Si Juan Tamad at ang Pamatay ng Pulgas
Isang Araw ay inutusan si Juan ng kanyang ina na bumili ng palayok. Nagkataon sa lugar ng kanyang pinagbilihan, ang mga tao ay pinepeste ng pulgas. Papauwi na sana siya subalit ang pulgas ay pumasok sa kanyang damit. Nahulog at nabasag ang palayok. Nalarawan niya sa kanyang isip na galit na galit ang kanyang ina kaya kailangan niyang gumawa ng paraan.
Dinurog niya ang nabasag na palayok at inilagay sa dahon ng saging. Inilako niya ito sa taong bayan sa pagsasabing ito ay pamatay ng pulgas. Maraming bumili at umuwi si Juan ng maraming dalang salapi. Natuwa ang kanyang ina subalit kailangan pa rin niya ng palayok kaya pinabalik siya kinabukasan.
Sa kanyang pagbabalik sinalubong siya ng galit na galit na mga taong bayan. Ang kanyang ibinenta ay huwad, walang nangyari ng binudburan nila ng pulbos ang mga pulgas.
Subalit nagpalusot si Juan, hindi raw ganun ang tamang paggamit nito. Dapat hinuli nila ang pulgas at lagyan ang mga mata nito ng pulbos. Matapos magtawanan ang mga tao, tinakot nila si Juan na magsabi ng katotohanan. Walang magawa si Juan kung hindi magsalita.
Bago pa man masaktan si Juan ng mga kalalakihan, may isang matandang babae ang nag-awat at nagsabi na palayain na lang siya. Isusumbong na lang nila si Juan sa kanyang ina at bahala na lang ang kanyang ina ang magparusa.
Maabilidad lang si Juan dahil may panahon siyang durugin ang nabasag na palayok at kumuha ng dahon ng saging para ilagay dito.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento