Bakit ang Langit ay Mataas

Noong unang panahon, malapit na malapit ang langit sa lupa. Maaring mahipo iyon.

Nakatira ang dalawang magkapatid na lalake sa kanilang mga magulang. Ang mga pangalan nila ay Ingat at Daskol.


Walang anak na babae ang mga magulang nila at dahil doon si Daskol ang gumagawa ng mga gawaing-bahay. Pabayang trabahador si Daskol. Kung bumayo siya ng palay ay natatapon ang kalahati sa lupa. Ayaw niya ang trabahong magbumayo ng palay.

Isang araw, bumayo si Daskol ng maraming-maraming palay. Tuwi siyang nagtaas ng halo, hinahampas niya ang langit.

Tumaas ng tumaas ang langit.

Noong matapos siya, naging mataas ang langit na katulad ngayon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento