HALINA SA KABUKIRAN

Halina, irog ko, sa kabukiran
Upang lagi nang dito manirahan,
At sa araw-araw ang mararanasan mo'y kaligayahan.
Mga ibon dito'y nagsisihuni,
Maagang-maaga pa lang,
Sa mga siwang ng dahon ng buli
Ay mapapakinggan.


Tiririt-tiririt-tiririt,
Ibo'y naghuhunihan,
Tiririt-tiririt-tiririt,
Tila ibig sabihin niyan---
Kung masipag kang lagi
Ay uunlad din ang iyong buhay.


HALINA SA KABUKIRAN
by J. Silos Jr.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento