PASKO NA! (By Benigno Zamora)

Malamig na simoy ng mabangong hangin
Na tanging sa pisngi ng langit nanggaling,
Ang inihahatid
Sa bukas na dibdib
Ng sangkalupaang dagi sa hilahil
At sala sa lalong tapat na dalangin. . .


Sa likod ng bundok ay namamanaag
Ang kaakit-akit na isang liwanag;
Ang ibinabadha
Ay malaking tuwa
Na di mag siyang malalasap
Ng lahat ng taong may mabuting hangad.


At ang ating puso ay muling hahagkan
Ng madlang ligayang di mapapantayan—
Ang diwa ng Pasko
Ang pista ng mundo—
Ang araw na siyang sa ati’y nagbigay
Ng buhay sa puspos ng madlang kariktan.


PASKO NA!
Benigno Zamora
1904



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento