EDGARDO VAZQUEZ - Pinoy Imbentor

Pinoy Imbentor Edgardo Vazquez Pilipino Inventor Modular HousingInimbento ni Edgardo Vazquez ang Modular Housing. Ang sistemang ito na tinatawag na Vazbuil ay sinasabing kayang magtayo ng isang bahay sa loob ng ilang linggo lamang gamit ang ilang prefabricated na materyales na kayang kontrahin ang mga bagyo at lindol.

Ang dalawang kwartong 36-square-meter na bahay ay natapos sa loob ng 20 araw lamang sa isang construction fair sa Maynila.
Pinoy Imbentor Edgardo Vazquez Pilipino Inventor Modular Housing

Si Vazquez ay isang business graduate na nagtratrabaho sa kumpanya ng pamilya niya na nasa construction at tile business. Napalalunan niya ang medalyang ginto ng World Intellectual Property Organization (WIPO) noong 1995 dahil sa imbensyon niya. Nung sumali siya sa kompetisyon, inakala ng mga tao na isang Hapon o di kaya ay isang Koryano ang gumawa ng imbensyon niya. Akala nila hindi kaya ng mga Pilipino na gumawa ng mga ganitong bagay. Inaakala nila na pag pinoy ang gumawa ay walang kwenta at katuturuan ito.

Sa masamang palad, hindi sinusuportahan ng gobyerno ng Pilipinas si Vazquez para mapalawak ang teknolohiyang ito, na maaaring magbigay ng bahay at tiragan sa limang milyong mga Pilipino na walang tirahan.

Sa ngayon, siya ang presidente ng Filipino Inventors Society.





EDGARDO VAZQUEZ
Imbentor na Pilipino

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento