Talambuhay ni Raja Sulayman

Raja Sulayman Raja Sulaiman Rajah Soliman Talambuhay ni Raha Sulaiman Talambuhay ng mga Pilipino Talambuhay nga mga Bayani ng Pilipinas
Si Raha Sulayman (o Raja Soliman o Raja Sulaiman) ay isang Muslim na datu, na namuno kasama ni Raha Matanda at Lakan Dula, hari ng Tondo, isang malaking populasyon ng mga Tagalog sa Timog ng Ilog Pasig sa Lungsod ng Maynila noong ika-16 na dantaon.

Magiliw niyang pinapasok ang mga Kastilang kongkistador na sina Martin de Goiti at Juan de Salcedo. Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga kongkistador ng mga pampalasa at mga babae bilang regalo.  At sang-ayon sa mga Kastila , siya ang pinakamatapang na hari na nakasagupa nila.

Taong1570 nang dumaong ang barko ng mga Kastila sa baybayin ng Maynila ulan ang mga sundalong banyagan na pinamumunuan nina Martin de Goiti at Kapitan Juan de Salcedo. Ngunit nang dumaan ang mga linggo, sinimulang abusuhin siya ng mga Espanyol at hindi naglaon, nalaman niya ang pakay ng mga Espanyol na sakupin ang kanyang lungsod at nakawin ang mga likas na yaman ng kanyang lugar.



Nagpapunta ng mensahero ang mga Kastila kay Raha Soliman upang ialok dito ang isang mapayapang kasunduan.  At upang makaiwas sa madugong degmaan ay nakipagkasunduan. ang matapang na Hari ng Maynila sa pamamagitan ng aamain nitong si Raha Lakandula.

Subalit hindi tumupad ang mapagmalabis na mga sundalong Kastila sa kanilang kasunuan, kung kayat muling nakipagdigmaan si Raha Soliman. Namuno siya ng isang kudeta upang mapaalis ang mga Kastila sa lungsod.



Si Raja Soliman ay nasawi sa labanan na naganap noong ika-3 ng Hunyo taong 1571 sa Bangkusay, Tondo.


Talambuhay ni Raja Sulayman


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento