Ang Pasko sa Dyip ni Ina (Ni Karen Gutierrez)

Tula:      Ang Pasko sa Dyip ni Ina”
Ni Karen Gutierrez
Maggagabi na’t ayan na naman si Ina,
Nakasabit sa dyip sa may Ermita
“Dyengel Bels”, kanyang inaawit na naman
Mapunan lang, butas na bulsa’t butas na tyan

“Ay, ano ba yan! Kay baho’t kay dumi!”
Sigaw ng ale, habang tinatago ang tampipi,
Sa kanina pang nakasabit sa dyip na pulubi
Naghihintay sa masasalong pamaskong kaunti

“Dyengel bels”, “dyengel bels”…
Kanya na namang tinula’t inawit,
Hanggang isang daa’y kanyang nabingwit
At sumigaw, “Salamat manong kayo’y napakabait!”

Ngunit nalimutan humawak sa dyip
Si Inang pulubi’y biglang nahagip!
Isang daa’y lumipad na lamang sa langit,
At ang “Dyengel bels”, di na muling nasambit.


Ang Pasko sa Dyip ni Ina
Ni Karen Gutierrez
Tula

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento