Tayutay

Ang Tayutay ay isang salita o grupo ng mga salita na ginagamit upang makapagpahayag ng emosyon o upang makalikha ng mas malalim na kahulugan. Ang mga salita sa tayutay ay hindi literal, bagkus ito ay patalinghaga at ginagamit bilang simbolo.


Iilang Uri ng Tayutay

Alliterasyon -Pag-uulit ng naunang tunog na katinig.

Euphemismo -Pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim o bulgar. Halimbawa: Imbes na, Ang lolo niya ay natigok, mas mainam na sabihin na, Ang lola niya ay sumakabilang buhay.

Hyperbole o Pagmamalabis -Paggamit ng di pangkaraniwan na salita o palabis na paghahayag ng isang bagay.Halimbawa: Sa labis na kagutuman, kaya kong kumain ng sampung baka.



Irony o Kabalintunaan -Pag-gamit ng salita na ang ibig sabihin ay ang kabaligtaran nito.

Metaphor o Pagwawangis -Pagkukumpara ng dalawang magkaibang bagay na may isang importanteng bagay na pinagkatulad

Metonymiya -Pagpapahayag sa pamamagitan ng paggamit ng isang salitang may kaugnayan sa nasabing bagay. Halimbawa: Iniwasan na niya ang bote at baraha na nangangahulugang iniwasan na niya ang pag-inom ng alak at pagsusugal.

Onomatopoeia -Pagbuo o paggamit ng mga salita na mula sa tunog ng mga bagay-bagay. Halimbawa: tik-tak ng orasan, twit-twit ng ibon, tahol ng aso

Personipikasyon o Pagsasatao -Pagbibigay ng katangian o damdaming pantao sa mga bagay na walang buhay.

Pun -Paglalaro sa mga salita o pag-gamit ng isang salita na iba't-iba ang kahulugan.

Simile o Pagtutulad -Pagtutulad ng isang bagay sa isa pang bagay gamit ang salitang tulad ng, parang, kawangis ng, kasing atbp. Halimbawa: Ang balat niya ay kasingputi ng niyebe.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento