paglilingkod. Nang malaman ito ni Sultan Sibasib ay ipinatawag niya ang Prinsesa.

“Tunay nga bang kinakatagpo mo si Matapang, ang dukhang mangangaso ng kabundukan?” tanong ng ama.

“Opo, amang Sultan,” sagot ni Liwayway. “Kami po’y nag-iibigan.”

Walang pagsidlan ng galit ang Sultan. “Wala kang turing!” ang sigaw. “Ikaw ay Prinsesa, isang dugong mahal at anak ng pinakamakapangyarihang Sultan. Ipagkakaloob mo ba ang iyong pagmamahal sa isang alipin? Hindi ba sinabi ko sa iyo na ikaw ay akin nang naipagkasundo sa anak ni Raha Mataas? Ikaw ay ipakakasal ko sa kanya sa darating na kabilugan ng buwan!”

“Subalit Ama ko,” ang daing ng Prinsesa. “Ang anak ni Raha Mataas ay napakatanda para sa akin.Siya’y para ko nang ama! Siya’y hindi ko iniibig!”

“Magtigil ka, Liwayway. Hindi mo na muli pang makikita ang lalaking iyan,” at dagling ipinatawag ng Sultan si Atungal ang pinakamabangis na kawal na tribo.

“Atungal,” ang sigaw na pautos, “dalhin mo sa dampa ni Matapang ang iyong mga kaaway. Iligpit mo ang binatang iyon. Patayin mo na parang aso ! Ipakita mo sa akin ang kanyang ulo. Kayo’y aking gagantimpalaan. Kung hindi madala rito ang kanyang ulo ang inyong mga ulo ang kapalit!”




Dumating sa kaalaman ni Liwayway. Palihim na pinuntahan ng Prinsesa si Matapang upang sagipin siya sa panganib.

Nang dumating doon ang Prinsesa si Matapang ay naghuhukay ng mga lamang-ugat sa tabi ng batis. May luhang isinalaysay ng dalaga sa binata ang napipinhtong panganib. Batid nilang dalawa kung ano ang kahahantungan ng bababla.

“Mabuting ikaw ay umalis. Lisanin mo ang lugal na ito!” ang pakiusap ni Liwayway. “Magtago ka sa gubat. Maya maya’y narito na si Atungal at ang kanyang mga kawal. Magmadali hangga’t may panahon!”

Subali’t si Matapang ay ayaw umalis kahit anong gawin pag-ulok ng Prinsesa. Samantalang hinihintay ang pagdating ni Atungal, ang ginwa ni Matapang ay dinukot ang singsing sa kanyang bulsa. Ang singsing na ito’y ibinigay sa kanya ng isang matandang babaeng kanyang iniligtas sa makamandag na ahas sa kagubatan. Nang ipagkaloob ang singsing kay Matapang ang Matanda ay nagtagulilin ng ganito:

“Para sa iyong pusong ginto ang pagkamatulungin, ibinibigay ko ang singsing na ito iya’y makatutulong sa iyo sa mga sandali ng pangangailangan. Ang Diyos ay mabuti sa mga taong may mabuting kalooban. Humingi ka ng anumang kagustuhan at iya’y masusunod.”

Nabatid ng binata na ang singsing ay mahiwaga. Ang liwanag na nagmumula rito ay kumikislap.

Tiningnann mabuti ni Matapang ang singsing. Naalala niya ang tagubilin ng matanda, “Humingi ka ng kahilinga’y at iya’y ipagkakaloob. “Siya’y napangiti at ang pag-aagam-agam niya’y naparam. Siya’y nagpalingalinga upang tiyakin ang pagdating ng kawal ng Sultan.

Dumating si Atungal kasama ang kanyang tauhan. Akiba’t nila’y mga busog at palaso. Namataan nila si Matapang na nangungubli sa likod ng puno.

“Iyon! Ang ulo ng traidor ay madaling tagpasin. Pihong tayo’y nakasisisguro sa pabuya ni Sultan Sibasib!” sigaw ni Atungal. “Umabanti kayo, mga kawal!”

Nang Makita ni Matapang ang kanilang pagsulong, kanyang tinaas ang singsing at nanalangin, “O dakilang Bathala, ako po’y iligtas mo. Ang hiling ko’y si Atungal at ang kanyang mga kawal ay gawin mong pinakapangit na hayop sa gubat. Sana’y ang kanilang mga sibat ay matanim sa kanilang mga bibig. Sila sana ay tugisin ng mga mangangaso katulad ng pagtugis nila sa akin sa mga sandaling ito.”

Halos hindi pa natatapos ang panalangin ni Matapang, isang kata-takang pangyayari ang naganap. Niyanig ang lupa. Nalumbungan ang bundok ng maitim na ulap. Lumakas ang hihip ng hangin. Kumidlat ng matalim. Sina Atungal at mga kawal ay sinakmal ng bagyo. Si Matapang ay hindi naano sa lilim ng punong pinangungublihan.

Nang tumigil ang bagyo, nakita ni Matapang sa lugal na kinlalagyan ni Atungal at ng kanyang mga kawal ang mababangis na hayop na may matalas na pangil!

Mula noon ang mga hayop na naglipana sa pusod ng gubat ay tinawag na baboy-ramo. Sila’y tinutugis ng mga mangangaso. Sila’y hinuhuli bilang aliwan at ang kanilang mga karne ay kinakain pagka’t malinamnam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento