Ang mata ang gamitin at ang bibig ay tikumin.
Ang lumura paitaas,
Sa sariling mukha ang bagsak.
Ang mahira kunin
Ay masarap na kainin.
Mabuti pa ang maliit na dampa,
Kaysa sa palasyong nakasangla.
Sa mahal magbenta,
Nababarat ang paninda.
Kahit paliguan man ng pabango ang aso,
lalabas at lalabas pa rin ang mabahong amoy nito.
Pag masakit ang biro,
Ito ay nagpapadugo ng puso.
Kung ano ang hinala sa kapwa,
Kadalasan ay yaon ang kaniyang gawa.
Ang bulsa ng mayaman
Ay palagi ring kulang.
Kung anong tugtog
Ay siyang isayaw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento