Talakitok sa Miso at Mustasa

1 talakitok na katamtamang laki
2 kutsarang miso
2 kamatis
1 kutsarang mantika
ilang dahong mustasa
2 butil na bawang
½ sibuyas
asin



♦  Alisan ng hasang at mga palikpik ang isdang talakitok.

♦  Gilitan ito ayon sa nais na laki.

♦  Hugasang malinis at asinan ng bahagya.

♦  Linisin ang mga dahon ng mustasa at putulin ayon sa nais na lalaki.

♦  Hiwaing maliliit ang kamatis at sibuyas. Pitpitin ang bawang.

♦  Magsalang ng kawali at lagyan ng mantika.

♦  Isunod ang pinitpit na bawang at sibuyas.

♦  Kapag namumula na ang bawang at sibuyas ay isunod ang kamatis at miso.

♦  Kapag bahagyang lanta na ang kamatis ay ilagay ang isda at dahon ng mustasa at sangkutsahin ang mga ito.

♦  Tubigan ayon sa nais na dami ng sabaw.

♦  Asinan ayon sa panlasa.

♦  Apuyan hanggang sa maluto.





Talakitok sa Miso at Mustasa
Lutuing Pinoy

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento